Chapter 2

0 0 0
                                    

After a lot of argumentations and research Angel and I finally decided where to live. She picked the condo near UST as in near around 3-5 minutes of walking lang ata while I picked the condo near Ateneo as well but still I need to take jeep or car for a ride.

"Final na ba yan Yanna ayaw mo talaga mag dorm na lang? Maganda naman daw mga dorms ng Ateneo eh."

" Nah ok na ako sa ganito mas private kasi sa feeling tapos hawak ko yung time ng labas pasok ko walang curfew"

"Kailan ka pala pupuntang Manila? Sabay na lang ba tayo?"


" Next week daw pupunta na ako dun so that I can adjust na ."
We contact those condo agents so that we can finally reserved our spot. Nakaka stress pla talaga ang college life akala ko same as Senior high days lang na chill and all.


"Sabay na tayo I will go to Manila next week na din and to process everything there"


"Ok better and one more thing let's meet during weekends pag andun na tayo para di tayo ma homesick ng sobra HAHAHAHA"

After we settled everything and wired the down payments umuwi na ako ng bahay. It's already afternoon doon na din ako nag lunch kina Angel and wala akong balak na doon mag dinner since it's my lola's birthday for sure sa bahay gaganapin yun. Pumunta muna ako sa Mall to buy her a gift hindi naman na gusto ni lola na mabigyan pa but trip ko lang naman and nasa malapit  lang naman ang mall.


" Can I have this Ms. tatlo po isang blue , red and the yellow one and paki balot na lang po siya miss , thank you"

"Maam we may proceed to the table next to the counter maam . Doon po kasi binabalot lahat ng gifts and there are gift wraps available or you can pick designs on that section."

" Thank you miss" Hindi na ako pumili ng wraps sa aisle section nila doon na lng ako pipili and ayaw ni lola ng paper bag lang. I've noticed kasi na ang saya niya whenever she tear gift wraps.

While on my way na isip ko na din to buy her a window cathedral non sweetened gelatin para may makain siya na parang cake kasi di naman siya pwedi ng cake na ihahain for her.

Pagdating ko sa bahay busy ang lahat nandoon na din sila ni tita cooking their best dishes for their mom. I just greeted them and didn't bother na. I head up to my room to relax myself and prepare afterwards. Paglabas ko sa mula sa cr andoon na yung mga demonyo kong pinsan sa kama ko yung iba pinapakialamanan na yung mga libro ko , kuya Joshua is also trying to open my laptop while Kiyo do his thing on my phone. In short disaster na naman ang kwarto ko .

"LABAS !!!!!!"

"HAAHHAHAHA chill yanna dito na lang kami ang boring sa baba inuutusan lang kmi doon na tumulong eh kaya dito na lang kami"

"Ang sabihin Kael tamad ka lang talaga. Yanna palaro dito sa laptop mo paki open naman"

"Eto din Yanna paki open ng phone mo mag lalagay lang ako sa ig stories mo nag mukha ko para parang mag jowa ka"

"Kung mukha mo lang naman Rofel walang may pake dun. Kunga ako makakakita imbes na maiinggit ako na may jowa siya mag tataka pko bakit ka niya pinatulan"


"Nak ng shuta gwapo mo Benjamin ah , bansot nga lang ng pangalan mo kagaya mo."

"Magsilayas na kayo sa kwarto ko !!! Tignan nyo ang kalat kalat na ano ba! Kuya Jericho yung kumot ko nasa sahig na hihiga ka na nga lng eh. Kuya Josh paki tantanan yung laptop ko di ka naman marunong nun at kayong dalawa Yung cellphone ko tantanan nyo na wala akong balak mag jowa at kung kayo lang namang dalawa wag na lang tataas lang dugo ko sa inyo."

"Yanna ang ingay mo mana ka kay tita highblood"

"Ikaw naman kuya Raf ikaw nalang nakakatanda dito di mo pa sila sinuway ."

"Tumahimik ka Sorrine nagbabasa ako ."

"ARGGHHH LUMABAS NA KAYONG LAHAT!!!!!"

Nagsilayas na sila may mga pabaon pang reklamo . Si Kuya Raf na lang yung natira well it's ok tahimik lng to basta nagbabasa . Mabuti na lang talaga lumabas akong nakabihis na kung hindi mauuna pa akong maging dinosaur kesa magbihis. I prepare may face to put light make up.

"Should I welcome you to Ateneo or not?"

"You don't have to .Isa pa you're kinda well known there and I prefer a peaceful stay at Ateneo baka pag nalaman nilang the great Rafael Vincent Rivas Fulyeros is my cousin magiging taga update pa ako ng mga babae mo or tagabigay sayo  ng mga pinapabigay nila."

"Don't worry it won't happen since nasa Post graduate department naman na ako and I'm just taking my masters there but as a former Atenean welcome to ADMU , I'm proud of you. "

"Of all my cousins no wonder that you stand out. Wla akong mapapala sa iba eh"

"Well you just say that kasi ako yung paborito mo ."

I just laugh on his remarks well partly true he's my favorite one kasi we vibe in well. I finished my liptint and see my final look. I'm voluptuous , I don't mind it at all though sometimes insecurities hit me pero ang ending stress eating.

"Let's go I will escort you " Paano ako ma iinsecure if I have bunch of crazy , stupid ass cousins who could make me feel beautiful and worth all the attention.

"You know what I'm so lucky to have all of you. Kahit nakakabwesit kayo at annoying I can't live a day na hindi nyo ako na ookray ."

"That's how we love you our princess"

We just had a simple intimate family dinner , yun lang naman lagi yung request ni abuela na kumpleto kaming lahat tuwing birthday niya. She enjoyed the food kasi sinigurado din namin na hindi bawal sa kanya yung mga hinanda. The conversation went to our college plans and about life. As usual kanya kanyang trip na pagkatapos. This also serve as our pa despidida since by next week hello manila na kaming magpipinsan .

At A Certain TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon