Ang Malibog Kong Seatmate (Part 4)

1.5K 23 0
                                    

---xxx---





Lumipas ang mga araw at palagi na kaming magkasama ni Marco kapag nasa school kami. Tabi kami palagi kapag sa klase. At kapag sa Spanish Lesson namin ay sa kanya ako nagpapaturo kapag nahihirapan ako sa aming lesson dahil bihasa siya sa wikang kastila dahil may lahi pala siyang Colombian.

Hanggang sa natapos yung first semester namin, may 2 weeks kaming pahinga bago mag enroll ulit. At dahil di naman ako masyadong lumalabas ng bahay ay nagmumukmok lang ako sa loob. Ilang sandali lang ay nag ring yung phone ko. Agad ko naman itong sinagot.





"Hi Lorenz! Bestfriend!! Good Morning." masayang bati sa akin ni Marco.





"Good Morning bestfriend!" masayang tugon ko din kay Marco.





"Are you free today?? Mall naman tayo oh." tanong ni Marco sa akin.





"Sure... ngayon na?" tanong ko sa kanya.





"Yes... kung okay lang sa'yo." tugon ni Marco.





"Yeah.. okay lang. sige... maliligo lang ako at mag aayos." tugon ko kay Marco.





"Sigee... don't worry... susunduin kita diyan sa inyo. See you later!! Byeee" sabay end ni Marco ng call namin.





Agad ko nang kinuha yung bathrobe ko at tinungo ang banyo para maligo. Nang matapos na akong magbihis ay kinatok ako ni Manang Tasing. Agad ko naman itong binuksan.





"Lorenz?? Anak! Nandito pala si Marco. Nandun siya sa sala. May pupuntahan daw kayo?" tanong ni Manang sa akin.





"Opo, Nanay... mag mamall lang po kami." nakangiting tugon ko kay manang.





"Boyfriend mo ba siya anak?" tanong ni manang sa akin.





"Ayy hindi po Nay... Bestfriend ko po siya at kaklase ko." nakangiting tugon ko sa kanya.





"Aww.. akala ko boyfriend mo na eh." nakangiting tugon ni manang sa akin.





"Don't worry Nay, ikaw ang unang makakaalam kapag nagkajowa na ako." sagot ko kay Manang sabay tawa.





"Oh sige na anak, tapusin mo na ang pagbibihis diyan." sambit ni manang sabay alis nito.





Ilang sandali lang ay agad na akong bumaba at tinungo ang sala kung saan naghihintay si Marco. Hanggang sa umalis na kaming dalawa. At dahil namiss namin mag arcade ay doon kami unang nagpunta. Masayang masaya kami ni Marco na naglaro dun, para lang kaming mga bata.

Nang matapos kaming mag arcade ay inaya niya akong manood ng sine. Tuwang tuwa ako dahil pareho pala kaming mahilig sa horror. At good thing dahil may isang horror movie na showing ngayon sa sinehan kaya agad na kaming bumili ng ticket. Ako na sana magbabayad ng ticket namin pero pinigilan ako ni Marco.





"Ako ang nag aya sa'yo dito so ako ang gagastos para dito, okay?" nakangiting sambit ni Marco sa akin.





"Oh sige... pero ako ang bibili ng popcorns at drinks natin ha?" tugon ko sa kanya.





Ayaw pa niya sana pero nagpumilit ako. Hanggang sa pumasok na kaming dalawa sa loob ng sinehan. Nang matapos kaming manood ay nag pasya kaming dalawa ni Marco na kumain sa isang restaurant. Pagkarating namin sa Kenny Roger's na restaurant ay nakakuha kami agad ng upuan hanggang sa nag umpisa na kaming umorder ng para sa aming pananghalian.








Continue...








---@spicelopez---

Ang Malibog Kong SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon