Read Chapter 5 now on Patreon/Facebook group. This story won't be completed here in Wattpad. You can pledge $3 on Patreon or message me on Facebook Rej Martinez to join private group for 150/month that you can pay using GCash/Maya. Thank you for your support!
Simula
Rosette
Nilagay ko na ang huling diamond earrings sa isang tainga ko. Tiningnan ko ang sariling repleksyon sa salamin ng tokador ko rito sa kwarto. Kahit ako ay nakikita ang kalungkutan sa sarili kong mga mata hanggang ngayon kahit isang taon na nang nangyari iyon...
"Are you done?"
Nakita ko sa repleksyon din sa salamin si Sancho na nandoon na sa likuran ko at nakatayo malapit sa may pintuan na tinatawag na ako.
I sighed slowly and stood up from the dresser.
Pagkatapos mismo ng nangyari at hindi pa man ako nakakapagluksa nang husto ay agad na akong pinakasal ng mama at papa sa lalaking pinili nila. Santiago Llamanzares was the son and heir of a prominent family here in Iloilo. The Llamanzares were a family friend to the Regalado, my family.
At kaarawan ngayon ni Ynessa Llamanzares, ang nakababatang kapatid ni Sancho. Pupunta rin ang mga magulang ko sa mansion at ancestral house ng mga Llamanzares para sa selebrasyon.
Pagdating sa party ay agad nagsimula ang nakakapagod na mga pagbati. At kailangan ko rin ngumiti sa mga bisita dahil nasa akin na ang mga mata nina mama at papa. Binabantayan ang mga kilos ko. Because they never trust me until today. They did not trust my decisions and feelings...
I've always wondered if I'm really a daughter to them—a person, or just someone that they could use to broaden their connections for money and power...
"Can I go to the balcony now? Just for a while. Gusto ko lang magpahangin sandali." paalam ko kay Sancho.
Nagkatinginan kami at tumango naman siya. Tinalikuran ko na siya para pumunta sa malapad na balcony ng mansyon nila. I've been here several times since I was young. Magkaibigan ang mga magulang namin ni Sancho at halos sabay din kaming lumaki. I never developed feelings for him, though. Even now that we're already married. I can't find myself loving him...
Nang makabalik ako sa loob kung saan kasalukuyan pang nagaganap ang party ni Ynes para sa kaniyang 21st birthday ay naabutan ko ang palakpakan ng mga dumalo. Tumungo ang mga mata ko harap kung nasaan ang birthday celebrant. Agad na umawang ang mga labi ko nang makita ko kung sino ang lalaking nandoon din sa tabi ng kapatid ni Sancho...
Napahawak ako sa ulo ko at nakaramdam ng pagkahilo nang parang inatake ako ng napakabilis ng mga alaala ko ng nakaraan...
How I met him. How we started liking and loving each other... Until he was taken away from me...
"Sorry, Rosette... Pero naiwan sa barko si Caspian... Nasali siya sa pagsabog..."
Sobra ang panlalaki ng mga mata ko at hindi ako makapaniwala. Ayaw kong maniwala. Maayos pa ang lahat noong magpaalam siya sa aking aalis lang at pupuntang trabaho. At alam kong babalik din siya. Tapos ngayon ganito... Hindi ito pwedeng mangyari. Humawak ako sa dibdib ko na parang naninikip at hindi ako makahinga hanggang sa lumabas at sumabog na ang iyak ko sa balitang natanggap. Humagulgol ako sa harap ng katrabaho at kaibigan ni Caspian.
Inalalayan nila ako hanggang sa nawalan na ako ng malay. At nang magising ako ay nandoon na ang mama at papa ko. Agad akong bumangon kahit pinigilan din nila ako at hinanap ko si Caspian.
Ayaw tanggapin ng utak ko ang nangyari. At hindi pa ako nakakapagluksa ng husto nang dalhin na ako nina mama pabalik sa mansyon ng mga Regalado, ang bahay namin. Ilang buwan din akong nawala at hindi nagpakita sa kanila. I runaway from home with Caspian and we're just trying to live our life simply but I was happy. I was never happy with my life until I met Caspian...
BINABASA MO ANG
No Greater Love
RomanceRosette believed Caspian had died in a tragic work accident. Now married to her childhood friend Sancho, she tries to move on, but lingering feelings for her lost love keep her from fully embracing her new life. When she discovers that Caspian is st...