PASADO alas dose na nang hating gabi pero hindi pa rin ako makakatulog. Hindi pa ako dinadapuan ng antok.
Nakahiga lang ako sa malambot na kama habang tinititigan ang lumang kisame dito sa aking silid. Hindi pa rin mawawa ang sinabi ni Lola Esmeralda sa akin na ako ang kanyang pamangkin na si Mariano Buenaflores.
Nagluluksa sana ako ngayon pero heto ako at naguguluhan dahil sa mga nangyayari. Unang araw ko pa lang dito sa Baryo Estrella pero ito na agad ang bumungad sa akin, nakakalito.
"Ang binulong sa hangin ay nagkatotoo, nag balik na ang minsang pinarusahan ng dahil sa pag-ibig."
Ang pangakung sinambit at binulong sa hangin ay nagkatotoo. Sa ika-apat na henerasyon siya'y magbabalik sa katauhan sa ika-apat na Apo ng mga Buenaflores."
Kung ito ang isa sa mga rason kung bakit ako pumayag na dito manirahan - ang malito at ang mapagkamalang si Mariano Buenaflores sana hindi na lang ako pumayag at pinilit kung magpaiwan sa bahay.
Ngunit kung magpaiwan naman ako sa bahay tiyak na uusigin ako sa mga ala-ala ni mama.
Hmmmmmm.
"Anak, Mariano!"
"Mariano!"
"Mariano!"
"Anak nasaan ka, anak!""Ina."
"Mariannnooo!"
"Antonio anong nagawa mo!"Sa gabing kay ganda, nanghahalina ang mapanglaw na buwan at tila'y mga alitap-tap na naglalakbay ang mga bituin.
Yumayakap ang malamig na pang-gabing hangin sa nino mang nasasagasaan nito. Kabaliktaran sa dinanas ng dalawang ginoo na nais lamang na maunawaan.
"Antonio, Mariano!"
"Anak, gumising ka anak!"Sa matahimik na gabi umalingaw-ngaw ang hinagpis ng isang inang nawalan ng anak.
Sa pagitan ng kagandahan ng gabi, dumanak sa hamog ang dugo ng isang nagmamahal."Mariaannno"
"Taksil!"Kasunod sa alingaw-ngaw ng hinagpis nang isang ina ay ang pagbulong sa hangin. Kung ang kasawian ang tunay na halaga sa pagmamahal, kay sarap sumugal.
"Mariano."
"Manuel!"
"Aking mga anak, Antonio ano ang ginawa mo!"
"Nararapat lamang na parusahan ng kamatayan ang mga taksil, Carlotta."Sa huling pagkakataon, sa gabing mapanglaw, alingaw-ngaw ng hinagpis mula sa isang ina ang lumukob. Sa katahimikan ng gabi, panaghoy ng isang ina na nagdadalamhati ang bumalot.
"Sa hangin aking binubulong,
dingin ang pagsamo ng isang ina.
Panaghoy ko't hinagpis iyong dingin.
Iyong ibalik buhay ng aking anak.
Sa panahong itinakda,
Landas ay pagtagpuin.
Pag-ibig na naudlot,
Oh hangin iyong pagdugtunging muli.
Itakda ang dalawang pusong
nagmamahal.
Upang pagmamahalang mali ay maging wasto.""Anaaaakkkkk!"
AGAD akung napabalikwas mula sa pagkakahiga. Panaginip, anong klasing panaginip 'yon?
Sinong anak?
Sino si Manuel?
Bakit nasa panaginip ko ang aking Lola Carlotta at Lolo Antonio? Bakit niya pinatay ang dalawang lalaki?
Ano ang nangyayari sa akin? Bakit ko napapanaginipan ang mga ganung klasing kaganapan? Worst, bakit ko dama ang hinagpis ng isang naging sawi sa pag-ibig kung gayong hindi ko pa na try na magka-nobyo?Napahilamos na lamang ako sa aking mga naiisip.
Bumangon ako at nagtungo sa kusina, alas kuatro na pala ng madaling araw. Madilim pa ang paligid pero sumisilay na sa kalangitan ang bukangliwayway.
YOU ARE READING
Bulong sa Hangin
RomancePaano kung babalik ang taong mahal mo pero sa ibang katauhan? Ano ang gagawin mo kung maging ikaw ay nag balik din pero sa ibang katauhan din? Ano ang iyong gagawin kung ang oras na ang gumawa ng paraan para muling pagtagpuin ang mga pusong minsan n...