Chapter 2: Ears

9 3 0
                                    

Blind witch hears.


Inaayos ko ang mga dadalhin kong gamit pagpasok. Nilingon ko ang notebook at huminga ng malalim bago ito kinuha. Lumabas na ako ng bahay at nagsimulang maglakad papasok sa school. Tiningnan ko kung tama ba ang mga dala kong gamit dahil minsan ay makakalimutin ako sa mga dapat kong dalhin.

Tinignan ko ang daan at natatawa sa'king sarili sapagkat tinakbo ko ito pauwi ngunit malayo ang nilalakad ko araw-araw pagpapasok. Mukhang bumibilis talaga sa pagtakbo kapag tinatakasan ang mga masasamang demonyo. Lalo akong natawa sa aking nasabi sa isip kaya hindi ko napansin ang pagsasalita ng masamang demonyo.

"Looks like the witch is laughing," sinalubong ako ni Natalie kasama ang boyfriend at dalawa niyang kaibigan. "You witch! Bakit ka natatawa? Witches shouldn't laugh!" nanggagalaiting hinawakan ni Natalie ang buhok ko at dinala ako sa liblib na lugar.

Nagpupumiglas ako ngunit naramdaman kong sinuntok ako sa sikmura kaya unti-unti akong nanghina. Tinali nila ako sa may puno na napakahigpit at nagngisian sa isa't isa. "We'll let you rest here, witch. Don't worry, no one will hear you," sabi nito tska nilagyan ng busal ang aking mata. Narinig kong natatawa silang umalis at iniwan akong mag-isa.

Naluluha 'man dahil walang makita ay pinipilit kong tumakas ngunit mahigpit ang pagkakataling ginawa nila sa'kin. Hindi ko malaman kung ano ang nangyayari at bakit ito nangyayari sa isang tulad ko. Kasalanan bang gusto ko na matigil ang ginagawa nila sa'kin? Hindi ba maaaring gumanti sa mga nananakit sakin? Bakit ganon?

"Delia, explain it to us," hindi makapaniwalang pinasidahan ako ng tingin ni Chief Santiago. "Ipaliwanag mo sa'min ang nangyayari. Niloko mo ba kami, Delia? Did you do that because you think the witch will hear you and she will curse everyone who hurt you?" napahawak sa buhok si Chief at iniiwas ang tingin.

Muli akong niligon ni Chief at nagsalita. "Nag-alay ka ba kasi naniniwala kang kukunin ng mangkukulam si Mia at paparusahan ito para sa'yo?"

"Hindi po ako 'yun, Chief! Kilala niyo po ako, even if it's a chicken, I won't kill it," naluluhang pagpapaliwanag ko dahil kahit mismo si Chief ay hindi naniniwala na hindi ko gagawin 'yon. "I know what happened and its real," saad kong muli kay Chief.

I know what happened it's the truth. Hindi ako magkakamali sa nakikita ko dahil kahit ako mismo ay naniniwala sa maaaring magawa ng witch.

Narinig ko ang paghuni ng mga ibon at paggalaw ng damo ngunit wala akong makita. Nagsisimula na siguro ang klase. Umaasa na lang ako sa naririnig ko upang marinig ang huni ng ibon o kaluskos ng mga dahon. Nalungkot ako sa naisip ngunit nakaramdam ako na presenyang nakatingin lamang sa'kin. "Tulungan mo' ko," nagmamakaawa kong tawag rito. Ngunit ramdam kong nakatayo lamang ito.

Naisip ko ang nakatingin sa'kin kagabi. Alam kong hindi si Mia ang tumatawag o nakatingin sakin sapagkat kung si Mia 'yun ay umatake na agad siya. "Ikaw ba ang witch? Totoo ka ba?" kahit sagot ay walang maririnig sa'kanya.

"Papatayin mo rin ba ako? Bakit mo ba ginagawa sakin 'to?" Muling tanong ko ngunit wala pa rin maririnig na kahit ano sa'kanya.

"Ikaw ba ang gumawa nu'n kay Mia? Ikaw ba----" hindi ko natapos ang sasabihin ng nakaramdam na ang presensya ay nakatayo sa mismong harapan ko. Parang huminto ang lahat sa'kin, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman.

"Del."

Naramdaman kong unti-unting nawala ang malay ko at ang pagtanggal ng tali sa'kin.

Nagising ako na nakitang nasa ospital ako. "You're awake, Del," ani ng babaeng nasa tabi ko at nakita kong may kasama pa itong babae. "Hi Del! I'm Hana and this is Linda. We saved you," ngiti nito sakin at umayos sa pagkakaupo.

Kilala ko si Linda. She talks to me whenever she sees that I'm alone. Mabait siya ngunit hindi ko masyadong nilalapitan sapagkat aasarin siya kapag lumapit siya sa'kin. Hindi na kami nag-usap nung lumipat siya ng school last month.

"We found you in the woods. What are you doing there?"

Tiningnan ko lamang si Hana at Linda tsaka nilingon ang pinanggalingan ng boses lalaki na 'yun. Bruce and Oliver. Bruce is the varsity of our school and the ultimate playboy. While Oliver, he's my childhood friend. We drifted apart after what happened. Hindi na kami nag-uusap kahit naging magkapareho ang aming paaralan.

"Hey, chill! Kung makatanong kayo, dinaig niyo pa ang pulis," singhal ni Hana sa kanila.

"Magpupulis kami," gatong ni Bruce. Natawa naman kami sa sinabi ni Bruce habang nahihiyang ngumuso si Hana. Nilingon ko si Linda at nakita kong nakangiti ito sa'kin.

"Ginawa ba nila Natalie sa'yo 'yun?" mahinahong tanong ni Linda at tumango ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinimas ito. Naiiyak ko siyang tiningnan pagkatapos ay niyakap. This is what I need. A hug.

"Kahit kailan talaga ang Natalie na 'yon porket sikat siyang cheerleader. Napakasama talaga ng ugali nu'n, saan niya kaya kinukuha ang kasamaan niya? Maybe the witch possessed her," tumatawang saad ni Hana na natigil nung tiningnan siya ng masama ni Linda. "Sorry, Del. You're not the witch naman, di'ba?" sumama na rin ang tingin nila Bruce at Oliver kay Hana kaya sumenyas ito na mananahimik na lamang siya.

Nagkwentuhan lang kaming lima at ipinaliwanag ko sa kanila ang ginawa nila Natalie ngunit hindi ko sinabi ang mga nangyari kahapon. Dala na rin ng takot na baka hindi nila paniwalaan ang kwento ko. Patuloy lamang kami sa pagkukwentuhan ng makita namin ang pagmamadali ng mga nurse.

Biglang binuksan ang curtain ng katabi naming pasyente at nagsalita. "Naputol raw ang mga tenga ng dalawang estudyante sa Crestview. Mukhang binawian nang buhay," sabi ng katabi namin habang kumakain ng mani. Nagkatinginan kaming lima na para bang takot na takot sa nangyayari.

Please leave your comment and vote. Thank you for reading! :)

The Mystery of a Wicked WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon