Kasunod : Ikatlo

0 0 0
                                    

Ang halimuyak ng kape at papel ang siyang bumungad sa amin pagkapasok pa lamang sa paborito kong café. Pumikit ako upang lasapin ang bango at nakakalmadong amoy nito. Kahit kailan ay hinding-hindi ako magsasawa rito.

"Magandang tanghali ho mga ginoo. Ano po ang atin?" nakangiting bungad ng cashier, sinuklian ko rin ito ng ngiti.

"Kape de naturalé dalawa at Pandesal good for two person." pagbibigay ko sa order ko, agaran naman nitong nilista iyon.

"Iyon lang po ba ginoo?"

"Yes."

"Sige po, upo muna kayo't maya-maya pa po ihahain." tumango ako rito't nagpasalamat.

Agad naming tinungo ang table sa pinakigilid. Sa gilid namin ay pawang puro salamin kaya tanaw mula dito ang labas ng café, kaya kitang-kita ang mga mamamayan na paparoo't paparito sa mga iba't-ibang direksiyon ng mall. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, ang kulay ng pader ay katulad ng kulay sa makalumang papel, hindi ko matukoy kung ano ang eksaktong tawag rito pero maihahalintulad ito sa kulay na white brown. Maayos na nakahilera kada gilid ang mga mesa't upuan, sa bandang kaliwa ay mayroong puting board na may naka calligraphy na Fedesita Café, naka highlight ito at sa paligid nito ay mga makukulay na sticky notes at iilang pirma, marahil pirma ng mga nagtatrabaho dito, kasama na ang namamahala at pinakanamamahala.

Sa kada sulok naman ay mayroon mga halaman na nakalagay, kada sulok ay mayroong tigtatatlong halaman. Pahagdan ang pagkakalagay nito dahil sa standee, ang dalawa ay pantay ang sukat at lagayan habang nasa itaas naman ang isa na kakaiba sa dalawa, dahil ito ay malayang namumukad at tanging may bulaklak lamang.

Mas lumawak ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang mga bulaklak. Ito ay mga rosas na may iba't-ibang kulay. Ang counter naman ay maaayos na naka desinyo't nakalagay ang may katamtamang laki ng menu nila na maaari mong pagpipilian sa iyong nais. May makukulay na ilaw na nakadikit at may mangilan na maliliit na halaman ang nakasabit sa itaas. Ang paligid ay tahimik, dahil ito talaga ang patakaran nila, kung mag-uusap man ay nasa mahinang boses lamang, sinadya nila ito para manatiling tahimik, payapa ang paligid sapagkat nakakatulong ito upang maging kalmado ang sinumang papasok at mawawala ang bigat ng pinagdadaanan nito at makakalimutan panandalian ang mga problema.

I couldn't get over with this vibe. It's undeniably breathtaking and beautiful.

"Sana laging ganito. Kalmado, payapa, tahimik." usal ko na nakangiti at patuloy na tinitignan ang paligid.

"Masarap sa pakiramdam." segunda ni Xian na tinanguan ko bilang pagsang-ayon. Hindi man ako nakatingin sa kaniya ay alam kong nakatitig ito sa akin, ramdam ko.

"Kung pwede nga lang eh dito na ako tumira sa tanang buhay ko." natatawang biro ko at nilingon si Xian. Agad rin akong natigil sa pagtawa nang makita ang seryoso nitong mukha.

"Rhys." pagtawag nito sa akin, tinaasan ko ito ng kilay.

"Alam mo namang gusto kita hindi ba? Higit pa sa pagiging kaibigan." bigla akong nasamid sa laway ko't napaubo sa narinig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Conquerors Of The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon