Day 7

48 6 4
                                    

LJ's PoV

"What do you mean resign?!" Galit na sambit pa ng boss ko after I gave my resignation letter

"It is what it is" simpleng sagot ko

"You can't resign just like that?!"

"Why? Kasi wala ka nang matatawag na tanga?" Matapang na sambit ko

"Miss Montemaria!!" Sigaw pa nito

"I quit. And you can't do anything about it dahil pinasa ko na direkta sa HR ang resignation letter ko" sambit ko before I headed towards the door pero bago ako lumabas nagsalita pa ulit ako

"You may be the boss in this group or team of the company but I am my own boss. Kung di mo ko kayang tratuhin bilang tao, hindi dito ang lugar ko"

"Aaahh!!" Rinig kong sigaw ng boss ko bago ako makaupo and of course as expected, lahat ng tsismosa lumapit sakin agad

"LJ!! Seryoso ka ba?! Aalis ka na talaga?!"

"Oo nga"

"Bakit?!"

"I don't think I even have to answer that. I was treated like bullsht here. Hindi na ko magtitiis"

"Paano naman kami??"

"I'm gonna miss you guys but no I'm still leaving" matigas na sambit ko bago ako bumalik sa trabaho. I'm so fed up with trash treatment. I'm so done.

Scar's PoV

"Scar..."

"Anong ginagawa niyo dito?" Matigas na sambit ko seeing my parents at the door of the restaurant I'm working at

"Kilala mo sila?" Carl

"Anak... please naman" Mama

"Parents mo?! H-hi po!" Sambit na lang ni Carl sa kanila

"Upo po kayo" Carl said na sinunod ng mga magulang ko pero nanatili lang akong nakatayo sa pwesto ko

"Maiwan ko na po muna kayo" sambit ni Carl as if sensing the atmosphere

"Scar... please... magpacheck up tayo anak" sambit ni mama pagkaalis ni Carl

"Ok lang ako"

"Scar!" Dad

"What will change dad? Huh? Tell me? Kung magpapacheck up ba ko mawawala tong sakit ko? Hindi di ba? So what's the point? Just let me live my life"

"Ang dali sayong sabihin yan! Hindi mo man lang ba kami naiisip ha?! Masakit lalo samin to!"

Umiwas na lang ako ng tingin sa kanila hanggang sa lumabas yung boss ko.

"Hi... parents po kayo ni Scar?"

"Opo..."

"Pwede tayong mag-usap?" Sambit ng boss ko bago sila niyaya sa opisina. Napaupo na lang ako sa isa sa mga silya pagkatapos nun.

Third person's PoV

"Sir... please alisin niyo na sa trabaho yung anak ko" agad na bungad ng mama ni Scar sa amo nito

"May sakit siya tama?" Boss Rex

"Oo" sagot ng ama ni Scar

"I can't just let him go" diretsong sambit ni Boss Rex

"But!"

"He doesn't work overtime. Hindi ko din siya binibigyan ng mabibigat na trabaho. Alam ko din na may problema yung bata sa kalusugan niya. I know that illness dahil nakita ko mismo sa kanya ang anak ko. Pero alam niyo bakit hindi ko siya pwedeng bitawan?"

"Bakit?"

"Nakikita niyo ba yung saya nung bata sa tuwing may nagagawa siyang trabaho dito? He looks fulfilled. He looks happy. Hindi ko pwedeng tanggalin ang sayang yun dahil lang nag-aalala ako o kayo sa kanya"

Sa pagkakataong yun natahimik ang mag-asawa dahil may punto ang sinasabi ng kausap nila.

"Huwag kayong mag-alala. Ako ang tumatayong ama ng mga tauhan ko sa restaurant na to. At hindi ko kailangan man hahangadin mapasama ang mga anak ko."

Bumuntong hininga ang ama ni Scar bago nagsalita, "ipagkakatiwala ko sayo ang anak ko... pero nagmamakaawa din ako na... na sana makumbinse mo siya sa check up... gusto lang namin malaman ang sitwasyon niya. Yun lang... hindi naman namin pipigilang hanapin niya yung sayang binawi sa kanya ng sakit niya eh. Ang... ang amin lang... malaman namin kung gaano katagal pa namin siya makakasama. Yun lang"

"Susubukan ko" sambit ni Boss Rex sa mag-asawa bago ito tuluyang umalis

"Boss Rex tatanggalin niyo na ba ko sa trabaho?" Nag-aalalang tanong ni Scar

"Bakit naging gago ka ba?"

"Hindi po!"

"Oh edi hindi"

"Talaga po?!"

"Pero"

"Pero ano po?"

"Magpacheck up ka"

"Boss..."

"Mahalaga saken malaman kalagayan ng mga empleyado ko. Para ko na kayong anak. Tsaka isa pa. Mandatory sa trabaho ang annual check up! Nagganun ka na ba?"

"H-hindi pa po"

"Then magpapacheck up ka. Di ka papasok pag di mo yun ginawa"

"Boss..." sambit ni Scar pero nginitian lang siya ng amo bago tinapik sa braso

"Nak... nag-aalala ako kasi kargo kita. Tinanggap kita kasi nakita ko kung gano ka kasaya dito. Pero mas magugustuhan ko bilang amo... at bilang tatay tatayan mo na... maging maayos ka bago ang lahat. Naiintindihan mo naman yun di ba? Di kita aalisin pero sana... para sa magulang mo. Gawin mo to ha?"

"Opo..."

Like and comment for the next chapter <3

A Hundred I Love YousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon