ika-tres

1 0 0
                                    

Hajie Reigo's

jusko napakahaba naman ng hallway na to, ngayon ko lang din napansin na sobrang lawak pala ng hagdan na inakyatan ko kanina. sa sobrang pagmamadali ay hindi ko na napansin kung gaano kaganda at kalaki ang mansyon ng mga Seinfeld. nakakahingal nga naman talaga ang hagdan nilang sobrang daming baitang kaya naman pagkadating namin sa baba ay hingal na hingal ako.

"g-grabe naman yang hagdan niyo hi-hindi ba kayo napapagod diyan?" hinihingal na tanong ko kay babaeng maputla.

"nope, we have elevator inside our mansion. masyadong nakakapagod kung mag aakyat panaog kami rito sa hagdan so we've come to think na mag build nalang ng elevator inside."
paliwanag niya sakin. at conyo ka teh?

"may elevator naman pala bakit hindi natin ginamit?! nakakaloka ka sissy pinagod mo pa ako." nagrereklamong sabi ko habang sumusunod sakanya sa dining hall ata ang distinasyon namin.

"i wanted to tour you around so i prefer to walk instead of using the elevator." ay wow nakakatouch naman pero naka poker face nanaman siya kaya wag na.

"nagkokotse rin ba kayo papunta sa kusina niyo?" sarkastiko kong tanong. napakalayo naman kasi ng kusina nila.

"do you want me to carry you?" nakataas ang kilay na tanong niya. duh? mas mataray pa rin ako.

"edi wow" napairap na lang siya sa sagot ko. aba, tusukin ko mata mo! namataan ko naman na ang dining nilang sobrang haba ng lamesa. shocks my birthday ba? ang daming pagkain!

"hajie nak!" a voice suddenly echoed in the whole dining area.

"nay!" agad agad naman itong lumapit saakin at kinutusan ako na muntikan ng maging dahilan ng pagkasubsub ko sa sahig." what the fudge nay?! para saan yon?" nakanguso kong tanong. aba tong nanay ko talaga, napakabait.

"kanina pa kita hinihintay aba at bakit ngayon ka lang ha?!" sigaw niya, napatingin naman ako sa lamesa na inuukupa ng limang tao kabilang na roon si Mr. Seinfield na talaga namang kinalaki ng mata ko. nakaupo sa left side ang kuya ni Minute na si Mackenzie at katabi nito ang batang babae na si Mauve! si Matthew naman sa right side at agad ding inukopa ni Minute ang sunod na silya sa tabi ni Matthew. Wow, what a beautiful sight to see.

napabalik ako sa ulirat ng marinig kong tumawa ang tatay ni minute. wait what?

"nay! mahiya ka nga, ang ingay mo, oh!" pasigaw na bulong ko sakanya. kaagad niya naman akong kinurot sa tagiliran dahil sa tinuran ko. "ouch mashakit!" hiyaw ko. napatawa naman ulit ang mga nasa mesa except syempre sa kj na minute ang pangalan. ugh kairita siya.

"so bakit nga ngayon ka lang?" hindi talaga  siya matapos? ugh!

"ah. naligaw-ligaw kasi ako nay"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

stuck with a kiss addict Where stories live. Discover now