Gender reveal of Pablo & Bianca's first child

337 16 11
                                    

BONUS CHAPTER 2: Gender reveal of Pablo & Bianca's first child

-

BIANCA's POV

"Babe, excited na 'ko." I told Paulo while gritting my teeth.

We're on the way home, sa bahay naming dalawa. Nandoon yung parents namin naghihintay. We told them that we want to have a family dinner para sabay-sabay nalang din nilang malaman kung anong gender ng magiging baby namin.

Kaninang hapon na ako nakapagpacheck-up ulit sabay nung ultrasound dahil pareho kaming may ginagawa ni Paulo nung umaga.

"Ako rin. Matutuwa sila mamaya for sure." Paulo said and took a glance at me dahil nagmamaneho siya.

My hand went to my tummy and gently caressed it. Good thing I have a healthy pregnancy. Inaalala ko rin kasi lalo na nung una na sana okay 'tong pagbubuntis ko at wala kaming maging problema.

I'm five months pregnant now. At masaya naman ako, kami ni Paulo actually. Madadagdagan na agad kami even though we just got married months ago. Wala eh, masyadong ginalingan nung honeymoon kaya may nabuo agad.

I suddenly held Paulo's arm kaya saglit siyang napatingin sa akin.

"Gutom na 'ko, babe." reklamo ko tsaka bahagyang ngumuso.

"Daan ba tayong drive thru? Anong gusto niyo?" tanong niya kaagad sakin.

He's like that. Panay tanong niya sakin kung anong gusto ko, namin ni baby. Binibigay niya sakin lahat ng gusto ko. He's been patient with me also.

Sandali akong nag-isip kung dadaan pa ba kaming drive thru. Gabi na rin kasi at pauwi na nga kami. Kakain nalang sa bahay mamaya.

"Wag na... Sa bahay nalang tayo kumain." sabi ko.

Tumango nalang siya bilang pagsang-ayon.

Galing kasi kami sa condo eh, kaya ngayon ay pauwi palang kami.

I patiently wait for us to arrive at our house. Maingat mag-maneho si Pau, lalo na kapag kasama niya ako. He's just thinking about our safety.

"Babe, dahan-dahan. Minsan kung gumalaw ka parang hindi ka buntis." rinig kong sabi ni Paulo pagbaba ko ng sasakyan, nagmamadali kasi ako.

"Sorry." I told him and apologetically smiled.

We both got out of the car. His hand is on my back while we are walking towards the main door of the house. Ako na ang nagbukas no'n at nauna na rin akong pumasok sa loob.

"Uy, hello!" I greeted when I saw Paulo's siblings in the living room.

"Hi, ate! Hi, kuya!" bati rin nila sa amin.

"Sila Mama?" Paulo asked them.

"Nasa dining. Nagpeprepare na." they said.

Tumango kami at sabay-sabay na kaming pumunta sa dining. Doon namin naabutan yung parents ni Paulo, at si Mommy.

"Mommy," tawag ko kay Mommy dahil siya yung nasa mas malapit sa akin. Agad akong humalik sa pisngi niya tsaka yumakap.

"Anak, how are you? How's your check up?" she asked me and touched my tummy.

"Okay naman po." sabi ko.

"That's good. Kanina pa namin kayo hinihintay. Good thing you two arrived just in time for dinner." she said.

I just nodded and smiled a little. Pagkatapos ay lumapit naman ako sa parents ni Pau na kagaya rin ni Mommy, kinamusta rin ako.

"Wow, kare-kare, Pau oh!" tinawag ko si Paulo nang makita ko yung ulam na kare-kare. Paboritong ulam ko 'yon ngayong buntis ako. "Sinong nagluto?" I asked them.

"Kami ng Mommy mo." Mama Grace answered as she smiled.

Napangiti ako ng todo dahil doon.

Pau helped me sit so we could all start eating our dinner.

Ngayon nalang ulit kami nakakain nang marami kami rito sa hapag kainan. Usually, since Paulo and I started living together, dalawa lang kaming sabay kumakain. Kaya naman tuwang-tuwa ako kapag ganitong may dinner kami kasama ang family namin.

Kausap ni Pau ang Papa niya kaya naman nilagyan ko na siya ng pagkain sa plato niya pagkatapos kong malagyan ang akin.

When we all started eating, kinamusta muna ni Pau yung mga kapatid niya sa mga ginagawa nila sa buhay. That's also the thing that I really love from him, he never forgets to check on his family. And good to know that they are all doing fine, we are all fine.

"Kayong dalawa naman, ano na? Is it a boy or a girl?"

Napasulyap ako kay Mommy na siya namang nagsalita. I bit my lip to stop myself from smiling while I get my sling bag from my back. I get the result of my ultrasound. Tumingin muna ako kay Pau tsaka niya ako tinanguan habang may maliit na ngiti siya sa labi niya.

I slowly placed the result of my ultrasound on the top of the table before speaking.

"It's a little Paulo!" I said in delight. Telling them all that I'm carrying a little version of Pau.

"Oh my! Congrats!" Mommy congratulated us.

"Wow naman... May bago na tayong baby boy." Mama Grace said while smiling.

Hinayaan ko nalang na kunin at tignan nila yung result ng ultrasound ko. Pau suddenly held my hand so I looked at him. He's also smiling, obviously happy at what our families' reaction right now.

Bago kami matulog ni Pau, habang nasa CR pa siya ay kinuha ko ulit yung result atsaka iyon kinuhanan ng litrato.

I then posted it on my social media accounts and tagged Pau.

@imszmc's little version will be with us sooner!

"You posted it?"

Napalingon ako kay Pau nang nandito na pala siya. Tumabi na siya sa akin dito sa kama.

Nakangiti lang akong tumango sakaniya.

"Maybe it's great din na lalaki panganay natin, noh? Imagine, he's protecting and taking care of our girls soon." he said.

Mahina akong natawa dahil doon. "Hindi pa nga siya lumalabas pero yung mga susunod na anak na agad natin iniisip mo. Pagpahingahin mo rin ako Pau, ha?" sambit ko sakaniya.

"Ofcourse." he said. "Naisip ko palang naman 'yon. Focus muna tayo sakaniya syempre." dagdag niya.

I nodded in agreement to him.

Right, we'll focus on this little version of him first before we have another baby again.

----------

: )

SB19 Series Bonus ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon