1: Panimula

82 5 1
                                        

"Mr. Salva, let's start the interview, tingin lang po sa camera" sabi pa ng reporter sa akin at ako naman ay ngumiti ng bahagya at tumingin nga sa camera "Mr. Salva, pwede ba tayong mag-simula kung saan kayo nagkita ni Lex?" Tanong pa ng reporter at tumango naman ako, nasa garden kami nitong si Mr. Peralta, para sa documentary ng mga third sex para sa pride week, gaganapin isang buwan mula ngayon "Ganito kasi iyon nagsimula" panimula ko pa.

Isa lang akong invincible guy, nerd, weird, tahimik, isang high school student na nag-iintay nalang ang graduation at aalis na sa paaralan ko mula palang nang elementary ako ay mag-aral ma sa paaralang iyon, wala akong masyadong naging kaibigan nun, masungit ako minsan lang naman, pero hindi ko naman nakakalimutan mag-salita kahit papaano.

Naglalakad ako nun, actually hindi lakad kundi sprint, mahuhuli na kasi ako para sa submission ng entry ko para sa science fair nang makabunggo ako ng isa sa tropa ni Lex, sikat kasi sila school, "The Hell! Hindi ka tumitingin nerd!" Sigaw pa sa akin ni Apo, apelyido niya amg tawag sa kanya sa school "...Sorry" tanging sambit ko lang nakaramdam ako ng takot, matinding takot baka kasi makatikim ako ng sapak mula rito "Apat ang mga mata mo! Sa susunod wag kang nangbabangga! Ang malnourish mo! Tapos mangbabangga ka pa!" Nakakapangilabot na sabi pa ni Apo sa akin, nanginginig ang buong katawan ko sa takot "Bro! Tama na, he has to pass it na his entry, tsaka nag-sorry na, sabi mo na nga malnourish siya, how could he fight? Against you" pagdepensa pa ni Lex "Sa sususnod ah!" Galit na saad ni Apo at binangga ako sa balikat ko "Sa susunod be careful ha?" Malambing na tugon ni pa ni Lex sa akin, doon, doon nag-simula ako makaramdam ng kakaiba sa kanya, mas malalim pa sa crush, matagal na akong may crush dito, pero natatakot ako, baka saktan ako ni Cindy pag-nalaman niya na may crush ako sa boyfriend nito, halos lahat kasi ng umamin rito ay nasasaktan niya kasama ng mga ka-squad niya.

Napasa ko naman ang entry ko, second place nga lang ako nun, pround sina Mama at Papa, nandun sila, kahit na second lang ako nun, tuwang-tuwa sila, ewan ko ba, kahit na ako mismo ang nanalo hindi ako nakaramdam ng tuwa, hindi ako nakaramdam ng saya, normal na sa akin, normal na sa akin na maging panalo sa mga contest sa school, ang boring nga raw ng buhay ko ayon sa mga naririnig ko sa mga kaklase ko, hindi ko alam pero bakit ganito na ako, hindi ko matanggi na, kahit isang beses hindi ko na talaga pinangarap maging angat sa katalinuhan, gusto ko kasi maging pala-gala, maging maingay, hindi ko kasi magagawa or ma-aachive na iyon, nerd kasi ang turing na ng tao sa school, para sa akin kasi ang pangit naman kung mag-babago ako ng image, magmumukha akong fame whore, ayoko naman ng ganun, at aaminin wala akong talento sa pag-awit o pag-sayaw man lang, may galit sa akin ang mga alagad ng sining kaya 'di nila ako binigyan ng talento sa pag-awit, pareho naman kaliwa ang paa ko, kaya ni JS Prom, hindi ako dumalo nung nakaraan na taon.

Bakit pa? Para saan pa? Wala naman ako gagawin doon, mas gusto ko pang magbasa ng mga classics sa aking mini library, sumagot ng crosswords, sodoku, makipag-laban nang chess sa aking kuya, chess master kasi si Kuya, hindi ko maitatanggi na magaling ito, minsan ko lang ito matalo, o kahit draw man lang ay napakahirap. Kung maging stalemate or draw man lang ako ay parang gusto ko na mag-bigti, nakaka-iyak pag siya ang kalaban mo, kahit mga nerd siguro na kagaya ko ay mapapaluha rin.

"Anak we have to go early, may classes ka pa diba?" Tanong pa ni Mama, nag-nod nalang ako "O siya, we're waiting you sa dinner, I'll cook your favorite! Kare-Kare ala Kylo!" Sabi pa ni Mama na bigla kong kinatakam! "Sige ma, I'll be home for dinner po" at ngumiti naman ito at umalis na sila ni Dad.

"Best! Ang galing mo!" At niyakap ako ni Lyndel, ang katunayan kapatid ito ni Cindy, half sister sila, mabait itong si Lyndel, she's a hot chic nga raw ayon sa the buzz! Joke lang iyon, ayon lang sa mga kaklase namin "Thanks! Gusto mi kumain ng dinner sa amin? Mag-luluto si Mama!" Sabi kompa st lumiwanag ang mata nito at lumaki! "Yes! Yes naman! Na-miss ko na food niya! I love the way she cooks! She's like my ate, kaso lang nasa USA si ate ang tagal umuwi!" Litanya pa ni Lyndel "Ay Best! I need to go to the SALT, may meeting kami for the next issue para sa school organ, I'll feature you!" Sabi pa nito na may malaking ngiti "No! I mean dapat lahat kami na nanalo, baka naman kasi sabihin na biased ang pag-feature sa akin, pero nakakahiya kasi" sambit ko pa with lack of confidence "Ano ka ba, ang pogi mo, este ang ganda mo! Tanggalin mo na iyang bakal sa ngipin mo at ang feeling ko double sided mirror ang salamin mo! Sa sobrang kapal!" Pambubuska pa ni Lyndel "Go away na nga go to that salt!" Sabi ko pa while pushing her to the exit door of the AVR "Bye!" At umalis na ito.

Until The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon