"Ano nga ulit 'yung sinabi ni sir kanina bago mag-end ang class?" Tanong sa akin ni Zariyah noong palabas na kami ng classroom.
"Mag study daw tayo kasi may surprise quiz si sir bukas," Barumbadong sagot ko sa kanya.
"Huh? Surprise quiz? E bakit sinabi niya?" Naguguluhan siyang tumingin sa'kin.
Tiningnan ko lang siya at nauna nang mag-lakad.
"Para masaya,"
Simula na naman ng pasukan at marami na agad ang pinapagawa sa amin kahit second week pa lang. Ganito ba talaga kapag college? Ang daming gawain, hindi ko keri! Ini-imagine ko pa naman noon na pag nag college na ako, pupunta na ako sa club with friends, tapos living my best life, ganoon, pero parang hindi matutuloy iyon sa dami kong gagawin!
Nasa first year pa lang ako tapos ito na agad ang bungad. Hays, nakakaloka! Kaya pala wala kaming masyadong ginawa noong first day of school kasi ito na 'yung ka sunod. Kumbaga iyon na ang huling masasayang araw namin!
"Ang labo mo talaga kausap! Tapos nangangarap ka pang maging jowa si Elroy, e ang seryoso noon tapos parang walang kahit anong sarcasm sa katawan."
"Alam mo ikaw, Zari? Epal ka! Manahimik ka na lang diyan at baka marinig ka pa ng ibang tao!" Singhal ko sa kanya dahil ang lakas ng boses niya.
Tumawa siya nang malakas at humarap sa akin. "E ano naman kung marinig ng ibang tao? Kalat na sa campus 'yang pagkakagusto mo kay Elroy, no! Ang obvious mo kaya! Parang si Elroy na lang ang walang ka alam-alam," ngumiwi siya at napailing.
"Manhid siguro 'yon, no? Sa tingin mo?" Tanong niya ulit sa akin. Ang dami talagang tanong ng babaeng 'to, nakakarindi na minsan. Ganoon din naman ako pero ako 'yon, e. Ako ba siya? Huh?
"Hindi siya manhid, ayaw na lang mag-assume." Sagot ko sa kanya.
Ang hirap pala pag pareho kayo maingay tapos lagi pa kayo mag kasama. Sure ako naririndi rin 'to si Zariyah sa akin. Pero kahit ganoon, love ko pa rin 'tong baliw na 'to. Simula pa kasi noong bata ako nadyan na siya. Nagka-sundo kasi 'yong magulang namin na sabay sila ma buntis tapos gawin din kaming mag kaibigan gaya nila. Kaya rin hindi ko na kailangan ng ibang kaibigan o mag hanap, ganoon rin naman siya sa akin. Pinag kakamalan na kaming mag-jowa minsan kasi dikit na dikit kami sa isat-isa.
"Ah, oo nga pala, ikaw ang assuming," Inosente niyang sabi sa akin na halatang peke. Mapag panggap talaga itong babaeng 'to. Bakit ko ba 'to naging best friend? Binatukan ko siya nang malakas at nauna ulit mag lakad.
"Oh, bakit? Totoo naman. Nagka-eye contact lang kayo sinabi mo ng may gusto siya sa'yo? O noong dumaan siya sa harap natin feeling mo nag papapansin na siya sa'yo?" Tumatawa siya habang sumusunod sa akin.
"Tumigil ka na nga! Napaka epal mo talaga!" I mean, she was right, of course, but it still hurts. Bakit pa kasi siya tumitingin sa'kin? Ang assuming mo, hindi ba pwedeng coincidence lang? E bakit kasi sa akin pa, ang dami namang ibang pwedeng tingnan! Tumahimik ka na, beh! Kapansanan 'yang pagiging assuming.
"Punta tayo sa club, Shoelace!" Aya niya sa akin nang makalabas kami sa gate.
"Tigil tigilan mo 'yang pag tawag sa'kin niyan, ah! Sasapakin na talaga kita kaunti nalang!"
Ewan ko ba sa babaeng 'to, kung ano-ano tinatawag sa akin! Kung hindi 'Shoelace', 'Kandelarya' naman, e ang layo-layo noon sa 'Lunaria', inggit lang talaga 'tong si Zari kasi maganda ang pangalan ko.
"Sige na kasi! Na s-stress na nga ako sa school kailangan kong makakita ng gwapo, sige na!" Pamimilit niya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay at pinitik sa noo kaya naman napa "Aray" siya. "May quiz nga tayo bukas, tanga ka ba?" Pag papaalala ko sa kanya. "Kailangan ko pang mag-aral," pagpapatuloy ko sa kanya.
"Sus! Kaya ka lang naman nag-aaral kasi kaklase natin si Elroy!" Hindi talaga siya titigil kaka asar sa akin.
"Tumigil ka na nga! Puro ka Elroy, ikaw siguro may gusto sa kanya, no? At saka atleast, may magandang naidudulot ang pagkaka-gusto ko sa kanya!" Sinamaan ko siya ng tingin at saka nag book ng Grab.
"Wow, shet, ako pa talaga ang puro 'Elroy'? E kung bilangin ko kaya kung ilang beses mo siya mine-mention sa isang araw? Baka abutin pa tayo ng bukas!" Putak siya nang putak sa tabi ko habang naghihintay din sa Grab namin.
"Tumahimik ka na nga!" Singhal ko sa kanya. Tumawa muna siya bago tumahimik at inabala ang sarili sa pag t-TikTok. E tinuon ko na lang din ang atensyon ko sa cellphone ko hanggang ko sa dumating kami sa condo. May kanya kanya kaming condo dahil ayaw naming mag kasama sa iisamg bubong kasi baka hindi kami makapag-aral at mag chikahan na lang mag damag. Mag katabi lang din naman ang unit namin. Nagpaalam ako sa kanya bago pumasok sa loob.
Pagkapasok ko sa loob ay dumiretso agad ako sa kwarto ko para ilapag ang mga gamit ko. Pumunta ako sa closet para maghanap nang pantulog at pumasok na sa banyo.
I took a shower kasi buong araw akong nasa labas at marami akong nakasalamuhang tao. After that, i did my skincare routine bago nag luto ng hapunan ko. I just cooked some chicken adobo.
I sat down and ate my dinner peacefully. Hindi ako nag c-cellphone kapag kumakain kasi iyon na lang ang time ko para ipag-pahinga ang mga mata ko kasi lagi akong nakatutok sa cellphone. Kaya rin minsan gusto ko pag nasa school ako kasi hindi ko masyadong nagagamit ang cellphone ko except nalang kung vacant namin. Nakikipag kwentuhan lang din ako kay Zari kaya naman hindi ko talaga masyadong nagagamit.
And I like that because I'm always reading kapag nasa cellphone ako so mas nakakasama iyon sa mata ko.
Pagkatapos no'n ay nag hugas na ako ng pinggan at nag toothbrush. Pumasok na ako ulit sa kwarto ko at umupo sa aking study table.
I stalked Elroy's instagram account like what I always do before studying.
Lroy 3 794 0
posts followers followingAng unang post niya ay mukha niya habang nakaupo at nakatingin nang seryoso sa camera. Nakasuot siya formal suit at ang relo niya na palagi kong nakikitang sinusuot niya, iyong Rolex Explorer II . I think it was a formal party dahil sa background and also the lighting. Ang ka sunod niyang post ay picture ng sunset sa beach, at ang latest naman ay picture ng libro.
It was posted one hour ago kaya ni like ko agad iyon. Wala man lang caption lahat ng posts niya! Napaka mysterious talaga! Bagay naman sa kanya. Baka pag ako nag paka mysterious sasabihan nila akong 'mysterious but not interesting' kaya 'wag na lang!
Wala rin naman akong plano kasi papansin akong tao at panay ang post ng instagram story kahit hindi niya ako fina-follow.
I took a photo of my reviewer and posted it on my story. I captioned it with 'studying...' para kapag makita niya man ito, sasabihin niyang may pake ako sa academics. Turn on kaya iyon!
Psychology ang kinuha kong kurso kasi parehas kaming mentally unstable ni Zariyah, charot! Maganda kasi pakinggan at saka marami akong nakatagong words of wisdom sa loob-loob ko kaya ito ang kinuha ko.
Hindi ko naman alam na mahahanap ko rito ang future husband ko! Hindi niya nga lang alam niya future husband ko siya.
Nagsimula na akong mag-aral hanggang eleven pm at naghanda nang matulog pagkatapos.
Mas gusto kong maaga natutulog para mabilis kong makita si Dion bukas. I memorize the things that I studied earlier para sure na makakapasa ako bukas, nakakahiya naman kung bagsak ako tapos makita ni Dion, baka ma turn off bigla. Mapapaaral ka talaga nang mabuti kapag kaklase mo ang crush mo!
I keep repeating the things I studied until I doze off to sleep.
✿ °.*⋆·˚ ༘ ·˚. ༉‧₊˚:✿ °.*
♡
![](https://img.wattpad.com/cover/316826882-288-k198340.jpg)
BINABASA MO ANG
Garden of Hearts
RomanceSolace Lunaria Valeria's life was not perfect. Normal lang siyang namumuhay kasama ang kanyang mga magulang. Walang thrill, kagaya ng lagi niyang sinasabi. Kaya naman noong dumating si Dion Elroy Zamora, siya na mismo ang nag papansin sa kanya.