CHAPTER 2

4 1 0
                                    

"Kayee!!!" isang malakas na boses ng babae ang tumatawag saakin at kumakaway habang patalon talon pa.

"OMG titaaaa!!!" masaya kong tawag at dali daling hinila ang maleta ko papunta sakanya kung saan naka park ang trike na inarkila niya. siya si tita Jen my super kalog, open, and closest tita. dumaan muna kami sa hotel para mag check in na, btw kasama ko na umuwi dito sa probinsya si mama at ang 11 years old kong sister.

I went to the reception area para iask if ready na ang room namin

"for Ariella Mordele." nakangiti kong sabi at inabot ang passport ko.

"I'm sorry Ms. Ariella but your room is not yet ready, 12pm pa po ang check in nyo" paumanhin ng staff. I checked my phone to see the time and it's still 10am, masyado pala napaaga ang dating namin sa airport.

we still have 2 hours.... 

"it's ok, we'll just come back nalang." nakangiti kong sabi at babalik na sana sa labas to tell them na babalik nalang kami and kakain nalang muna, they agreed naman..

after eating in Jollibee we decided to go to my nanay's house muna and babalik nalang kami sa hotel ng gabi. medyo matagal din ang binyahe namin siguro mga isang oras din yon dahil yung hotel na pinag sstayan namin na malapit sa airport ay sa city pa.

while travelling ay nakikipag usap lang si mama kay tita pati nadin sa driver ng trike dahil kakilala rin nila ito, ako naman ay nakatingin lang sa mga dinadaanan namin at natutuwa dahil sa mga bagong nakikita ko kagaya nalang ng mga tricycle na matataas at naka slant kaya naman kapag bababa ay pahirapan dahil ang lalim ng pang upo dahil sa pagka slant neto, yung mga ukay ukay na tig 15 to 20 pesos lang na hindi gaya sa maynila na isang daan pataas

pati na rin ang mga dagat na ang gaganda lalo na siguro kapag sunset ay kitang kita ito, ang kaso lang wala ako nakikitang mga stoplight dito, bukod sa mga iyon ay puro mga puno din ang nakikita ko at matataas na mga bundok.

matapos ang ilang oras na biyahe ay huminto na ang  tricycle at bumaba na si tita Jen kaya ganun na din ang ginawa namin, isa isa naming binaba ang mga maleta namin at pumasok sa isang maliit na gate na hanggang dibdib ko lang na gawa lang sa kahoy, malawak ang lote dito at may dalawang bahay na maliit lang the rest ay puro damo at mga puno lang. pagka pasok ng gate ay maliit na outdoor dining area agad ang bumungad, may partition wall ito na gawa sa simento lang yun naman ay ang lutuan. lumabas naman dito ang mga pinsan kong maliliit pa.

"ate Kayeng!! mama Marie!!" masayang tawag saamin ni kim na anak ni tita Jen, lumapit siya saakin kasama ang bunso niyang kapatid at tumatalong yumakap saakin at kay mama. 

"nanay sina ate Kayeng tyaka mama Marie nandito na!" tawag niya sa lola namin habang tumatalon papunta sa naka bukas na pinto ng bahay ni nanay.

lumabas na si nanay at nakangiti kaming sinalubong, mabilis ako lumapit sakanya at nag mano

"laki mo na ah" nakangiti niyang sabi at pinat ang ulo ko kaya nginitian ko nalang siya.

dinala ko ang maleta ko sa kainan at sinabihan ang mga bata na meron ako dalang mga damit na pasalubong pero inexplain ko sakanila na puro pang babae lang dala ko at bibilhan ko nalang yung dalawa ko pang pinsan na lalaki na kapatid ni Dracielle at Dreik. hindi ko pa nakikita si Dracielle at Dreik at wala akong idea kung nasaan ang dalawang iyon.

speaking of...

Nakita kona si Dracielle papunta dito saamin. nagkatitigan lang kaming dalawa habang naka taas ang kilay namin, tinarayan ko siya at ganun din siya saakin. binaling ko nalang ang tingin ko sa mga pinsan ko na naghahanap ng mga damit na kakasya sakanila. 

Dracielle is my closest cousin and it's been 5 or 6 years since we last saw each other in personal and I just didn't expect na magiging ganito ang reaksyon naming dalawa ngayong nagkita na kami, napangiti at natawa nalang ako.

kinuha ko yung pink na pang gym na binili ko at lumapit sakanya. I gently tossed in to her na agad naman niyang sinalo at nag pasalamat.

"asan si Dreik tyaka tita Von" pag tatanong ko sakanya

"nasa bayan si Dreik may trabaho tas si mama may binili lang" nagulat naman ako sa sinabi niyang may trabaho na si Dreik

"trabaho? anong trabaho?"

"oo para sa school niya, summer job sa agriculture ata" napatango nalang ako sa sinabi niya 

nandito kami sa kainan at nag uusap usap lang, kinalabit ko si tita Jen at tinanong if may bola sila ng volleyball sumagot naman si tita ng meron at nasa bayan hiniram daw ng kaybigan niya na nasa munisipyo.

"puntahan nalang natin ngayon kunin natin" naexcite naman ako sa sinabi niya dahil makikita ko kung ano itsura ng bayan.

"oh saan kayo pupunta?" nakataas kilay na tanong ni mama. hindi ko siya pinansin kaya sinagot nalang siya ni tita Jen kaya tumango nalang din si mama.

kasama ko ngayong nag lalakad si Tita Jen, Dracielle, at ang panganay ni tita na si Mae na 14 years old palang.

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko dahil bukod sa madami kaming bahay na nadadaanan  ay kada liko namin ay may mga tao naman na tinatanong kung sino ako kaya sinasagot din naman ito ni tita kase hindi ko din naman kilala ang mga iyon.

the good thing is nakaka intindi ako ng bisaya at hindi na ako mag tatanong tanong pa sakanila kung ano pinag sasabi nila.

Love in SceneryWhere stories live. Discover now