CHAPTER ONE

7 0 0
                                    

*vippppppp.*

Agad akung nagising sa mula sa aking pagkakatulog ng mabilis na hinawakan ni papa ang prino ng sasakyan dahil sa may biglaang tumawid na aso mula sa kaliwang bahagi ng kalsada.

Kunot noo ko namang tinangal ang aking shade at ginala ko sa labas ang aking paningin. Nasa may boundary na kami ng Baryo Estrella at Baryo San Antonio, limang oras pala ang aking tulog sa byahe, hindi ko man lang namalayan na nakalagpas na pala kami sa lungsod.

Hmmmmm.

Sa totoo lang labag sa aking loob ang pagtira sa bahay ni lola Flora, hindi sa hindi ko gustong makasama ang lola kundi dahil sa ayaw ko sa lugar. Hindi ako sanay manirahan sa probinsya mas gugustuhin ko pa sigurong marinig ang ingay ng mga masasakyan at malanghap ang pulosyon kaysa magising sa mga huni ng ibon at katahimikan ng paligid.

Klaro naman na mas sanay ako sa buhay sa lungsod pero wala akung magawa kundi ang sumunod sa kagustuhan ni papa na sa bahay na kami ni Lola Flora manirahan. Gustuhin ko mang magpaiwan sa bahay na kinalakihan ko pero sa ngayon hindi ko pa kaya- hindi pa namin kayang tumira sa bahay na puno ng ala-ala ni mama.

Sa edad na forty-five maagang binawian ng hininga si mama dahil sa sakit na tumor, kung maaga naming nalaman na may Tumor sa utak si mama di sana naagapan pero malala na ito nung nalaman namin, hindi na nadala sa gamutan ang sakit ni mama. Limang buwan din lumaban si mama sa sakit niya ngunit hindi na nakayanan ng katawan niya. Kusa itong sumuko kaya ngayon naiwan kaming pamilya niyang nagluluksa sa pagkawala niya.

"Your spacing out again, Carl." Putol ni ate Maicha sa aking pagkatulala. "Everything will be alright. It might be not this time, but sooner or later will get through this, everything will be back in line soon." Yumakap sa akin si ate habang si papa ay napatingin sa akin mula sa front mirror ng sasakyan.
"Everything won't be back in line, ate wala na si mama, iniwan na niya tayo." Mahina kung utal.

Yumakap lang sa akin si ate habang si papa ay nagpatuloy sa pagmamaniho ng sasakyan. Tulog si kuya Drew na nasa front seat katabi ni papa. Marahil ay napagod ito dahil siya ang nagmaneho kaning madaling araw.

Nag buntong hinga ako at binalik ko ang aking atensyon sa labas ng sasakyan. Maganda naman sa probensya, rason kung bakit mas gusto pa nina ate at kuya maging si papa ang manirahan dito. Maging si mama man ay gusto niya din dito sa probensya. Kung buhay pa siguro si mama ngayon ay sigurado akung ikakatuwa niya itong paglipat namin dito sa probensya pero wala na siya, hindi ko na masisilayan ang mga ngiti ni mama, hindi ko na mararamdaman ang mga haplos niya at mga yakap niya.

Isang linggo pa lamang nawala si mama pero hito ako at sobrang miss ko na siya. Paano ako makaka move forward kung isipan ko laging hanap si mama.

"Check point lang po sir." Ani ng isang police na siyang dahilan para mapatingin ako.

Inibaba ni papa ang bintana ng sasakyan at hinayaang suriin ng police ang loob ng sasakyan na siyang agad namang ginawa ng police.

"David?" Gulat na pagtatanong ni papa sa police.
"Anthony? Hey bro, Welcome back cousin!" Masayang tugon ng police kay papa.

Gulat itong napatingin sa kay papa, agad naman itong nagbago ng expression ng makita kami sa loob.

"Condolences, Anthony." Tinapik nito ang balik ni papa habang nginitian lang ito ni papa bilang tugon.

"By the way ba't ba may checkpoint? Anong nangyayari?" Pagtatanong ni papa.
"Ahhh mga rebelde." Tipid na tugon nito kay papa. "Nagka-ingkwentruhan last week ang mga sundalo dito sa atin at ang mga rebelde, kaya hanggang ngayon higpit ang mga police at sundalo dito sa atin." Litanya pa nito.

Tumango-tango lang si papa habang ako ay nilibut ko ang paligid mula sa loob ng sasakyan.

Nang matapos suriin ang sasakyan at nagpaalam na din si papa sa pinsan niyang si uncle David ay agad namang pina -andar ni papa ang kotse at binagtas na namin ang malubak na lumang kalsada ng Baryo Estrella.

Bulong sa HanginWhere stories live. Discover now