CHAPTER 26

0 0 0
                                    

☽︎ STILL YOU :: CHAPTER 26
Xandreos

Pagkalipas ng ilang linggo ay na-discharge na nga si Elayjha, ngunit kahit ganon ay malamig parin ang pakikitungo niya sa’min dagdag pa ‘ron ang paghahanap niya palagi kay Killian. Kahit sa unibersidad ay magkasama sila na siyang pinagtataka ng mga tao ‘ron. Kagaya ngayong araw.

“Xerxes nakita mo ba si Killian?” tanong nito.

“Hindi ko pa siya nakita” sabat naman ng isa

“Bakit ba hinahanap mo siya? Ayaw mo na ba kaming kasama Elayjha?” tanong ni Xanderly at halata sa boses nito ang pagkalungkot.

“Mas nais kong makasama ang isang taong totoo sakin kaysa ang mga peke” wika nita na siyang kinatigil naming lahat.

“Elayjha!” napatingin kaming lahat sa biglang boses na ‘yon.

Nakita ko kung paano muling nagbago ang expresiyon ng mukha nito. Mula sa malamig at walang emosyon ay nagkaroon ito ng saya at ginhawa. Pasimple akong napahawak sa’king dibdib ng maramdaman ko ang paninikip nito.
Ano ba dapat masanay kana sa ganiyang niyang pakikitungo, lalo na’t malapit na ang kaniyang debut.

Agad na nawala sa paningin namin si Elayjha at napansin na lang namin na masaya itong nakikipag-usap kay Killian. Hindi ko maiwasang hindi ma-inggit kay Killian sa kadahilanang napapasaya niya si Elayjha na dati kami ang gumagawa.

“Tara alis na tayo kailangan pa nating maghanda” Aya ni Ranjace tango lamang ang aking naisagot sumunod sa kanila.
Habang naglalakad ako ay tanging si Elayjha lamang ang laman ng aking isipan. Hinihiling ko na nasa ay bumalik siya sa dati, bumaling ang dati niyang pakikitungo sa’min. sakin.

“Kamusta?” tanong ni Xerxes sa’kin

Ngayon ko lang napansin na kasabay ko na pala siya maglakad. Masyado ata akong nalunod sa mga iniisip ko at hindi ko na siya napansin.

Ngumiti ako sa kaniya. “Ayos lang naman.” Wika ko kahit alam kong hindi

“Hindi mo naman gusto si Elayjha diba?” tanong nito natigilan naman ako dahil sa tanong ni Ranjace.

‘Hindi ko siya gusto mahal ko siya’

Hindi ko alam pero ang hirap no’n sabihin.

“H-Hindi” na-uutal na sagot ko.

‘Bakit ba ang hirap sabihin na hindi ko siya gusto dahil mahal ko siya ? tangna namn!’

“That’s good because Elayjha is belong to Killian, hindi sayo, hindi sakin, hindi kay Xanderly, hindi kay Xerxes kundi kay Killian.” Para akong sinampal dahil sa sinabi nito. Sinampal sa katotohanang hindi talaga kami puwede sa isa’t isa.

“Xanderly!” napatingin kami sa biglang sumigaw

“Fuck hanggang dito ba naman” inis na bulong ni Xanderly sabay takbo

“Xanderly wait for me!” sigaw ng babae at hinabol si Xanderly

“Shit ang ganda no’n” bakas sa boses ni Xerxes ang pagkamangha

‘Tss. Mas maganda pa si Elayjha do’n’
Napatigil nalang kami sa paglalakad ng hinarang kami ng hindi namin inanaasahang bisita.


Elayjha


Ilang linggo na mula ng makalabas na ako sa ospital, pero heto pa rin ako at mas lalong lumalamig ang pakikitungo ko sa tatlo. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw ko talaga nakikita ang pagmumukha nila. Siguro dahil nasasaktan na ako o sadyang may ibang dahilan pero hindi ko alam kung ano.

Nasa library kami ngayon ni Killian at sabay na nag-aaral para sa research namin. Parehas lang kaming tahimik na nagbabasa, hanggang sa nagdesisyon akong magpalit ng aking binabasa na libro.

Habang naglilibot ako sa lagayan ng mga libro ay biglang may nakaagaw ng aking pansin ngunit nasa tuktok ito. kulang ang tangkad na meron ako sa taas kung saan naka-puwesto ang librong natitipuhan ko.

Pero nga gaya ng kasabihan. Try and try until you succeed. Kaya pilit ko itong inaabot. Naisipan ko rin na tumung-tong sa unang lagayan nito pero sadyang mataas ng librong iyon. Akmang susuko na ako ng biglang may presisya akong naramdaman mula sa aking at kinuha ang natitipuhan kong libro.

Humarap ako rito para sana magreklamo ng mapansin kong subrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. halos maduling ako sa subrang lapit. Isang maling galaw ko na lamang ay maglalapat na ang mga labi namin.

Nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong hinalikan sa noo. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko, pero mas lalo akong nagulat ng biglang may sinaryong lumabas sa isip ko.

‘Bakit pamilyar sa’kin ang ganitong sinaryo? Bakit? May ala-ala ba akong nawala? Nagkaroon ba ako ng problema noon? Bakit?’

“Elayjha, ayos ka lang ba?” tanong nito
Nabalik lang ako sa’king katinuan ng biglang nagsalita ang lalaking sa harapan.

“Ha? Ah oo ayos lang ako” sagot ko kahit ang totoo ay hindi naman

“Sigurado ka ba?” nag-aalalang tanong nito at umayos ng tayu.

“Oo naman, Killian. Ayos lang ako” sagot ko at kinuha ang libro na nasa kaniyang kamay

“Salamat sa pagkuha” pagpapasalamat ko at mabilis na bumalik sa puwesto namin at agad na umupo, tyaka ito binuklat at inumpisahang basahin.

Habang nagbabasa ako ay napatingin ako sa harapan ko ng biglang may naglakag ng milk tea at ang paborito ko pang timpla.

“Salamat Killian” wika ko at tumingin sa nagbigay ngunit agad akong nakaramdam ng pagsisi ng makita ko kung sino ito.

“Mukhang inaasahan mo na si Killian ang magbibigay sa’yo” wika nito at bakas sa boses nito ang pagkadismaya at dahil sa pinakadulo kami ay hindi kami naririnig ng librarian.

“Pasensya na” paghingi ko ng paumanhin, “Si killian lang naman kasi ang bumibili ng Milk tea at siya lang din ang may alam kung anong timpla ang gusto ko.” wika ko

“Sorry—” nakatingin kaming dalawa ni Xandreos ng marinig namin ang tinig ni Killian at may hawak itong tatlong libro na makakapal.

‘Sigurado ba siyang matatapos namin ang research namin sa araw na to?’

“Xandreos ikaw pala” wika ni Killian
Ng mapansin ni Xandreos na nahihirapan si Killian sa kaniyang dala ay agad itong lumapit at kinuha ang dalawang libro at mabilis na inilapag sa mesa namin.

“Ginagawa mo rito?’ dagdag na wika ni Killian

“Dinalhan ko lang ng Milk tea si Elayjha paalis na rin naman ako” wika nito at humarap sa’kin. “mauna na ako Elayjha,” paalam nito at umalis na ng hindi hinihintay ang sakit ko.

‘Bakit ganito? Bakit parang iba ang pakiramdam ko sa kaniya? Anong meron Xandreos? bakit pakiramdam ko mawawala ka?’

Still You Season 1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon