PROLOGUE

38 0 0
                                    

"Happy birthday self" saktong alas dose ng batiin ko ang sarili ko. 'Di na ako nag eexpect na magarbong birthday dahil mas kailangan ni mama ng pera para sa gamot nya at may kaonting kainan naman kaming magkakaibigan kaya ayos na iyon. Nakatitig ako sa buwan habang kinakantahan ko ang aking sarili ng "happy birthday" nang tumunog ang aking cellphone tumayo ako sa aking higaan at tinignan kung sino ito.

"Happy birthday, my love." bati ni Lincoln sakin. May hawak pa siyang mini cake at abot hanggang tenga ang ngiti, kanina pa kasi sya bati ng bati sa akin ng happy birthday kahit wala pang alas dose, mas excited pa sya kaysa sa akin.

"Thank you, love." sagot ko sakanya. Nag usap pa kami ng kaunti bago maisipan  matulog na at may pasok pa kami bukas.

Kinaumagahan, nagising ako sa ingay ni chichi, aso ko, tila ba na binabati na ako dahil kaarawan ko ngayon. Nag ayos na ko ng higaan ko at lumabas ng kwarto at diretsong puntahan si chichi na kanina pa tahol ng tahol para bumangon ako. "Good morning chichi" bati ko sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi at ibinalik nya rin sakin ang halik.

Paglipas ng ilang oras na pakikipaglaro ko kay chichi ay dumiretso agad ako sa banyo para maligo. Kailangan 8:30 am naroon na kami sa school, dahil may gaganaping program. Nang matapos ako maligo dumiretso na ako sa kwarto upang mag bihis at kumain ng almusal.


"Mama, papa pasok na po ako" paalam ko sa aking magulang ng matapos ako kumain.

"Mag-ingat ka, anak ko. Happy birthday" bati ni papa habang nakangiti pero kita ko sa kanyang mga mata na paluha na sya.

"Thank you papa." pasalamat ko at yumakap sa kanya. "Sige na, papa pasok na po ako" paalam ko at lumabas na ng bahay. Pag ka labas ko ng bahay, nakita ko agad si Lincoln na nag aantay sa akin, usapan kasi namin na susunduin nya ako bago pumasok, pero di kasama sa usapan na isasama nya lahat ng kaibigan namin para sunduin ako.

"Happy birthday, babe" bati ni sofia sabay beso sakin.

"Happy birthday, rylie ko" bati din ni bella sakin na may dalang Gucci bag na regalo. Nanlaki ang mga mata ko napasapo ako sa aking noo ng iabot nya ang mamahaling Gucci bag sa akin. kahit kelan talaga 'tong si bella.

"Ang mahal neto gaga ka" sabi ko kay bella habang binabalik ang regalo nya sa akin.

"No worries, girl. take it or i will take your life?" pabirong sabi nya. "Kung gaano kamahal yan ganon din yung pagmamahal ko sayo" dugtong pa nya. wala na akong nagawa at tinanggap ang kanyang regalo na mas mahal pa sa buhay ko.

"Happy birthday, ryliee!" sabay na bati nina Alliana at Ash sabay yakap sakin. Sumunod na lumapit sa akin ay si lincoln.

"Hi love, happy birthday." bati muli ni Lincoln sa akin sabay halik sa aking noo.

"Kung may bayad lang pag bati mo mayaman na siguro ako" pag bibiro ko sakanya pero mukhang di nya nagets.

"What?" nagtatakang tanong nya.

"Happy birthday, rylie. sana mag tagal pa buhay mo" bati ni caleb sa akin.

"Happy birthday" bati din ni lucas at sumakay na sakanyang kotse. "tara na." pag aaya nya sa amin at kanya kanyang  sumakay sa mga dala nilang kotse.

Si lucas ay kasabay si Bella habang si Ash at Alliana ay magkasama sa sasakyan ni Ash. Si caleb at sofia naman ang mag kasama. Syempre, kami ni lincoln mag kasama sa sasakyan nya.

Nang makarating kami sa school ay pansamantala kaming nag hiwa-hiwalay. Kami ni Lincoln ay magkasama, ayaw nya humiwalay sa akin, nagmimistula siyang buntot ko.

"Here's my gift for you, my love" nakangiting sabi ni Lincoln habang inaabot sa akin ang bouquet ng bulalak, tulips iyon, kulay rosas, alam nya talaga kung ano ang paborito ko. Narito kami ngayon nakaupo sa bench ng school. Akala ko ay tulips lang ang regalo nya sa akin, ngunit nagulat nalang ako ng pumunta sya sa aking likuran at hinawi ang buhok kong naka lugay nang isuot nya ang necklace na may tulips pendant.

"Hala! Thank you, love. 'Di ka na sana nag abala." nahihiyang sabi ko sakanya pero ang totoo kinikilig talaga ako.

"Special gift for my special girl" aniya  sabay halik sa aking noo.



















A Glimpse To Forever Where stories live. Discover now