Ang Malibog Kong Seatmate (Part 5)

1.5K 25 0
                                    

---xxx---





Ilang sandali lang ay agad nang dumating yung inorder namin. Habang kumakain kami ay biglang nagtanong itong si Marco.





"Lorenz???" tawag ni Marco sa pangalan ko.





"Yes??" agad kong tugon pagkatingin ko sa kanya.





"Uhmm... I hope you don't mind me asking but... may boyfriend ka na ba?" tanong ni Marco sa akin.





"Huh?? No... I never had one." agad kong sagot sa kanya.





"Uhmm... paano pag isang araw merong taong mag coconfess sa'yo na gusto ka nila, ano'ng gagawin mo?" tanong ni Marco sa akin.





"Hmm.. well.. wala naman... confession lang naman yan eh. I would be happy kasi may taong nakaka appreciate sa akin despite of my imperfections." nakangiting tugon ko kay Marco.





"Uhmm... Lorenz??" tawag ulit ni Marco sa pangalan ko.





"Yes Marco?? Ano yun?" nakangiting sambit ko sa kanya.





"Uhmm... would you give me a chance if I will court you?" direchong tanong ni Marco sa akin.





Nanlaki ang mga mata ko matapos magsalita ni Marco. Speechless rin ako at the same time.





"Huh?? Ano'ng sabi mo?" gulat kong tanong kay Marco.





"I said... papayag ka ba if liligawan kita?" pag ulit ni Marco sa tanong niya.





Lalo akong nagulat sa kanyang itinanong. Bumilis ang tibok ng aking puso. Di ko alam kung ano'ng gagawin ko. Gusto kong magtatalon sa tuwa pero nakatingin lang ako kay Marco hanggang sa hinawakan niya ang aking kamay.





"Mahal na kita Lorenz. Hindi ko alam kung bakit pero nahuhulog na ang loob ko sa'yo." pag amin ni Marco sa akin.





"Huy... huwag ka ngang mag biro nang ganyan Marco. Paano mo naman ako magugustuhan eh hindi naman ako babae." agad kong tugon sa kanya.





"Hindi naman kita nagustuhan dahil sa kung ano'ng kasariang meron ka eh. Nagustuhan kita dahil sa iyong ugali." tugon ni Marco sa akin.





Di ko alam kung ano'ng isasagot ko kay Marco at nakatitig lang ako sa kanya.





"Papayag ka bang ligawan kita." dugtong na tanong ni Marco sa akin.





Napabuntong hininga ako bago ako sumagot kay Marco.





"I don't know kung ano man ang plano mo pero sige, papayag ako." nakangiting tugon ko kay Marco. Agad namang napangiti si Marco sa aking isinagot hanggang sa hinalikan niya ang aking kanang kamay.





"Thank you Lorenz." nakangiting sambit ni Marco sa akin. Gusto ko na talagang magtatalon sa tuwa at kilig.





Ilang sandali lang ay may lumapit sa aming babae at binatukan niya ako. Nabigla naman ako sa ginawa niya kaya agad akong napatayo dahil sa gulat.





"Mang aagaw ka!!!" sambit ng babae sa akin.





Bigla namang napatayo si Marco at hinawakan ang babae.





"I'm sorry Miss, pero sino ka??" agad kong tanong sa kanya.





"Girlfriend ako ng lalaking nilalandi mo at boyfriend ko yang si Marco!!" galit na tugon sa akin ng babae.





Nagulat ako sa isinagot niya sa akin. Agad namang sumagot itong si Marco.





"Wait!! What?? Girlfriend??? Excuse me, Catherine!! Hindi kita girlfriend!! Pagkatapos mo akong ipahiya at gamitin?? Wala kang karapatang tawagin akong boyfriend mo!" agad namang hinawakan ni Marco ang kamay ko at hinila na niya ako palabas ng restaurant at lumabas ng mall.





Nang makarating na kami ng parking area ay agad na kaming sumakay ng kotse at nagdrive. Habang nasa biyahe kami...





"Sino yun?" tanong ko kay Marco.





"My ex." sagot ni Marco sa akin.





"Are you okay??" nag aalala kong tanong kay Marco sabay hawak ko sa kamay niya.





"Yeah I'm okay... so pano?? Hatid na kita sa inyo??" tanong ni Marco sa akin.





"Huwag muna... gusto pa kitang makasama eh." nakangiting tugon ko kay Marco.





"Sige... dun na lang tayo sa condo ko." tugon ni Marco sa akin.








Continue...








---@spicelopez---

Ang Malibog Kong SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon