CHAPTER 2
Nagising ako ng maaga para pumunta sa birthday event ko. 10 am start non e. Advance na kami sa pagcecelebrate kasi alam ng fans namin na personal dapat kapag exact day ng birthday namin. Dumiretso ako sa kusina para magbreakfast pero nakita ko na may nakahanda sa lamesa.
'Alam naming ayaw mo magcelebrate. Pero sa ganito man lang na way maramdaman mo na malapit na ang birthday mo. Mahal ka namin' - Kyungsoo
Nilapag ko yung note at umupo. My mouth formed a little curve. May mga nagmamahal pa pala sa akin. Nag-ayos na ako at umalis. Di ko na ginising mga members alam kong pagod sila kaya hinayaan ko na muna .
"Manager-nim, after ng event pwede bang…."
"Oo naman, Chanyeol. Alam ko naman na gusto mo siyang bisitahin kapag may time ka eh" Tumango nalang ako at tumingin diretso.
Nakarating kami sa birthday event. May mga EXO-Ls pa na nasa labas hindi siguro sila nakapasok may capacity of 500 people lang. Dumaan kami sa gitna at nagsimula silang magsigawan tas nagsilabasan ng mga cellphones tas mga bazooka nila.
Nang makapasok ako sa loob grineet ako ng mga fansite noonas, naggreet din ako pabalik. Umupo na ako sa respective seat na nakalaan para sakin.
Pinagmasdan ko ang place. Ang ganda. They've put a lot of effort para lang sa akin. Dapat maging happy din ako, like I used to be. Happy virus. EXO's voice & teeth. Reaction king.
Nagstart ang event. Fans started to be excited. Nagbigay na sila ng messages at punung-puno na ng regalo yung gift area.
Then may video na nagpop sa big screen.
"Zhù nǐ shēngrì kuàilè Chanyeol wǒmen xīwàng nǐ de zuì hǎo de. Cóng ài CH"
"Chanyeol Joyeux anniversaire nous vous souhaitons le meilleur. Love from France"
"Happy birthday Chanyeol kami berharap yang terbaik . Cinta dari Indonesia"
"Happībāsudē Chanyeol watashitachi wa anata ni saikō no o negatte imasu. Nihon kara no ai"
"Maligayang kaarawan, Chanyeol! Sana maging masaya ka lagi. Mahal ka namin. Philippines!"
"Saeng-il Chanyeol ulineun dangsin-ege choeseon-eul giwonhabnida. Hangug salang"
"Happy birthday, Chanyeol! We wish you all the best of luck. We love you! USA"
Nagsilabasan ang mga video at pictures ng EXO sa screen. Mga pinagsamahan namin. Nung dose pa kami pinakita rin nila. I am very thankful. Jinja kkeuma seumnida.
I stand up at pumunta sa harap to give my speech. "First of all, thank you for all coming here. Even though you can't all go and some are waiting outside. Thank you. Being with you all today made me so happy. I hope we can do this again next year? Ne? Kamsahamnida! Saranghae~"
Pagkatapos na event, hinayaan na ako ni Manager-nim na magdrive nalang mag-isa. Dumiretso ako sa simbahan. Pumasok ako sa loob at nilabas ang picture mo.
I can't help but to remember what happened one year ago. Of all the days in a year, sa birthday ko pa talaga. Wae?
"Sohee-yah. It's been a long time. It's time to come back now, please….please come back. I can't endure it anymore"
Hindi ko kinaya ang namumuong luha sa mga mata habang nakatitig sa picture mo at sa loob ng simbahan. Tinago ko ang picture mo at naglakad palabas.
Nakatitig lang ako sa baba kasi baka di ko kayanin at umiyak ako dito. Sa sobrang pagmamadali ko, may nabunggo ako. Nagbow ako sa kanya at magsosorry na sana ako pero….
"So…Sohee" Nanlamig ako bigla sa nakita ako….is this some kind of miracle?
Sa sobrang overwhelmed ko. Niyakap agad kita. Umaasa ako na ikaw tong yakap ko. Sa hindi ko inaasahan, you pushed me. Di mo ko niyakap pabalik.
Halata sa mukha mo na nagulat ka sa ginawa ko. Nagbow ka nalang at dumiretso sa loob ng simbahan. Nagdrive ako pabalik ng dorm na tulala. Emotionless.
"Hyung, anong nangyari?" Nakatingin pa rin ako sa kawalan kahit na kinakausap ako ni Sehun.
Nakaupo ako sa sofa at nakapaligid sakin ang members. "Sohee" bigla naman silang tumingin sakin. "Nakita ko siya"
ㅡ
so, chanyeol x you to ha. iimagine mo na ikaw yung babae. pls bare with me pala kung may error man or such. ok? ok. all things are fictional. everything can happen ;)