VIII

34 4 0
                                    

INTENSYON

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

INTENSYON

Nang sinabi mong gusto mo rin ako
'Yong tuwa ko umabot sa kaibuturan ng mundo
Kahit hindi sigurado, pinakilala kita agad sa mga magulang ko
Kasi akala ko mananatili ka hanggang dulo

'Yon pala sa una ka lang magaling
Sa una ka lang sabik sa'king piling
Sabi mo ako ang 'yong hiling
Ngayon binabalewala mo na, ang galing

Sabi mo iingatan mo 'ko
Bakit ngayon sugatan na 'tong puso ko?
Gusto ko lang namang mahalin mo
Bakit pagdurusa ang binibigay mo?

Katulad ng simpleng bagay na ginagawa ko
Mahirap bang kamustahin 'yong araw ko?
Katulad ng lagi kong pinapaalala
Mahirap bang isawika ang mga katagang "mahal kita"?

Bakit ang dali lang sa'yong sabihing "ayoko na"?
No'ng nanligaw ka sabi mo hindi ka katulad nila
Bakit ngayon parang hindi na kita kilala?
Nagpapanggap ka lang ba simula umpisa?

Umamin ka, minahal mo ba talaga 'ko?
O nananatili ka lang kasi ako 'yong nandito?
Ni minsan ba totoong naging masaya ka na kasama ako?
O gusto mo lang talaga 'yong atensyon na naibibigay ko?

Kaya ko kasing talikuran lahat para sa'yo, hindi ba?
Kaya kong magmukhang tanga sa mga mata nila
H'wag lang masira ang imahe mo sa iba
Kaya siguro nasanay ka sa'king presensiya

Ako lang kasi 'yong kayang iparamdam sa'yong 'di ka mag-isa
Bagay na 'di mo maramdaman sa sarili mong pamilya
Pero hindi pa rin tama na manggamit ka
Maibsan lang ang katotohanang malungkot ka

Galit ako sa ginawa mo pero naiintindihan kita
Kahit walang eksplanasyon, pinapatawad na kita
Siguraduhin mo lang na handa ka na talaga
Sa susunod na makikipag-relasyon ka
Dahil ayokong maulit ang makawasak ka
Sa pusong ang intensyon lamang ay mahalin ka

VERSES OF GALAXIESWhere stories live. Discover now