ika-dos

8 0 0
                                    

Ryusei's View Piont

nagulat ako ng may biglang kumatok kaya naman agad akong lumayo kay babaeng maputla. nang tignan ko siya ay masama ang tingin niya sa pintuan.

"fuck, istorbo" mura niya at hinalikan ako ng mabilis sa labi bago tignan kung sino ang nasa pinto. istorbo? so kung walang kumatok e baka may iba pang nangyari? nakakaloka. at aba nakaka ilan kana ah!

"what d'you need, Fraser?" nakasilip sa pintong sabi ni babaeng maputla sa kausap niya na si Fraser daw, sino kaya iyon? tsaka ano kaya pangalan nitong babaeng manyak na to. napakibit balikat nalang ako sa naisip.

nagulat ako ng biglang bumukas ng pabalibag ang pinto at pumasok ang isang lalaki na sa tingin ko ay mas bata pa sakin. kamukha siya ni babaeng maputla kaya hindi na ako magtataka kung magkapatid sila sa tingin ko ay 2nd year high school ito.

"woah, who's this? is this your boyfriend Fury?" nanlaki ang mata ko sa tanong nito.

"omg! no—" naputol ang sasabihin ko ng biglang magsalita si babaeng maputla.

"sort of. now, anong kailangan mo?" anong sort of? gaga ba siya?!

"well lunch is ready bumaba kana raw sabi ni aling nazi at isama mo na rin yang 'sort of boyfriend mo." aba't gago to ah. tsaka nasa baba raw si nanay? sana naman hindi ako isumbong nitong babaeng maputlang to.

"mauna kana, susunod kami." sabi ni demmy, demmy pala ang pangalan niya. sa kapatid niyang dom ang pangalan na may sakit sa utak.

kaagad akong hinatak ni babaeng maputla patayo at hinila papunta sa isang pinto. ano nanaman to? pagbukas niya ay banyo pala. shems dai mas malaki pa ata ang banyo niya sa buong kwarto ko! hinatak niya ako papasok at inilock niya nanaman ang pinto.

"hoy! anong gagawin natin dito?" kinakabahang tanong ko. baka gagahasain niya na ako oh my i can't! bata pa ako.

joke.

"tss relax, I'll clean you." binuksan niya ang drawer na nasa ilalim ng sink at kumuha ng wipes. binuksan niya at kumuha ng isang piraso bigo nilapat sa mukha ko. lumayo naman agad ako.

"ako na gaga, keri ko naman."

"shut up and just let me." pinagpatuloy nga ang ginagawa sa mukha ko at pati leeg ko dinamay nuya na sa pagpunas.

"damn, i left a hickey on you." hickey? as in kiss mark? what the fuck babaeng maputla! kaagad kong tinignan ang leeg ko sa sobrang laking salamin na nasa ibabaw ng sink sa banyo niya. may pulang marka nga!

"bakit mo kasi ako nilaplap sa neck ko! sabi mo kiss lang."

"yumuko ka nga." yumuko naman ako gaya ng sabi niya habang tinitignan pa rin yung iniwan niyang kiss mark sa leeg ko. pano ko itatago to?! what if makita to ni nanay ano nalang ang sasabihin niya sakin? nagulat ako ng biglang sinuklay ni demmy ang kamay niya sa buhok ko habang nakatingin sa reflection ko sa salamin. yung mukha niya poker face nanaman.

may kinuha nanaman siyang kung ano na nakalagay sa tube sa drawer na pinagkuhaan niya kanina ng wipes. binuksan niya yon at liquid na color skintone ang laman, naglagay siya ng konti sa kamay niya at tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kiss mark na kagagawan niya. nilapatan niya ng liquid na skintone ang neck ko at blinend niya ng konti pagtingin ko ay medjo hindi na halata ang hickey na iniwan niya sa balat ko. magic?!

tinignan niya nanaman ang reflection ko sa salamin habang nakangisi. seriously? ang creepy niya.

"do you want to brush your teeth?" tanong niya sakain at umayos na ng tayo kaya umayos na rin ako ng tayo.

"hindi na, thanks." pagtanggi ko tapos ito namang si babaeng maputla ay tila may kalandiang nananalaytay talaga sa dugo dahil bigla niya nanamang kinawit ang braso niya sa balikat ko at iniyuko ang ulo ko bago ako hinalikan sa labi. 4 kiss in a day?! hinayaan ko nalang siya dahil pagod na rin akong magpumiglas pa tsaka wala rin naman akong magagawa mas malakas siya sakin. hindi nga talaga basta basta ang mga Seinfield. nang tumigil siya ay bigla niya nalang akong hinatak ng walang sabi sabi at dire diretsong lumabas sa kwarto niya.

kinabahan ako ng makita ko ang grupo ng mga guardya na humabol sakin kanina. nagulat ako ng biglang tinawag ni Minute ang isa sa kanila at tila nagulat pa sila ng makita akong hawak hawak ni Minute. dali dali silang nagsitakbuhan papunta sa direksyon namin.

"mam pasensya na po at nakapasok pa itong magnanakaw sa kwarto niyo." sabi ng guard sabay tingin ng masama sakin. ako magnanakaw? e kung kalbuhin kaya kitang pangit ka!

"he's not a thief." sabi naman nitong si babaeng maputla. oh ano ka ngayon? pft panot!

"ha? pero mam hindi naman po natin siya kilala at bigla siyang pumasok sa mansyon."
pagdadahilan pa rin ni manong panot.

"he is aling nazi's son."

"ay ganoon po ba mam? pasensya kana hijo." tse! pasensya raw e kanina ko pa nga sinabing anak ako ni naznen reigo. pero tumango nalang ako.

"sige na, mauna na kami." hinila nanaman ako ni Minute sa mahabang hallway ng mansyon nila ngayon ko lang din napansin ang mga paintings na nakadikit sa pader. paintings ng pamilya nila. nakita ko si Mrs. and Mr. Seinfield alam ko ang mukha nila dahil may pinakita sakin si nanay dati na pictures kasama ang mga amo niya na ang mag asawang Seinfield nga. katabi ni Mr. Seinfield si Minute na sobrang ganda sa suot niyang elegant dress na color black sa gilid ni Minute ay si Matthew na napaka gwapo rin sa suot nitong black tuxedo katabi naman ni Mrs. Seinfield ang isa pang lalaki na sa tingin ko ay kuya ni Minute dahil magkamukha rin sila gosh napakagwapo naman ng nilalang na to! katabi naman ng kuya ni Minute ay isang cute na batang babae na sa tingin ko ay bunso nila. grabe pamilya ba ng gods at goddesses ito? pero sabagay they're not a Seinfield for nothing.

"that is my older brother Mackenzie and that little girl is Mauve." biglang pagsasalita ni Minute. hindi naman favorite ng mga Seinfled ang M ano? lahat sila M ang first letter ng name, eh.

stuck with a kiss addict Where stories live. Discover now