Witches who have secrets.
Linda's POV
We all have secrets in our life. May mga sekreto na maaari nating sabihin sa mga taong malapit sa ating buhay habang may ibang sekreto na hindi maaaring malaman ng ibang tao. I have a secret that I kept from everyone. I don't want my friends to know this secret that hunts me.
"Ate Linda, I want milk," saad ni Mika, ang inaalagaan ko. Kinuha ko ang gatas at iniabot ito.
"Be fast," tumango naman ito tsaka pinagpatuloy ang pagkain.
Naghanda na kami at inihatid ko siya sa school. I'm babysitting the daughter of Mrs. Lopez. Pagtapos ng klase ay aalagaan ko si Mika hanggang makauwi ang mga magulang niya sa gabi. She's the only daughter of Mr. and Mrs. Lopez kaya gusto nila na alagang-alaga ang anak.
"Anak, anong gusto mo kainin?" tanong ni mama habang nagpre-prepare ng pagkain. "Kahit ano lang po," sagot ko naman at kinuha ang aking bag.
Malungkot ako nitong tiningnan. "Aalis ka na agad," lumapit ako dito at niyakap. "Hindi na po muna. Sasabayan ko na kayong kumain."
"Nagdra-drama na naman ang aking asawa."
Si papa na hawak ang aking kapatid. Mukhang kakagising lang nito dahil magulo pa ang buhok. Tumawa kami ni mama sa sinabi ni papa at pinaupo ni papa ang aking kapatid. Inihain na ni mama yung pagkain at nagsiupo na kami. Habang kumakain ay masaya kaming nagkukwentuhan dahil may festival sa susunod na linggo at napagplanuhan naming daluhan ito.
Pagkatapos kumain ay tinulungan ko si mama na maghugas ng pinggan habang nanonood si papa at nakikipaglaro sa bunso namin. Nagkukwentuhan kami ni mama sa nangyari kahapon dahil unti-unti na nakakapagsalita ang kapatid ko kaya masaya kami.
Humikab ako. "Ma, matutulog lang ako saglit," ani ko pagkatapos naming maghugas. "Isama mo kapatid mo. Inaantok pa 'to," saad naman ni papa kaya kinuha ko 'to at natulog nga kami nito.
Naalimpungatan ako dahil sa usok. Kinuskos ko ang aking mata at tiningnan na nasusunog ang bahay namin. Gising na kapatid ko sa tabi at iyak nang iyak. Kinuha ko siya at lumabas ng kwarto. Natupok na ang ibang bahagi ng bahay namin kaya pinilit kong makababa kami.
"Mama!"
Tinatawag ko ito ngunit hindi ko siya makita. Pinuntahan ko ang kusina at nakita ko ang paa nito. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. Lumapit ako dito at nagulat sa aking nasaksihan. May mga saksak ito sa katawan at puno ng dugo ang kusina. Napaluhod ako na hindi maintindihan ang nagyayari. Niyakap ang walang buhay na ina at humagulhol ako.
Tiningnan ko ang kapatid at nakatingin lang ito sa'kin. Mas lalo akong napaiyak at pinuntahan ito. "Papa!" sigaw ko na nauubo sa usok at pinuntahan ito sa salas ngunit wala ito. Iniwan ko siya malapit sa pinto. Pinuntahan ko si papa sa kanilang kwarto at nakita ang walang buhay nitong katawan. Pinuntahan ko ito at pilit na ginigising kahit alam ko sa sarili na wala na ito.
Blanko at nanghihina akong bumaba. Tiningnan kung saan ko 'to iniwan pero wala na 'to. Umuubo ako habang lumalabas ng bahay at nakita ang may hawak sa kapatid ko. Tumakbo ako papunta sa kanila at pilit na binabawi ang kapatid. Nakipagbuno ako ngunit malakas ito kaya nasapak niya ko.
"Please don't hurt my sister," pagmamakaawa ko dito at pilit na kinukuha ang kapatid. Narinig kong umiyak ang aking kapatid kaya pinilit kong bumangon ngunit naglabas ito ng baril at naramdaman ko ang pagbaril nito sa'king balikat. Nanghihina na ako kaya nawalan ako ng malay.
Paggising ko ay nasa ospital ako. May mga pulis na nasa gilid ko at nakita nilang gising ako kaya lumapit sila. Tinanong nila ako kung anong nangyari kaya kinuwento ko ang mga nangyayari. Naiiyak ko itong kinuwento sa kanila. Hindi makapaniwala sa mga pangyayari kaya lalo akong umiyak. Pati ang aking kapatid ay kinuha.
Lumabas ang mga pulis at pinagpahinga ako. Nung gumaling ay pinuntahan ko ang aming bahay. Natupok na ito ng apoy kaya nakakapanlumo dahil sinabi sa'kin ng mga pulis na hindi nila nakuha ang bangkay ng aking mga magulang.
"Bakit nandito ang mamamatay tao na 'yan?" narinig kong bulong ng aming kapitbahay at nag-iwas ako ng tingin.
Bumalik ako sa ospital upang kunin ang aking mga gamit. Napalingon ako sa'king gilid at nakita ko ang aking mukha sa dyaryo.
"Sinunog ng dalagita ang kanilang bahay at hindi na makilala ang labi ng kanyang mga magulang. Nagpapagaling ang dalaga sa ospital at kinumpirma ng mga pulis na hindi nila ito maaaring kasuhan dahil wala pa sa tamang edad."
Nanlulumo ako sa aking nakita. Ako ang sinisisi nila sa pagkamatay ng aking magulang na wala naman akong kasalanan. Binasa ko pa ang dyaryo ngunit hindi ko nabasa kung nasaan ang aking kapatid.
Umiyak ako lalo, hindi dahil ako ang sinisisi nila kundi dahil may posibilidad na hindi ko na makita ang aking kapatid.
"Ate Linda, hurry up," ani alaga ko kaya lumabas ako upang puntahan ito.
Sumakay na ito sa sasakyan at pasakay na sana ako nung may nakita na may nakatingin sa'kin. Anino lamang ito na nagtatago sa di-kalayuang puno malapit sa bahay ng aking binabantayan.
"What do you want?" tanong ko ngunit hindi 'to gumagalaw. Maybe someone's playing prank with me.
"Who's that?"
"Wala 'yun," sagot ko.
Pinaandar ko ang sasakyan at nakitang may nakaharang sa daan. Pinitpitan ko ito ngunit nakatayo lang 'to.
"I'm scared,"
"Stay here," bumaba ako ng sasakyan at tinanong ito. "What are you doing? We're busy. Prank someone else." Tumayo lang ito saglit tsaka unti-unting naglakad paalis ng daan.
"Sister," mahinang sabi nito ngunit nung nilingon ko ay wala na 'to.
Please leave your comment and vote. Thank you for reading! :)
BINABASA MO ANG
The Mystery of a Wicked Witch
Mystery / ThrillerThe witch is looking for you. The witch is coming for you. People started to die, and they had only one suspect in mind, "the witch". Paano nila mahahanap ang witch? Isa nga ba 'tong witch na gaganti sa mga taga-Crestview? Are they cursed by the wi...