Kasunod : Ikalawa

0 0 0
                                        

"Alam mo pre. Hindi naman masama magjakol eh, para ka namang bata diyan kung umasta. Nakita na natin lahat-lahat sa bawat isa, ngayon ka pa mahihiya." pangaral ko kay Xian na nakaupo lang sa sofa at tulala, mula paggising ay ganoon pa rin siya.

Bahagyang nakanganga ang bibig nito't namumula na tumingin sa akin.

"Nakakahiya." mahinang usal nito. Napapailing ako, kakasabi ko lang eh.

"Pero sa susunod itapon mo na kaagad ang tissue na ginamit mo." pangaral ko pa. Mas lalo itong namula at nanlilisik ang mga mata.

"Eh sino bang pabigla-bigla na pupunta dito!? Mambubulabog!? Siyempre makakalimutan ko."  sumilay ang ngiti ko nang bumalik na ito sa wisyo, naging nanay ko na naman.

"Iyan ganiyan nga. Tama iyan." ani ko.

Lumapit ako sa kaniya't tinapik-tapik siya sa kaniyang balikat.

"Magmeryenda muna tayo para magkalaman mga tiyan natin." sininghalan niya ako. Mukhang hindi pa tapos ang pagiging nanay niya.

"Kagabi para kang paslit na namimilit at nagmamaakawa tapos ngayon balik sa pagiging matured. Kung hindi lang kita kilala mapagkakamalan kitang may saltik." umiling-iling ako.

"Ganiyan talaga." nagpogi sign ako't kinindat siya kasabay nang pagtaas ng nguso ko, aktong hahalikan siya.

Umungot lang ito't nag-iwas ng tingin at naunang nagtungo sa kusina. Pasipol-sipol lang akong nakasunod sa kaniya, kahit kailan talaga ay napaka pikunin, ang dali mairita.

"Anong balak mo ngayon?" biglang tanong niya.

"Ano pa ba? Magiging palamunin mo muna ng isang linggo." sinamaan niya ako ng tingin.

Sa katunayan ay may sapat naman akong ipon at hindi ko pa nauubos ang nakaraang sahod ko pero mas gusto kong manatili dito at inisin si Xian. Namiss ko rin ito kabonding eh, tutal andito naman ako lubus-lubusin ko na.

"Ano? Bakit? Ayaw mo ba akong nandito?" mapaglarong anas ko.

Umiling-iling ito. "Hindi naman sa ganoon"

"Oh iyon naman pala eh! Edi palamunin mo muna ako Fafs Xian." humagikhik pa ako para mas lalo siyang inisin.

Pinandilatan niya ako ng mga mata. "Patapusin mo muna ako pwede?" tumango-tango ako bilang tugon.

Conquerors Of The PastMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon