"Starbs? G ka?" Tanong agad sa akin ni Zariyah nang makalabas kami ng classroom pagka tapos ng quiz.
"Tara, and let's study there na rin," Sagot ko sakanya habang tinitingnan ang bag ko kung may naiwan ba akong gamit.
"Alam mo, bagay sa 'yo mag vlogger! 'Yong mga aesthetic vlogger na nasa café tapos nag s-study sila roon tapos nag-oorder ng cakes and coffees!" Pinakita niya pa sa akin ang mga na subscribe niyang YouTube channel.
"Ayoko nga. Ang dami ko nang gawain tapos dadagdag pa 'yan," Binalewala ko ang suggestion niya.
"Huh? Bakit naman?"
"E diba eni-edit pa 'yon? Ano pang time ko para mag-aral kung lagi akong nag e-edit?" Tanong ko sakanya.
"E hindi ka naman araw-araw mag v-vlog, e,"
"Ah, basta, ayoko," Sagot ko at pumasok na para mag-order.
Nag order lang ako ng pink drink since available na siya dito. Umupo kami sa table na nasa may sulok para wala masyadong istorbo. Minsan kasi ang ingay ng mga tao. Ang lakas tumawa na akala mo sila lang ang nandito.
Okay lang naman sa 'kin kasi nagkakatuwaan lang siguro sila. Pero minsan kasi nakakaistorbo na.
Nilabas ko ang laptop ko at nagsimula ng mag-aral habang sinisimsim ang pink drink. Hindi ko masyadong bet 'yong lasa, pero okay na rin.
Hindi ako masyadong nakapag-focus kasi talak nang talak si Zariyah sa harapan ko!
"Hoy! Ano lasa niyan?" Turo niya sa pink drink ko.
"Okay lang," Sabi ko habang binabasa 'yong lecture namin kanina.
"Sabi ko, anong lasa niyan, hindi 'okay lang ba 'yan?'" Barumbadong sagot niya sa'kin.
"Tikman mo! Naneto, ang ingay!" Iniabot ko sa kanya 'yong pink drink.
"Okay naman siya, pero mas masarap 'tong order ko. Gusto mo tikman?" Inabot niya sa'kin ang order niya. Sinimsiman ko ito nang hindi tinitingnan dahil abala ako sa pag babasa.
"Masarap 'no?" Tanong niya sa 'kin. Tumango na lang ako kahit hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya.
"Tingnan mo, may gwapo!" Sabi niya sabay turo sa kung saan. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pagbabasa. Hindi naman ako interesado kung hindi si Dion 'yon 'no!
"Ah, oo nga pala, wala kang interest kung hindi si Elroy," putak pa rin siya nang putak sa harapan ko.
"Buti alam mo."
Tumayo ako at pumunta sa counter para mag-order ng isang butter croissant kasi nagutom ako bigla. Bumalik din ako ka agad para mag-aral.
"Ang focus mo naman diyan, madam!" Umalingaw-ngaw na naman ang boses ni Zariyah. Ayaw talaga tumigil ng bruhang 'to.
"Oo nga, e. Sana ikaw rin," nag take na rin ako ng notes kasi ayaw ko naman laging tumunganga sa laptop ko. Nag highlight na rin ako ng mga important parts at muntik pang e highlight lahat! Tingin ko kasi importante lahat iyon!
"Here's your order, ma'am!" Lumapit sa akin ang isang Starbucks crew at nilapag ang in-order ko na butter croissant. Nginitian ko siya at nag "thank you" bago pa siya maka alis.
Bumaling ako sa animal na nasa harapan ko at nakitang nakatingin siya sa croissant ko. "Gusto mo?" Tanong ko sa kanya.
"Ayoko. Nag d-diet ako!" Inismaran niya ako at nakitang napalunok siya bago uminom sa in-order niya.

BINABASA MO ANG
Garden of Hearts
RomanceSolace Lunaria Valeria's life was not perfect. Normal lang siyang namumuhay kasama ang kanyang mga magulang. Walang thrill, kagaya ng lagi niyang sinasabi. Kaya naman noong dumating si Dion Elroy Zamora, siya na mismo ang nag papansin sa kanya.