Simula

0 0 0
                                    

"Kuya gising na! Tanghali na!" napaungot ako sa patuloy na pagyugyog ng kapatid ko at ang may kalakasan na boses nito.

"Tumigil ka nga. Hayaan mo ako, wala namang pasok." kulang ako sa tulog at puyat

"Edi hahalikan nalang kita!" bigla ako nitong dinambahan kaya napaubo ako, naramdaman ko ang dalawang palad nito na hinawakan ang mga pisngi ko.

Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na naiwasan ang paghalik nito sa akin. Mabilis akong napabalikwas at malakas itong itinulak, rinig ko ang tunog ng pagtama nito sa bakal ng kama at ang daing nito, hindi ko ito binigyan ng pansin at dali-daling tumayo.

"Tumigil ka na sa kabaklaan mo." malamig kong anas dito at lumabas ng kwarto na kuyom ang kamao.

Wala akong problema sa pagiging bakla, kabaklaan o kahit ano nang uri ng kasarian na mayroon ngayon. Ang hindi ko matanggap kung bakit kailangan niyang gawin ang mga iyon? Hindi man kami magkapatid sapagkat kinupkop lamang ako ng mga magulang niya. Ang isiping kapatid ko siya hindi man base sa dugo ay isang kamalian ang mga iyon. Hindi ito ang unang beses na ginawa niya, noong una ay pasimpleng haplos lang. Hindi ko iyon binigyan ng malisya dahil wala akong nakikitaang dahilan para mag-isip ng masama at nirerespeto ko siya bilang nakababatang kapatid.

Natawa ako ng pagak. Kapatid.

Ngunit hindi nakatatandang kapatid ang turing niya sa akin.

Pagkatapos niyon ay sunod-sunod na ang kaniyang ginagawa. Minsan na rin akong nagising sa kalagitnaan ng gabi, noong tumabi siya sa akin sa pagtulog. Himas-himas niya ang harapan ko pero hindi ko pa rin ito binigyan ng malisya. Maraming posibilidad at dahil walang ilaw at madilim, hinawi ko ang kamay niya sa pag-aakalang nananaginip lamang.

Sobra akong nagpauto sa sariling kaisipan. Hindi pa doon nagtatapos ang lahat, nagagawa niyang bastusin ako kahit may kamalayan ako gaya nalang kanina. Hindi ko siya sinumbong kahit isang beses, kaya siguro mas lumakas ang loob niya dahil walang kaaalaman sina tita sa pinaggagawa niya. Ayoko ring magsumbong dahil baka hindi ako paniwalaan at ako pa ang madidiin sa kasalanang hindi ko naman ginawa. May respeto ako sa pamilya nila, sa lahat ng tulong na ginawa nila pero hindi ko na matitiis pa ang lahat.

Dapat ko nang gumawa ng hakbang.

Hakbang para matigil na ang kaniyang kahibangan.

Nang magtanghalian ay wala akong imik na kumakain, sumasagot lamang ako kapag kailangan at tinatanong ako ni tita. Wala si tito rito ngayon sapagkat nagtatrabaho ito at mamayang gabi pa makakauwi. Mamayang gabi ko rin gagawin ang plano ko.

Tahimik rin akong naghugas ng pinggan, lahat ng paraan ay ginawa ko upang maiwasan si Raze na alam kong naghahanap ng tiyempo. Buti na lamang ay nanatili sa kusina si Tita na abala sa paghahanda ng mga sangkap sa kaniyang lulutuing putahe para sa bumili nito. Self Home Catering si tita, marami na rin ang customers niya at kilalang-kilala ang mga lutong bahay niya na mga putahe. Kung nanaisin ay maaaring magpatayo ng sariling catering o restaurant si tita pero mas pinili niyang magluto lang mismo sa bahay. Dahil mas komportable siya't nagagawa pa rin ang mga gawaing bahay. Paminsan-minsan ay tumutulong ako sa pagluluto kapag sobrang rami na ng mga inorder na putahe.

Pagkatapos maghugas ng mga pinggan ay diretso akong tumungo sa kwarto ko. Gaya ng nakasanayan kapag may ginagawa o abala ay naglalagay ako ng signage sa pinto ko na do not disturb. Kahit wala naman talaga akong gagawin ngayon, gusto ko lang maiwasan pa lalo si Raze at kahit papaano'y nirerespeto niya pa rin ako.

Conquerors Of The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon