"Couz kelan ba talaga kayo uuwi dito?"
Sa tuwing magkavideo call kami ng pinsan ko na si Dracielle Cruz ay iyan ang lagi niyang tanong saakin, kung kelan ba ako makakauwi ng probinsya namin sa Zamboanga.
Dracielle and Dreik Cruz are both siblings and my closest cousins slash partner in crimes
"Hindi ko alam couz, wala naman saakin ang desisyon pero baka next month or next next month? Summer?" walang kasiguraduhang sabi ko sakanya.
"Ano ba yan couz, parang limang taon mo na yan sinasabi saakin ah" natawa nalang ako sa sinabi niya. Well, totoo naman na limang taon ko na din sinasabi iyon at limang taon na din kaming hindi nakakauwi mag mula noong pumanaw ang aking tatay (lolo).
"Ikalma mo couz masyado mo naman pinapahalata na miss mo na ako, so ano na dzai kamusta kayo dyan?" pangangamusta ko sakanila. Ngumiwi naman siya at itinaas ang camera kaya naman nakikita ko kung sino ang nasa likod niya.
"Hii beh kamusta kayo? Nandyan mama mo?" masayang pangangamusta ni tita Von, ang mama ni Joy.
"Hi ta ok lang, wala si mama nasa manila siya ngayon."
"Ahh sige ikamusta mo nalang ako sa mama mo"
Napalingon ako sa pinto nang marinig kong may kumatok, si Auntie Celly pala. Sinenyasan niya akong bumaba kaya tumango ako at nag paalam na sa kausap ko. Tumayo ako sa inuupuan ko at niligpit muna ang mga materyales na ginamit ko sa pag pipiintura ng mga portraits. Matapos kong magligpit ay bumaba na ako at dumiretso sa dining table dahil nandoon si auntie celly at mga kasambahay namin.
"Auntie CellyYyyyYy! You're calling me?" pakanta kong tanong sakanya. Ngumiwi naman siya at umiling dahil sa kalokohan ko. Kumuha muna ako ng fries bago ko Hinila ang upuan at umupo sa tapat niya.
"Sino kausap mo kanina?" curious niyang tanong kaya sinabi ko na si Joy at tita Von ang kausap ko.
"Ahh, oh bakit daw?"
"Wala, nangangamusta lang tas tinatanong kung kelan daw kami uwi probinsya" kibit balikat kong sagot sa kanya kaya tumango nalang siya bilang sagot. Sabay kaming napalingon sa hagdan nang marinig namin ang yapak ng ama ko kaya tumayo ako at kinuha ang mga bagahe sa kwarto ko at dinala ito sa Van dahil uuwi kami ng Manila ngayon. Sa Manila kasi nagttrabaho ang ama ko at tuwing sabado lang kami nakakauwi dito sa bulacan kaya luluwas din kami agad kinabukasan pabalik ng Manila.
malapit na kami makarating sa manila kaya out of boredom nag scroll muna ako sa facebook hanggang sa makita ko ang post na nakatag ang pinsan ko na si Dreik Cruz, kapatid ni Dracielle na dalawang taon ang agwat sa isa't isa.
Sa post na naka tag si Dreik ay nakalagay ang mga larawan niya kasama ang mga kaybigan.
"taray nasa dagat, sana all." bulong ko sa sarili.
Isa-isa kong tinignan ang mga larawan, at bawat mukha ng mga kasama ng pinsan ko ay tinitignan ko ang itsura baka kase may makita akong gwapo, charizz. Swipe lang ako ng swipe nang may nakita akong picture ng lalaki at babae na parehong naka #23 jersey, pero magkaibang kulay ito at hindi pareho ng disenyo.
'Mag jowa kaya sila?'
Napailing naman ako dahil sa naisip ko, ang chismosa ko naman masyado. Sa sunod kong swipe lumabas naman ang solo picture ng lalaki na naka jersey, sa picture na ito meron naman siyang suot na sumbrero at naka side view ang mukha, izzoom ko na sana para makita ng malinaw ang mukha pero biglang nag salita sa dad kaya inoff kona ang phone ko.
YOU ARE READING
Love in Scenery
Short StoryAriella Kaye Mordele was born in Dipolog and later relocated to Manila when she was 4 years old, where she was raised. One day, her father let her go on a vacation in their province. Excitement and happiness are what she felt when she heard the news...