I

38 5 0
                                    

LAYUNIN NG BUHAY

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

LAYUNIN NG BUHAY

Minsan na rin bang pumasok sa isip niyo?
Kung anong layunin ng buhay natin sa mundo?

'Yong alam mong buhay ka pero hindi mo nararamdaman?
'Yong gumagalaw ka lang kasi kailangan?
'Yong andami mong katanungan pero hindi mabigyan ng kasagutan?
Kasi mismong layunin ng buhay mo'y 'di mo alam ang dahilan?

Araw-araw magigising tayo
Gagawa ng mga bagay na sa mata nati'y bago
Pero lahat ba ng ito'y totoong ating gusto?
O pinipilit lang kasi tingin nati'y obligasyon ito?

Kahit ating tanggihan, wala naman tayong pagpipilian
Kailangan nating gumawa ng hakbang kahit labag sa kalooban
'Pagkat iyon lang ang natatanging paraan
Upang magpatuloy sa buhay at may mapatunayan

Hindi naman natin ginustong maisilang
Ngunit heto't dinala tayo sa mundo't ginawang nilalang
Nilalang na puno ng kuryosidad sa ganitong edad
At mayroong sapat na kapasidad upang mapatunayan ang abilidad

Ngunit lahat ba ng 'yon ay sapat na?
Lahat ba 'yon ay masasagot ang katanungan ng madla?
Dahil hanggang ngayo'y palaisipan pa rin sa'kin
Kung anong tunay na layunin ng buhay natin

Kung bakit kailangan pa nating mabuhay kung mamamatay din naman tayo?
Kung bakit kailangan pa nating maging masaya kung kasunod nito'y malulungkot din tayo?
Kung bakit kailangan mo pang lumisan bago nila makita 'yong halaga mo?
Kung bakit sinasabi nilang pantay-pantay tayo... pero 'yong mga may itsura't mayayaman lang naman ang nabibigyan respeto?

Hindi ko lubos maintindihan
Mas lalong hindi ko alam ang mga kasagutan
Pero may ideya na 'ko, kung anong layunin ng buhay na meron tayo
At iyon ang katotohanang nabuhay tayo... upang masaksihan ang lupit na reyalidad ng mundo

VERSES OF GALAXIESWhere stories live. Discover now