Familiarity

10 1 0
                                    

"Anak, kung may kailangan ka magsabi  ka lang ha."

Tumango ako sa sinabi ni Mama. Talagang todo asikaso siya sa akin ngayon.

"Opo, Mama." Hinawi niya ang buhok na nakatakip sa mukha ko tsaka nagpaalam.

Tiningnan ko ang kuwarto ko...namiss ko 'to. Ang tagal ko rin palang nagawa.

Teka...mula nang gumising ako hindi pa ako pinupuntahan nina Elito at Nica. Nakakapagtampo naman.

Hindi nagbago ang itsura ng kwarto ko. Halatang hindi ginalaw kasi alam nilang ayaw ko.

Biglang may kumatok.

"Anak, papasok si Mama ha."

"Opo, ma."

Pumasok si Mama na may dala-dalang mga prutas.

"Padala ng Tita Vienna mo, pagaling ka raw," nakangiting sabi ni Mama.

Buti pa si Tita Vienna naalala ako samantalang si Nica hindi man lang ako dinalaw.

Wala namang nabanggit sina Mama tungkol sa kanila kaya siguro wala namang masamang nangyari sa kanila.

"Mama, pwede po bang pumunta tayo kina Tita Vienna?"

Matagal ko na rin silang hindi nakikita.

"Sige,anak pero may pupuntahan muna tayo ha."

Saan naman kaya?

----------------------------

Nagtaka ako nang bumaba kami sa sementaryo.

"Dadalawin po ba natin si Ate Felicity?"

Umiling si Mama. Kung ganoon,sino?

Sumunod ako kay Mama sa paglalakad.

Napatigil ako nang tumigil siya sa paglalalakad.

Tumingin siya sa puntod na nasa harapan niya.

"Ikaw ang pinakamaswerte, dahil ikaw lang ang tanging nakaligtas," malungkot na sabi niya.

"Ano pong ibig sabihin niyo---." Natigilan ako nang mabasa ko kung sino ang nakalibing sa puntod na nasa harap namin.

Nica Ashley De Leon
October 6,1997-April 11,2015
A loving sister, daughter and friend

Hindi ko napigilang maiyak. Bakit ngayon ko lang nalaman.

"Ma,bakit ngayon niyo lang sinabi?"

Lumapit sa akin si Mama at niyakap ako.

"Anak,alam naming masakit ito para sa'yo kaya nahirapan kaming humanap ng tiyempo para sabihin sa'yo."

Kaya pala hindi niya ako dinalaw kahit minsan sa ospital.

Hindi ko talaga mapigilang maiyak. Napakasakit...hindi ko man lang nasabi sa kanya kung gaano ako kasayang naging kaibigan ko siya.

"Sa inyong tatlo,ikaw ang may pinakamalalang natamo pero ikaw lang ang nakaligtas."

Ako lang...

"Ma,si Elito?" tanong ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at umiling.

"Namatay siya limang araw pagkatapos mamatay ni Nica."

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.

Ganito yung pakiramdam na parang ngayon lang pumapasok sa utak mo ang mga totoong nangyari.

Banggaan...sigawan...wala na akong maalala pa.

"Ma,puntahan natin si Tita Olga,kailangan ko siyang makausap tungkol kay Elito."

Umiling si Mama. Bakit naman kaya?

"Ikaw ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Elito dahil ikaw lang ang tanging nabuhay," sabi ni Mama.

Mabait na tao si Tita Olga. Paanong sisihin niya ako sa pagkawala ni Elito.

"Nawala siya sa katinuan nang malaman niyang wala na si Elito."

Bakit nangyari 'to?

"Hindi,hindi,panaginip lang 'to! Ma! Sabihin niyo sa 'king panaginip lang 'to!"

Nag-aalala akong tiningnan ni Mama.

Hindi ko na alam kung dapat mabuhay pa ba ako.

Dapat siguro kasama na lang akong namatay nina Elito at Nica.

Tumakbo ako kahit na hindi ko alam kung saan akong pupunta.

Naririnig kong tinatawag ako ni Mama pero hindi ko siya nililingon.

Takbo lang ako nang takbo hanggang sa may narinig akong malakas na busina.

Napaupo ako dahil sa gulat.

"Tumitingin ka ba sa dinadaanan mo, Miss!? Peste naman oh, kung magpapakamatay ka,huwag kang mandadamay!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reversing FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon