》ICEAH'S P.O.V《
Andito kami ng mga kaibigan ko sa cafeteria ngayon and just like before, pinagbubulong-bulungan nanaman nila 'ko. Di ba sila napapagod? Kasi ako pagod na pagod na ang tenga kong marinig ang mga binubulong nila. Pero infairness ahh may mga good comments nadin about sakin. But, who cares? Tss
Kumakain lang ako ng burger dito pero agad akong napatayo ng may naramdaman akong malamig na tubig na bumubuhos mula sa ulo ko..
"What the f!" Sigaw ko dahil sa gulat. Pati sila Hera at Lixa ay napatayo narin.
"Oppx sorry, i thought you're a garbage bin. But it's okay, basura karin lang naman." Nag-init ang dugo ko ng marinig kung sino ang nagsalita. I looked at her at kita ko sa labi nya ang ngisi. Here we goes again, the best actress. None other than Crystelle Irish Trevor. My sister slash enemy.
"Ano nanaman bang kailangan mo Irish ah?!" Galit na singhal ni Hera. Si Hera talaga ang palaban at mahilig sa gulo kong kaibigan, while Lixa was just talkative but also she's brave. I mean, they're both brave.
Tumingin muna ako saglit kay Lixa at may sinenyas rito saka nag-usap kami sa mata. I think she get what i want to tell her kaya tumango sya at umalis.
"Ohh i think one of your friend got scared kaya umalis. Poor Ceah..." mataray na ani ni Irish. I think she thought that Lixa was scared of her. Tss as if naman.
"What do you want?" I coldly asked her.
"Nothing. I just wanted to play with you." Nakangisi nyang sagot.
"Okay, then. You can play. You can do whatever you want. Play all by your self. I'm tired to play with you. That's why i'll let you to play alone." Walang gana kong saad saka umupo na parang walang nangyari na kinainis naman ng impakta kong kapatid na si Irish.
"Don't turn your back at me. We're not done yet! Wag kang bastos!" Inis na sigaw nya at saka sinabunutan ako. Hinayaan ko lang sya at napatayo ako dahil sa sabunot nya napaharap din ako sakanya dahil sa higpit ng paglakahawak nya sa buhok.
"Irish ano ba!" Sigaw nman ni Hera.
"Wag kang mangingialam rito!" Sigaw din ng tropa ni Irish na si Trixie.
Buti nalang at di naman nakisali si Hera kasi alam nya ang gusto ko at yun ay ang hayaan lang sila sa ginagawa nila.
"Ano? You can't fight me! Are you afraid? Ba't di mo 'ko labanan?" Sunod sunod na tanong ni Irish sakin habang hawak parin ang buhok ko.
"B'cuz i'm too lazy para makipag-away sa isang katulad mo." Mariin kong sagot kay Irish na ikinagalit naman nito kaya mas niriinan pa ang pagkakahawak sa buhok ko.
"A-ahhh..." mahinang daing ko na nagpangisi naman sakanya.
"Lumaban ka! Labanan mo'ko!" Sigaw nya. I know that she want me to hurt her para kaawaan sya ng mga nandito at para isipin nanaman na ako ang nagpasimuno ng gulong 'to. Wala akong ginawa at hinayaan lang sya ket sobrang sakit na talaga ng anit ko. Makakalbo ako sa babaeng 'to!
"Sabi ko labanan mo 'ko!" Sigaw nya at malakas akong sinampal at dahil din sa lakas nayun ay nabitawan nya'ko't napa-upo ako sa sahig ng cafeteria. Madami ng nakatingin samin. As always naman, dami kayang chismosa dito.
"I don't wan't to!" Mariin ko ring sabi. Lumapit naman sakin si Hera at kinuha ang kamay ko para alalayan akong tumayo pero hindi ko pinansin si Hera dahil nakatingin lang ako kay Irish na inis na inis na ngayon kasi di ako lumalaban tss.
"I said-- ahhh" sigaw ni Irish at nagsimula na syang pagsasampalin at sabunutan yung sarili nya. Tsk i think i know why she's hurting her self tss she looks like a crazy bratt now pft.
"Ouchh!!" Kunwaring daing nya pa saka napa-upo. Nang napa-upo na sya ay yun naman ang pagtayo ko.'Uyy andyan na sila Cilde.'
'Lumayo-layo na tayo baka madamay pa tayo dyan'
'Lagot nanaman 'yan.'
Bulong-bulungan sa paligid.Pinagpagan ko naman ang sarili ko nang may marinig akong mga yapak na papalapit sa'min este kay Irish.
"what did you do?" mariin na tanong sakin ni Alexus ng makarating ito kay Irish. Tinulungan nilang makatayo si Irish saka binalingan ako ng masasamang tingin.
"ano nanamang eksena 'to, Ice?!" tanong rin sakin ni kuya Clide.
"well, eksena ito kung saan si Irish nanaman ang bida at ako ang kontrabida. But you know what? Ang panget paring umakting ni Irish." pabalang na sagot ko kaya lahat silang apat ay nainis pati si Irish.
Tinignan ko si Irish na ang sama ng tingin sakin at nakahawak pa sa pisngi nyang sya naman ang sumampal. Infairness ah namumula talaga yung pisngi nya. Medyo humihikbi rin si Irish para kaawaan nanaman sya ng apat na obob na lalaki. Tss
"ikaw nanaman ba ang nagsimula ng gulo na 'to ah? Ice?!" sigaw rin saakin ni kuya Cloud.
Binigyan ko naman ng walang emosyong tingin si kuya Cloud.
"hmm maybe? Kasi pagkarating nyo ako yung nakatayo samantalang si Irish ay naka-upo. So i think iniisip nyo na ako yung nananakit dyan. Baka ako nga talaga yung nagsimula." walang gana kong saad na nagpakunot naman sa mga noo nila."what the fvck Ice! Are you out of your mind?!" iritang sigaw sakin ni Hera. Ayaw na ayaw nya kasi yung tipong ida-down ko mismo yung sarili ko... Sanay ata si Hera na ipapaliwanag ko yung side ko sa mga tao rito.
Tinignan ko sya at nag half smile saka nag smirk ako. I think na-gets nya naman kung ano yung ibig kong sabihin kaya napabuntong hininga nalamang sya.
"Hindi ka ba marunong sumagot ng maayos, Ice?!" nanggigigil na tanong sakin ni Alexus.
As if naman makikinig sila sa paliwanag ko tss. Kapagod na mag-explain lalo pa't wala naman silang balak paniwalaan ako.
"what's the matter of explaining my side if all of you will never beleive me? Tsk sinasayang lang natin ang oras ng isa't-isa." pagtataray ko at tumalikod na, ganun din ang ginawa ni Hera.
"asan pala si Lixa? Ba't umalis sya?" pabulong na tanong sakin ni Hera kaya napatigil ako, ganun rin sya. Napaharap ako ulit kila kuya at kay Irish.
"BTW, better luck next time sa pag-acting, Irish. Luma na kasi ang mga acting style mo tsaka... Hindi na kapani-paniwala." aniya ko at tuluyan ng umalis.
Rinig ko ang mga bulong-bulungan pero wala na akong paki-alam. Kung dati ay pinagtatanggol ko 'yung side ko at nagmamakaawa sa apat na lalaki na paniwalaan ako, ngayon hindi na. Wala na'kong pakialam kung maniwala sila sakin o hindi. Nakakapagod na mag-explain sakanila na 'hindi ako ang nag-umpisa'. 'mali kayo ng iniisip'. 'paniwalaan nyo naman ako, pleasee' nakakapagod ng magmakaawa sakanila kaya hahayaan ko nalang 'yun.
I think, the 'best actress' award goes to Irish. Pero mas magaling parin akong mag-acting sakanya. Tss.