Prologue

96 0 0
                                    

Iminulat ko ang mga mata ko. Malaking pagtataka ang bumalot sa isipan ko nang may marinig akong nagtatawanan. Nang tiningnan ko kung sino, nakahinga ako nang maluwag. Akala ko kasi kung sino na.


Nasa loob din ako ng isang umaandar na sasakyan. Hindi ko maaninag ang nasa labas ng bintana dahil sa dilim na bumabalot sa kapaligiran. Tanging ilaw lang ng sasakyan ang nagsisilbing liwanag sa dinadaanan namin. Bigla akong hinampas ng katabi ko.


"Hay nako, Era, KJ ka talaga! Minsan na nga lang tayong magkasama-sama para sa isang bakasyon, tulog ka pa sa biyahe. Ganun ba talaga kami kaboring ni Elito kasama at mas gugustuhin mo pang matulog kaysa makipagkwentuhan sa amin?" tanong niya.

 Hindi ko siya tiningnan bagkus ay inilipat ko ang tingin ko sa dinadaanan namin. Kinilabutan ako nang napagtanto ko na madilim ang tinatahak namin. May mali...alam kong meron.


"Nica! 'Wag mo nga akong idamay diyan sa pagiging boring mo! Ang super funny ko kaya tapos ang ganda ko pa. Talbog ka na, ang chaka mo kasi! Nilingon ko ang nagsalita... si Elito. Kung ordinaryong araw lang ito at wala akong nararamdamang kakaiba, hahagalpak rin ako ng tawa katulad ni Nica. Pero, may mali talaga. Hindi ko alam kung ano 'yun.


"Chaka ka diyan, paramihan na lang ng mga naging boyfriend ano?" sabi niya na siyang ikinataas ng kilay ni Elito.


"Huwag na, hindi mo naman kasi ako kasing landi! Kahit anong mangyari mas maganda pa rin ako sa'yo." Napailing na lang ako sa dalawa. Wala naman silang ibang mapag-awayan. Mula naman noon, iyan na ang pinagtatalunan nila.


Hindi ko alam kung ako lang ang nakaramdam ng pangingilabot nang may nakita akong dalawang kotseng nagbanggaan sa malayo. Halos mawasak ang kabuuan ng isang sasakyan at animo'y dahon ang mga nagliliparang parte ng nito.


Naramdaman ko ang panginginig ng aking katawan. Patuloy na nag-asaran ang dalawang kasama ko samantalang hindi ko inalis ang tingin ko sa mga sasakyang nagbanggaan. Kapag hindi namin ito inihinto, mababangga namin yung isang sasakyan. May mali talaga..


"O anong nangyayari sa iyo? Para kang nakakita ng multo." Nakakunot ang noong tanong ni Nica. Naaninag kong tumingin siya sa direksiyon kung saan ako nakatingin.


"Wala ka namang makikita diyan!Ang dilim, dilim kaya, Era!Ano ba kasing tinitingnan mo at mukhang takot na takot ka?"


Inilipat ko ang tingin ko sa kanya. Hindi niya nakita? Ang pinagtataka ko lang din ay kung bakit wala man lang reaksiyon si Elito. Siya kasi ang nagmamaneho at siya dapat ang unang nakakita sa pangyayari dahil nakatingin siya ng maigi sa daanan.


"May nagbanggaang dalawang sasakyan, hindi niyo ba nakita? Kailangan nating itigil 'to kasi mababangga natin yung wasak na sasakyan!" Nag-aalalang sigaw ko. Hindi ba talaga nila nakikita? Imposible naman iyon! Isa na naman ba itong pangitain o sadyang hindi lang nila nakikita?


"Era, nasobrahan ka na ata sa pagtulog eh! Sinasabi ko naman sa iyo eh, na bawas-bawasan din." Hindi! Kitang-kita ng mga mga mata ko. Alam kong totoo ang mga nakikita ko.


"Hindi! Kailangan natin itigil 'tong sasakyan! Mapapahamak tayo! Mababangga natin yung isang sirang kotse. Kaya Elito,itigil mo na!"

Bakit ba hindi nila ako maintindihan na kailangan namin itigil ang sasakyan?


"Nahihibang ka na ba? Nasa gitna tayo ng madilim na kalsada tsaka kung may nagbanggaan man ako dapat ang unang makakakita, girl! Ako ang inyong pretty driver. Esep, esep den! Tulog mo na lang ulit iyan." Naiiritang sagot ni Elito. Bakit ba ayaw nila akong paniwalaan?


"Era, baka naman sa weirdong panaginip mo lang may dalawang kotseng nagbanggaan?" Inilipat ko ang tingin ko sa harapan. Malapit na naming mabangga yung sasakyan. Kitang-kita ko na kung gaano ito kawasak!


"Elito! Itigil mo na sabi eh!"


"Girl, hindi tayo pwedeng tumigil dito!"


"Era, ano bang nangyayari sayo?"


Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong mababangga na talaga namin yung...lumang kotse?


"Elito! Itigil mo----." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sa takot. Itinakip ko ang nga kamay ko sa mga mata ko. Alam kong totoo ang nakita ko, may mababangga talaga kami!


"Era, ano ba? Itigil mo nga iyan! Ang creepy kaya! Nakakatakot yung sigaw mo ah!"reklamo ni Elito. Tuloy-tuloy lang siya sa pagmamaneho. Bakit wala akong nararamdaman impact? Bakit wala kaming nabangga? Imahinasyon ko na naman ba yung nakita ko?


"Okay ka lang ba? Malapit na tayo sa beach resort. Pupunta tayo doon para magsaya dahil sa wakas graduate na tayo ng highschool hindi para magtakutan tayo sa bagay na hindi naman talaga totoo," sabi ni Nica. 


Tama siya, siguro dapat kalimutan ko na lang yung nakita ko. Palagi naman din akong nananaginip ng banggaan na may isang babaeng umiiyak, may pagsabog at hindi ko na matandaan pang mga ingay. Iba yung nakita ko kanina dahil mas malinaw 'yun kaysa sa mga panaginip ko.


"Era, huwag mo nang isipin yung nakita mo okay? Chill lang tayo, hindi pa halloween!"


"Tama si Elito! Tsaka diba kung ano-ano naman talaga ang nakikita at napapanaginipan mo? Medyo malala nga lang ito kasi akala mo mababangga tayo." Tama sila. Ibabaon ko na lang sa limot. Isa lang iyon sa mga mga weirdong nakikita ko.


"Siguro nga yung naki--."


May sasabihin pa sana ako nang may bagong sasakyang sumulpot sa harapan namin. Nakaramdam ako ng isang pamilyar na pakiramdam na para bang matagal ko nang naramdaman.


Hindi namin naiwasan ang kotse dahil huli na ang lahat para iwasan ito. Bago bumangga ang kotseng sinasakyan namin, naramdaman kong may yumakap sa akin.

Reversing FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon