Author's Note

235 18 7
                                    

Hi all!

This story marks an achievement in my writing experience. A little warning though. This is something different. A story which may be a hard pill to take compared to the other stories, for those who have read my previous works, I love the mainstream plot, short and cliché type of story, but I promise this will be worth the read.

Writing a story was never, in my wildest dreams, gonna be one of the things I'd love to be doing if I were to be asked by anyone 5 years ago but, here we are now. 100. The 100th story to be published and written by yours truly. This has been long written, waiting to be uploaded until we reach that number 100.

Nagsimula ako noong 2019 bilang isang fan fiction writer ng MayWard. Maymay Entrata and Edward Barber,  and it's been quite the ride ever since. Nagsimula sa pagiging tagabasa ng mga akda ng ibang mga taong may malilikhaing utak sa pagsusulat. Hanggang sa nagkaroon ako ng sariling ideya na sinubukan kong isulat. MayWard may have gone separate ways but I will write this with them in mind. Not because I am still hoping but because they are the reason I started writing. Nagpapasalamat ako sa kanilang dalawa dahil sila ang dahilan kung bakit ako nagsimulang magsulat at kung bakit umabot ako sa kung nasaan man ako ngayon pagdating sa pagiging manunulat. Hindi man naging happy ending sa pagitan nila, alam ko na susuportahan ko pa rin sila. Hindi man sa pamamagitan ng paggamit sa kanila sa mga storya ko, pero sa sarili ko nang lihim na paraan. I will move on but the inspiration they gave me will stay with me forever. I will always be thankful for them. I will always go back to where it all started.

This story won't contain images so the characters will still be depending on your imagination, kung anong itsura man ang gusto niyong isipin. Kung sino man ang nais niyong maging representasyon ng mga karakter. Iiwan ko na yun sa inyo bilang mga tagabasa ng kwento.

Sana magustuhan niyo. Sana hindi pa rin kayo magsawa, kahit nakarating na tayo sa ika-100 ng mga storyang hindi ko inaasahang masusulat ko. Sana maging masaya kayo kagaya ng nararamdaman ko kung paano ako umabot sa ganitong kadaming kwento.

Salamat. Salamat sa pagbibigay sakin ng plataporma para may mapagkaabalahan ang utak ko imbis na magpakain sa anxiety na meron ako. Salamat kasi binibigyan niyo ako ng motibasyon sa kada storyang natatapos ko, na pwede at meron pa akong magagawang bago. Salamat sa suporta simula pa noong una. Salamat sa walang sawang pagbabasa. Mahal ko kayo!

Now shall we proceed? 😉

Comment and vote for the Prologue <3

A Hundred I Love YousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon