CHAPTER 1

33 0 0
                                    

"Anak, gising ka na baka malate ka." gising sa akin ni papa. Tumayo naman ako agad dahil baka malate nga ako, madami pa akong dapat asikasuhin kaya kahit antok pa ako ay tumayo na ako at naligo.

"Tawagin mo na ang Mama mo para sabay-sabay na tayo kumain" utos ni papa habang nagluluto ng ulam.

Hilig talaga ni papa mag luto kaya may karenderya kami sa labas ng bahay habang si mama naman hilig
mag alaga ng halaman.

"Kakain na daw po, Mama" aya ko sa aking ina na kinakausap ang mga halaman na may pasayaw-sayaw pa habang dinidiligan ang mga ito.

Pumasok na ako agad ng bahay matapos tawagin si mama at dumiretso sa hapag kainan. Niluto ni Papa ang paborito ko, adobo, kaya naman excited na akong matikman ito."Wow!" nanlaki ang mga mata ko ng matikman ang luto ni papa. "Sarap naman nito, Papa. Pwede po ba akong mag baon nito?" tanong ko pa. Napaka sarap talaga mag luto ni papa. Kaya di na ako mag tataka kung bat sya pinakasalan ni mama.

Nang matapos kami kumain sinuot ko na agad ang aking bag para pumasok first day of school kaya dapat maaga ako. Maglalakad lang ako papuntang school dahil di naman din kalayuan ang eskuwelahan sa tahanan namin, saka para din maexercise ang aking katawan.

Narito na ako ngayon sa tapat school. Napakadaming studyanteng masayang pumapasok. Masaya din ako dahil may pasok na ulit ngunit nababahala ako dahil wala ako gaano kakilala sa school.

"Room 223. Room 224. Room 225. Room 226" pabulong kong sabi habang isa-isa kong tinitignan ang mga nakapaskil na sign sa mga pintuan ng bawat silid-aralan upang malaman kung anong room ang papasukan ko. "Room 227. Sa wakas nahanap din kita." pagod na sabi ko dahil nahirapan ako hanapin ang room na ito.

Dali-dali na akong pumasok para humanap ng mauupuan. Sa bandang likod na ako umupo dahil iyon na lang ang may mga bakanteng upuan.

Habang hinihintay namin ang teacher namin dumating, biglang lumapit ang isa kong kaklse na babae at umupo sa tabi ko. Ang cute nya. Ang taba ng mga pisngi. Cute din ng bangs nya, bagay na bagay sa kanya, at ang puti nya.

"Hi!" bati nya sa akin habang naka ngiti kaya sinuklian ko din sya ng matamis na ngiti dahil masaya ako na may kumausap sa akin. "What's your name?" pag eenglish nya sa akin.

"Ahh Rylie" pag papakilala ko sa aking sarili. "Ikaw, ano pangalan mo?" tanong ko sa kanya habang tinitignan ang bag at headband niyang halatang mahal ang presyo.

"I'm Sofia. Gusto mo sabay tayo mag lunch? I have madaming baon" alok nya sa akin. Umoo naman ako agad dahil wala akong kasabay mag lunch.

Masaya ako dahil may nakakausap ako pero di ako nag eexpect na magiging kaibigan ko sya dahil lahat ayaw makipag kaibigan sa akin dahil mahirap lang daw kami.

Maya-maya pa ay dumating na din ang aming adviser.

"Good morning, class" masayang bati sa amin ng aming teacher.

"Good morning, Ma'am Angeles" pag bati namin sakanya.

"So, let's start. When i call your name go in front then introduce yourself. Understood?" sabi ni ma'am at tumungo na sa table nya habang tinitignan ang mga list of students.

"Isabella Faith Acosta" pag tawag ni ma'am sa isang studyante at pumunta ito sa harapan.

Anak sya ng may ari ng school na ito. maganda sya, mahaba ang kanyang buhok, maputi, makapal ang mga pilik mata at masungit na mga mukha.

"Hi, everyone! My name is Isabella Faith Acosta. You can call me "Bella" for short. My only hobby was going to the mall and then shopping." pag papakilala nito sa kanyang sarili.

A Glimpse To Forever Where stories live. Discover now