---xxx---
Kinabukasan... maaga akong nagpunta ng school dahil may 7am akong klase kaya 6am pa lang ay nandun na ako sa school. At dahil nangako sa akin si Marco na ihahatid niya ako mamayang uwian ay di ko dinala yung kotse ko kahit na gusto kong tanggihan ang pagpiprisinta niya. Ayoko namang magtampo yung crush ko sa akin. Hahaha
So ayun na nga... nang makarating na ako ng school ay naupo ako agad sa shed namin. At dahil masyado pang maaga, wala pang masyadong estudyante kaya nagsuot na lang ako ng airpods ko at nakinig ng music habang nagbabasa ako ng libro ng susunod naming subject. Habang abala ako sa pagbabasa ay may biglang yumakap sa aking likuran. Nagulat ako at agad ko itong hinarap.
"Good Morning Lorenz!!" nakangiting bati ni Marco sa akin.
"Uyyy!! Good Morning Marco!!" nakangiting bati ko sa kanya.
"Ang aga mo ah." sambit ni Marco sa akin.
"Eh kasi wala akong dalang sasakyan, baka mahirapan akong mag commute." tugon ko kay Marco.
"Don't worry... ihahatid kita mamayang uwian." nakangiting tugon ni Marco sa akin.
"Anyway... nakalimutan ko palang sabihin sa'yo Lorenz... pwede ko bang mahingi ang number mo?? Para naman makapag usap tayo kahit tapos na ang klase natin." dugtong na sambit ni Marco sa akin.
"Sure... no problem.. akin na phone mo." agad kong tugon kay Marco.
Agad namang kinuha ni Marco ang phone niya at iniabot ito sa akin hanggang sa naitype ko na yung number ko.
"Thank you Lorenz." sabay yakap niya sa akin. Nag iba ang pakiramdam ko matapos niya akong yakapin. Parang nag init ang pakiramdam ko.
"No problem." nakangiting tugon ko sa kanya. Pero deep inside naging uncomfortable ako sa pagyakap niya sa akin. Maybe because of the fact na crush ko siya at di ako sanay sa ganyang bagay.
Matapos ang buong klase namin ay inaya na ako ni Marco na pumunta ng parking area para kunin ang kanyang kotse. Pero dahil 3pm pa lang ay nagpasya kaming mamasyal muna sa isang park malapit lang sa school namin. Nagulat ako nang hinawakan ni Marco ang aking kamay habang naglalakad kami sa park.
Gusto ko sanang alisin ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero I didn't mind na lang kasi baka magtampo na naman siya. Kaya kahit medyo na aawkward ako ay di ko na lang ito pinansin. Mag aalas cinco na matapos kaming mamasyal ni Marco kaya inaya na niya akong umuwi.
Nang makarating na kami sa bahay ay inaya ko muna siyang pumasok at ipinaghanda siya ng kape. Kahit na may mga yaya kami ay ako pa rin ang gumawa ng kape niya dahil gusto kong special ang ibibigay kong kape para sa crush kong si Marco. Hihihi... habang nagkakape kami ay biglang nagtanong si Marco.
"Sino mga kasama mo dito Lorenz? I mean bukod sa mga yaya niyo?" tanong nito sa akin.
"Ako lang... Mom and Dad ko kasi nasa Ecuador, dun sila nagtatrabaho. Wala din akong kapatid. Si Manang Tasing, yung mayordoma namin dito, siya yung tumatayong ina ko dito sa bahay." tugon ko kay Marco.
"Ohh... buti at nakakaya mong malayo sa mga magulang mo." sambit ni Marco sa akin.
"Wala naman akong choice eh. At tsaka nagtatrabaho naman sina Mommy at Daddy para ciempre mabili ko ang mga gusto ko at makapag tapos ako ng pag aaral. Kaya nagsisikap akong mag aral nang mabuti para pambawi ko sa mga sakripisyo ng mga magulang ko sa akin." nakangiting tugon ko kay Marco.
"Awww.. ang galing naman pala ng bestfriend ko." nakangiting sambit ni Marco sa akin.
"Bestfriend??" agad kong tanong sa kanya.
"Yes bestfriend na tayo diba? Bakit? Ayaw mo ba akong maging bestfriend?" tanong ni Marco sa akin.
"Ciempre naman.. gusto noh.." nakangiting tugon ko sa kanya.
"Yayyy!!! Thank you bestfriend!" sabay yakap ni Marco sa akin.
Hanggang sa natapos na ang pagkakape namin at nagpasya na itong si Marco na umuwi.
Continue...
---@spicelopez---
BINABASA MO ANG
Ang Malibog Kong Seatmate
RomanceThis story is purely m2m story. There are parts that are not suitable for all ages. If you are uncomfortable with my stories feel free to leave and look for another story. This is just conceived by my wild imagination. Reader's discretion is advised...