Chapter 4 [!]

0 0 0
                                    

Serene's POV

"Urk! You killer, get the hell outta here!"

"Are you even prepared for the punishment? You even killed us without valid reason? Huh?"

"I'll curse you, Forever!"

"May you have all the badluck here on earth!"

Mga maiingay na hagulgol at mga boses na naman ang narinig ko, napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit na nararamdaman ko na parang hinihiwa ito.

"No!" Sigaw ko.

"I said, stop it!" sigaw ko uli.

Mula sa mga hagulgol, biglang pumalit ang isang napakapangit na tawa.

"HA HA HA HA..."

Habang tumatagal mas lalong lumalakas ito at hindi ko na alam kung saan ako tutungo dahil sa hindi ko kabisado ang lugar na iyon.

I need my kuya!

"Kuya! Kuya!" Sigaw ko.

Napaiyak na'ko habang hinahanap ko si Kuya, Kuya Polly.

"Rene, come here!" Narinig ko ang boses ni kuya sa isang madilim na bahagi sa lugar na'yon. Dali-dali akong napatakbo do'n, habang palapit ako ng palapit mas lalong lumalayo ang boses ni kuya. Unti-unting humihina ang boses niya at hanggang sa wala na akong narining.

"Kuya!" sigaw ko uli. Hindi ko na napigilan pa ang pagdaloy ng mga luha ko.

"Lady Rene!"

"Lady Ser—"

"Rene!"

Tawag sa'kin, napalingon naman ako kung saan galing iyon, pero hindi ko iyon mahanap. Feeling ko nasa buong paligid ko lang yung boses na'yon.

But that voice is different... Definitely not from my kuya.

Unti-unting lumiwanag ang paligid ko na parang natakot sa boses niya yung mga nananakot sa'kin.

Pagkabuka ko sa mga mata ko, nasa loob ako ng eroplano. Blurry pa ang paningin ko dahil sa mga luha ko, pero alam kong nasa eroplano parin ako. Hindi ko akalaing nakatulog ako dahil sa pagod.

Pinahiran naman ni Aquin ang mga luha ko gamit ang tissue, hindi ako makasalita dahil sa nangyari kahit na nasa panaginip ko lang 'yon pero feeling ko totoo ang lahat...Ito na ba yung parusang hinanda ni Azrael?

"You're having a nightmare." Wika niya. At napayuko nalang ako.

Hindi ko alam kung bakit palagi nalang akong ginaganito. Nakakatakot ng matulog, pati ba naman sa panaginip ko patuloy parin nila akong hina-hunt ng mga kaluluwang pinatay ko.

"Just take your time here to relax tatawagan ko lang muna si Master Polly—" nang mabanggit niya'ng pangalan ni Kuya, agad kong hinawakan ang kamay niya upang pigilan siya.

"Don't tell him, Isa pa, ayos na'ko ngayon!" pigil ko. Hindi narin siya umangal pa at tumango nalang.

Hindi pa muna ako lumabas sa eroplano, at napa-tulala.

Kinuha ko ang cellphone ko at inopen ko'yun. Biglang nag pop-up ang mga missed calls galing kay kuya at sa mga subordinates ko. May isang message ang dumating.

From: Alona.

She's a girl at isa sa mga subordinates ko, na naka-assign sa Isla na pagmamay-ari ko.

Pagkabasa ko sa message niya, napatayo ako.

Nakita ko si Aquin papunta sa kinatatayuan ko at may dala siyang isang baso ng warm water.

"Aquin, Ihatid mo muna yang mga items sa mansion ni kuya. Kailangan ako sa Isla!" Sabi ko at agad ng bumaba sa eroplano. Hindi ko na siya nilingon pa, at wala narin akong narinig na boses niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Take You To Azrael Where stories live. Discover now