Kabanata 1

745 27 3
                                    

Kabanata 15 was already posted on Patreon/Facebook group. Message to join for 150/month and read my other ongoing and exclusive stories! You can always cut your membership and rejoin the group at anytime. Thank you!

Kabanata 1

The people who worked for our hacienda called me kind. I used to bring them food that I sometimes cook or bake them some cake and bread for their meryenda since I love baking, too. At nang isang beses na bumisita ako sa mga tauhan namin sa asukarera ng pamilya ko ay doon ko unang nakilala si Caspian.

Bagong lipat lang sila noon sa asukarera namin at galing silang Negros Occidental. Hindi ko alam ang rason ng paglipat nila pero hindi naman na siguro iyon mahalaga. Ang mahalaga ay may nakita silang malilipatan dito sa amin at nakapagpatuloy sa paghahanap-buhay. At nagkakilala rin kami.

I was used to the simple province life. Dito kasi ako lumaki sa hacienda namin kasama ang mga tauhan din ng asukarera. I was friendly to our people and I like spending time with them, too. Nagpapakita rin naman ng kabutihan sa kanila ang mga magulang ko, and it's sad that they wholeheartedly believe it when truth was that it's just for their political gain for my parents. Tumatakbo kasing lider ng lugar namin ang papa ko noon.

I quietly sighed as I watched our workers take a rest and have their shares from the snacks I brought for them.

"Ikaw, Senyorita? Hindi ka ba kakain?"

Bumaling ako kay Caspian at napangiti sa kaniya. Bago pa lang sila ng pamilya niya rito sa asukarera namin pero masipag sila sa trabaho at mabait din si Caspian. "Kumain na ako kanina habang nagluluto ay patikim-tikim din kasi ako sa niluluto ko." I smiled.

Ngumiti rin siya sa akin. Caspian had this genuine and gentle smile. He's a year younger than me. At pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho para makatulong din sa mga magulang niya at isang nakababatang kapatid na lalaki.

While I just graduated from my course and finished my studies, Caspian was in his last year in college. He's taking a maritime course. At gusto niya raw maging seaman siguro pagkatapos niyang mag-aral. Palagi na rin naming nakakausap ang isa't isa dahil madalas nga rin ako rito sa mga tauhan ng hacienda.

"Senyorita Rosette,"

Nakita ko si Filomena na palapit na sa akin. "Oh, nandiyan na ba ang Mama at Papa?" tanong ko.

"Opo, Senyorita. Kakarating lang nila, at may kasamang bisita. Pinapatawag ka na ng iyong Mama at Papa." anito.

Tumango naman ako at bumaling muna kay Caspian para makapagpaalam sa kanila ng iba pang mga tauhan.

"Sige, Senyorita, salamat po muli sa pagkain." anila.

Ngumiti ako bago tuluyang tumalikod at sumunod na kay Filomena. Pero muli ko pang nilingon ang pinanggalingan at nakita si Caspian na nakatingin pa sa akin. Nang makitang bumaling ako ay agad siyang ngumiti kaya nginitian ko na rin siya.

I loved having conversations with Caspian. Gusto kong marinig ang mga plano niya sa buhay. At kung gaano niya kamahal ang pamilya niya. I feel like he's the realest person I know. When everything around me seemed to be superficial...

"Nandito na pala si Rosette." Ngumiti ang Mama nang makita ako.

Lumapit ako sa kinaroroonan nila ng papa kasama ang mga bisita. Nasa malawak na garden sila sa likod ng mansyon namin kung saan may tamang laking golf course din ang papa dahil hobby niya rin ito.

Nilapitan at hinawakan ako ng mama sa braso ko. "Come here quick, hija, and greet your Tita Carolina and her family." Ngumiti pa ang Mama sa kanila.

Kilala ko na naman sina Tita Carolina at Tito Sandro. At ang dalawa nilang mga anak na si Sancho ang kanilang panganay at si Ynes. Mga bata pa lang kami ay kilala na rin namin ang isa't isa. Our families were friends with each other. Especially my Mama and Tita Carolina. Carolina Abellana was once a famous and beautiful actress and model. Until she met Tito Sandro Llamanzares who came from a rich family of Iloilo and gave up her career. She married him and have a family with two kids with him. Ang alam ko now she just travels a lot and still enjoys her life with her family. While my Mama was a fan of her back in the times. At naging malapit lang din sila sa isa't isa because of Papa and Tito Sandro na matagal na rin talagang magkaibigan ang mga pamilya nila.

No Greater Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon