III

35 4 0
                                    

KAMATAYAN

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KAMATAYAN

Sa sitwasyong hindi inaasahan
Hindi ko inakalang mararamdaman
Ano kayang pakiramdam ng kamatayan?
Kung gagawin ko ba ito'y may sakit pa rin akong mapagdadaanan?

Sa panahon ngayon
Lalo na sa makabagong henerasyon
Bilang na lang ang mga taong matitino
Mga taong gumagawa ng paraan upang makaiwas sa gulo

Bilang na lang ang mga kaibigang totoo
Bilang na lang ang mga pamilyang masasaya't buo
Kaya't hindi kataka-takang ako'y matamlay
'Pagkat bilang na lang din ang mga taong gusto pang mabuhay

Nakakainggit ang mga taong may direksyon sa buhay
'Yong masaya sila tuwing uuwi sa bahay
Eh kamusta naman akong kakagising pa lang sa umaga, pagod na?
Hindi pa dumadating ang gabi pero hindi na mabilang ang problema?

Kaya uulitin ko ang aking katanungan
Kung akin bang pipiliin ang kamatayan,
Wala na 'kong sakit na mararamdaman?
Matatapos na ba ang hirap na aking nararanasan?

VERSES OF GALAXIESWhere stories live. Discover now