FINALE: PROVEN AND TESTED EFFECTIVE

12.6K 210 37
                                    


This is it!!!!! After 48 years!


- - - - - - -- - - -- - -- - - - -- - - --

PROVEN AND TESTED EFFECTIVE

Three fucking years.


Yes, it feels like three years have passed, when in fact its just three weeks. Three weeks na mula ng umalis ng bansa si Dwynn.

Truth is, I miss him. I wish I had told him before I ran out of time, before it was too late.

And, I wish I was better at telling people how I really feel.

Napabugtong hininga ako ng malalim.

Waiting is really a mistake and now I regret it.


"Argh! I hate him! I hate him! I hate him! Sino siya sa akala niya para hindi ako pasalihin sa swimming team? Ang kapal ng mukha! Grabe! First day na first day of school nambubwesit na!"


Tumabi sakin si Tina dito sa bench malapit sa soccer field. Natawa ako ng makita ko ang nakabusangot niyang mukha pero hindi na lang ako nagkomento sa drama niya. Binaling ko ang aking tingin sa soccer field kung saan kami madalas tumatambay ni Tina noon. Kung saan ko pinapanood ang bawat practice at laro ni Aiden. At kung saan ko unang naka-ingkwentro ang pinakanakakainis at nakakaasar na lalaki sa buong mundo, ang lalaking may pinakamakapal ang mukha na nagpatid at nakatama ng bola sa pisnge ko noon, ang pinakabastos na nakilala ko sa balat ng lupa, ang humalik sakin sa harap ng halos buong school population, ang bestfriend ni Aiden, the campus playboy na si Dwynn, at ngayo'y ama ng aking mga anak.

First year ako ng huling makita ang soccer field na naging malaking parte ng aking buhay. Ngayon katatapos lang ng ang sem break at nagsimula na ang second sem ng aming huling taon sa college. Parang first day ko ulit dito sa University. Mabuti na lang talaga at nag-online class ako sa New York kaya nakahabol ako sa mga subjects ko.

Mula sa soccer field ay nilibot ko ng tingin ang paligid. Kung saan nagsimula ang lahat kung saan ko nakilala ang mga taong naging parte ng buhay ko ngayon. Lalo na siya. And thanks to him inin-roll niya ako dito.


"I love you too, sweetheart."


Parehas kami ni Tina na napalingon sa nagsalita. Tsk! Di pa mag-aminan. Tiningnan ko uli ang mukha ni Tina, hindi na ito maipinta ngayon.


"Bat mo ko sinusundan ha? Kainis ka talaga! Alis ka nga dito Jeiko!" pag-iinarte ng bruha.


Halata namang may gusto rin siya kay Jeiko. Sa mga nagdaang linggo palaging nagpapakita si Jeiko sa apartment kung saan pansamantalang tumira si Tina para matulungan akong mag-alaga sa kambal. At nakikita kong very obvious na ang feelings nila sa isat-isa.


"Chill, sweetheart, pahalata ka masyado na patay na patay ka sa kagwapuhan ko." pang-aasar ni Jeiko.


"Mauna na ako sa inyo field, malapit na mag-start ang trial for female soccer team." paalam ko sa dalawa.


Swimming team naman talaga ang sasalihan ko tulad ni Tina pero sa kung anong dahilan ay hindi daw ako qualified. What the! So ayun kahit anong pilit ko hindi daw talaga ako pwede sa swimming team kaya sa soccer team na lang.

One Night with the PLAYBOY [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon