Waking Up

34 0 0
                                    

Puting kisame ang unang tumambad sa akin, nilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang mga puting dingding. Anong nangyari? Ang alam ko papunta kami sa beach resort sa Pampanga nina Elito at Nica. Bukod doon wala na akong maalala pa sa kung ano ang nangyari.


Nanghihina ang katawan ko na para bang nahimlay ako sa kamang ito sa matagal na panahon.


Iginalaw ko ang daliri at kamay ko. Para bang ang hirap ding pasunurin ng mga ito.


"Era? Philippe, tawagin mo yung doktor! Gising na ang kapatid mo!" Natatarantang sigaw ni mama. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko. Ano ba talaga kasing nangyari? Sila Nica at Elito? Bakit wala sila dito?


"Anak, akala namin hindi ka na gigising! Salamat sa Diyos!" Naiiyak niyang pahayag. Hindi ko siya maintindihan. Doktor, hindi makakagising?


"Anong ibig niyong sabihin ma? Ano bang nangyari?"magkasunod na tanong ko.


"Wala ka bang naalala sa nangyari?"tanong ni mama. Ang naalala ko lang nanaginip ulit ko ng isang malagim na banggaan habang bumabyahe tapos pagkagising ko sinabihan ako ni Nica na ang kj ko daw....wala na akong matandaan pa.


"Anak, naaksidente kayo. May nakabanggaan yung kotse niyo. Nacomatose ka ng isang taon! Akala nga ng mga doktor hindi ka na magigising eh."


Nabangga? Wala akong matandaang ganoon. Tsaka paano kami mababangga eh maingat namang magmaneho si Elito?


"Eh ma, nasaan sina Nica at Elito? Okay lang ba sila?" tanong ko. Biglang nag-iwas ng tingin si mama. Nasaan ba kasi sila?


"Anak, magpahinga ka muna. Bawal sa'yo ang mag-isip ng kung ano-ano."


"Pero ma.....," naputol ang sasabihin ko nang biglang pumasok ang doktor.


"May masakit pa ba sayo, Ms. Castro? Malala ang tinamo mo mula sa aksidente pero ikaw pa rin ang pinakamaswerte sa mga kaibigan mo." Maswerte? Bakit naman? Nasaan na ba kasi talaga sila.


"Nasaan na po ba sila?"


"Iha, kailangan pa naming siguraduhin na talagang magaling ka na kaya sa ngayon huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano. Makakasama sa iyo 'yan."


Bakit ba kasi ayaw nilang sabihin kung nasaan sila. Hindi naman makakasama sa akin kung malalaman ko kung anong nangyari sa kanila diba?


"Anak dadalawin na lang natin sila kapag gumaling ka na kaya sa ngayon tulungan mo muna ang sarili mong makarecover at magpahinga ka muna ha." Tama sila. Siguro kailangan ko munang magpahinga dahil hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako kung ano ba talaga ang nangyari. Wala na kasi akong ibang matandaan pa.


Bakit ba kasi wala na akong maalala pa?

*****


"Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng buwan?"


Reversing FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon