CHAPTER 29

1 0 0
                                    

☽︎ STILL YOU :: Chapter 29
ELAYJHA

Nagising na lamang ako dahil sa marahang pagyugyug sakin at bumungad sakin ang mukha ni Xandreos.

“Mukhang masarap ang tulog mo ah” wika nito hindi ko nalang siya kinibo.

Lumayo naman ito sakin upang makalabas ako ng kotse. Iyos ko muna ang aking sarili bago ako lumabas. Agad na nangunot ang aking noo ng makita ko kung saan kami. Boutique kung saan makakabili ng mamaganda at magagarang gowns at dresses.

“Anong gagawin natin dito?” Tanong ko
At dahil naputulan ata ng dila ang mga kasama ko ay walang sumagot. Tuluyan ko kayang putulin ang mga dila niyo? Wala naman kasing mga kuwenta.

Pumasok lang sila kaya wala akong ngawa kundi ang sumunod sa kanila.
Ano ba ang gagawin ko sa kanila para magsalita? Naiirita na ako.
Napatingin naman ako sa babaeng biglang nagsalita sa harap ni Xandreos.

“Good evening sir” nakangiting bati nito pero bakas sa boses at mukha nito ang pagpapacute.

Nagpapacute ang hindi naman cute tsk.

“Good evening” casual na wika nito at humarap sakin. “wear any dress or gowns that suits on your taste o babagay sayo and let us rate.” Wika nito na mas lalong kinakunot ng aking noo.

Ano baa ng meron bakit may paganito?
“We will give you one hour para mamili ng damit na gusto mo o tipo mo” wika nito at umupo sa sala set nila sumunod naman sila Xanderly. “your one hour starts now” dagdag na nito.

Kahit nagtataka ay nilibot ko ang buong boutique ngunit wala akong mapili. Oo maganda naman lahat pero wala talagang papasa sa taste ko.

“Ito na ba lahat ng gown at dresses niyo?” tanong ko sa sales lady na sumusunod sakin, siya ang sales lady na nagpapacute kanina kay Xandreos.

Hanggang ngayon ay hindi maalis ang tingin niya kay Xandreos. Dukutin ko kaya ang mata mo?

“Hey ms. Are you listening?” inis na tanong ko dahilan para mapatingin siya sakin

“S-Sorry Ma’am” paghingi nito ng paumanhin at bahagya pang napayuko. “This way ma’am” wika nito at iginaya ako papunta sa second floor ng boutique.
Pagdating namin do’n ay agad na halos malaglag ang aking panga dahil sa magagandang gown na nasa harapan ko.

Agad akong pumasok at nilibot ang aking paningin. Habang nililibot ko ang aking paningin ay may apat na gown na nakaagaw saking pansin. Isa itong pulang gown na offshoulder at kumikinang ito na siyang bumagay sa kaniya dumagdag pa ang mahaba nitong kapa na naging dahilan upang maagaw nito ang aking pansin. Katabi naman ito ang gintong offshoulder na gown siya ring kumikinang. Nasa maniquen naman ang isang tube gown na kulay time ngunit may gold ito sa dulo nito na may linya-linya.

“Gusto ko ang tatlong ‘yon” wika ko at tinuro ang tatlo agad naman itong kinuha ng sales lady at ibinaba dahil nandoon ang fitting room at nandoon din ang apat.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa gowns na napili ko. Ng makababa na kami ay agad kong sinukat isa-isa ngunit isa lang ang nagustuhan nila. Ang third choice ko. nong second choice ko ay si Ranjace at Xerxes lang ang may gusto, ang second choice ko ay si Xanderly lang ang may ayaw. At sa huling napili ko ay nagustuham na nila kaya ‘yon ang binili namin.

Habang nasa sasakyan kami pauwi ay muli ko silang tinanong kung para saan ba ang gown ngunit muli ay wala silang naisagot sa’kin. Subrang tahimik ang byahe namin animo pinapakiramdaman namin ang isa’t isa.

Ano bang problema ng mga lalaking to ay subrang tahimik pag ako ang kausap? Alam ko na malamig ang pakikitungo ko sa kanila nitong mga nakaraang araw pero hindi naman dapat ganito. Napakabastos naman.

Hanggang sa makauwi na ako sa condo ay wala silang kibo. Pagkababa ko ng kotse ay agad na pinaharorot ni Xandreos ang sasakyan paalis.

Napakabastos talaga ng ugali.
Pumasok tuloy ako sa condo na nakabusangot. Sino ba naman ang hindi maiinis sa pakikitungo nila hindi ba? Para kang hangin Bwesit!

Pagpasok ko saking silid ay agad akong nagbihis at nahiga saking kama. Hindi rin nagtagal ay nakatulog ako.

****

Nasa eskwelahan ako ngayon at absent ang apat na asungot ganon din si Killian na siyang pinagtataka ko.

Anong nangyari sa limang ‘yon? Hindi naman siguro sila naghahanda para sa debut ko diba? Wala rin namn akong balak maghanda sa araw na ‘yon ni excitement ay hindi ko maramdaman sa tuwing iisipin ko na bukas na ang araw na ‘yon.

Habang nakikinig ako sa lecture ng huling guro namin sa araw na ito ay nakaramdam ako ng pananakit ng aking puson.

Hanggang sa hindi inaasahan ay pamamasa ng aking kasuotan sa ilalim. Hindi ako mapakali saking kinauupuan dahil sa malagkit na aking nadarama.

Naging malikot na rin ako sa’king kinauupuan upang mabawasan man lang ang lagkit ngunit kabaliktaran ang nangyari.

Hindi rin nagtagal ay tapos na an gaming klase. Isa-isa ng nagsilabasan ang mga kaklase ko hanggang sa ako ang pinakahuling lumabas ng aming silid.
Binaba ko muna ang aking bag upang takpan ang aking puwetan tinalian ko rin ito ng aking polo ng uniporme. Ng makalabas na ako ng aming paaralan ay agad akong pumunta sa pinakamalapit na sari-sari store para bumili sana ng napkin ng makita kong maraming tambay na lalaki ay agad akong lumihis ng daan. Kaya pumasok nalang ako sa seven eleven para bumuli ng napkin. Habang naghahanap ako ng napkin ay biglang may pumasok na apat na lalaki naka mask na agad na kinabigla at taranta ng lahat.

Agad na lumapit sakin ang isang lalaki, akmang tatakbo na sana ako ng biglang humarang ang isa nitong kasamahan, wala na akong takas. Lalaban sana ako ngunit sumakit ang aking puson at nanginginig din ang aking paa.

Tangna paano ako tatakas dito? Pag tatalon ako, syempre tutulo ang dugo at makikita nilang tatagu—

Bago pa man ako magdesisyon ay agad na may telang tumakip saking ilong at bibig at nakalanghap ako ng hindi kaaya-ayang amoy. Nandilim ang aking paningin ngunit bago pa man ako tuluyang nawalan ng malay ay nakita ko ang mukha ng lalaking nasa harap ko. Ang taong akala ko ay hindi niya ito magagawa sa’kin.
Xandreos…

Still You Season 1 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon