Day 25

34 5 2
                                    

LJ's PoV

"Goood mooorrniiiiing!" Masiglang bati ko pagdating ko sa restaurant. Ngayon ang unang araw ko ng pagttrabaho dito.

"Hi! Haha taas ng energy natin ah?"

"Haha masaya lang. Carl right?"

"Yep! Nice tanda mo ah?"

"Syempre! Ako pa ba?"

"Hahahaha hope to work with you for a long time!"

"Grabe ka naman parang expected mo nang aalis ako agad?"

"Hindi ah! Hahaha trabaho na nga tayo!"

"Sige sige lagay ko lang tong gamit ko sa loob"

"Sige. Andun din si Scar"

"Ahh okay!" Sambit ko before heading to the locker area at dun ko nga napansin si Scar na nakaupo habang magkadaop ang palad

"Hi!" Masiglang bati ko pero tiningnan lang niya ko ng walang emosyon

"Tanda mo pa ko? Today ako magsstart. I'm—,"sambit ko pero bago ko pa nabanggit pangalan ko pinutol na niya ko sa pagsasalita

"Let's just work, shall we? I'm not in the mood" sambit niya before heading out

"Okay? Luh moody" bulong ko sa sarili ko bago nag-ayos at lumabas na din ng locker room

Inorient ako ni Boss Rex sa mga gagawin at wala naman akong problema sa lahat ng nabanggit niya.

"Boss?"

"Oh, LJ? Bakit?"

"Masungit ba talaga si ano... si Scar?"

"Huh? Hindi, bakit?"

"Wala naman... tinarayan kasi ako kanina"

"Intindihin mo na lang iha, ha? Baka... baka may iniisip lang yung tao"

"Sa bagay..."

"May mga tanong ka pa ba?"

"Wala naman na po boss Rex"

"Sige sige maiwan ko na kayo. Tawagin niyo ko pag may problema ha?"

"Opo boss!"

Let's just say... everything was going well. Not until I bumped into Scar habang naglalampaso and he ended up breaking glasses and plates.

"Oh my gosh sorry!"

"Hahara hara kasi! Tsk!"

"Hindi kita nakita pasensiya na" sambit ko helping out pero kukunin ko pa lang yung plato tumaas na boses niya

"Don't touch it! Umalis ka na nga lang!"

I was speechless but Carl just pulled me away from him.

"Ano bang problema non?! Ha?! Hindi ko naman talaga siya nakita eh!"

"Hayaan mo na. Mabait naman yang si Scar, baka may iniisip lang"

"Kahit na! Wag niya ko pinagtataasan ng boses papatulan ko siya!"

"Carl, LJ anong nangyayari dito?" Boss Rex

"Medyo nagkainitan lang si LJ at Scar bossing" sambit ni Carl

"Iha... pagpasensiyahan mo na lang si Scar"

Huminga ako ng malalim bago ko kinalma sarili ko

"Mag-iingat na lang lahat sa susunod" sambit ni Boss Rex pagkatapos naming ikwento nangyari

"Hindi niyo po ba pagsasabihan si Scar?"

"I will, iha. Wag ka mag-alala"

"Pasensiya na po... salamat" sambit ko suddenly noticing that I judged my new boss right away na baka kagaya lang siya ng dati kong boss sa kumpanya.

"It's alright. Get back to work now"

"Opo"

Scar's PoV

"Scar?"

"Boss Rex?"

"Pwede ka makausap?"

"Tungkol saan po?"

"Kamusta check up mo kahapon?" Hearing his question ang tanging naisagot ko lang was a heavy sigh

"Nothing new. Mamamatay pa rin ako"

"Kaya ba mainit ulo mo kanina?"

"Po?"

"I heard you shout at the new employee, Scar"

"S-sorry po"

"Alam ko may pinagdadaanan ka... pero para sa mga taong walang alam kagaya ni LJ... you need to be more considerate okay?"

"Alam ko po. Pasensiya na boss Rex"

"I understand. Andito lang ako, ha?"

"Salamat po"

Like and comment for the next chapter <3

A Hundred I Love YousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon