Zachary“Zachary, sweetie! It's time for our lunch!” Mula sa aking silid ay rinig na rinig ko ang sigaw ni papa. Kaagad naman akong bumangon mula sa aking kama at hinayaan nalang doon ang mga laruan ko 'saka mabilis na nagtungo sa pinto.
It's already 11:30 am, papa doesn't want us to eat breakfast and lunch late, gusto niyang nasa tamang oras ang pagkain namin ng mga kapatid ko.
Nagtungo ako sa kitchen kung saan ko sila naabutan, papa is already preparing our food. My ate Yvonne is just sitting while watching something on her phone, kuya Calix is busy with his books and kuya Aamon is helping papa.
They're seven years older than me. I'm already 5 years old and they're already 12 years old.
“Good morning, pa.” Napatingin naman sa akin si papa, kaagad siyang napangiti kaya lumapit ako sa kan'ya at humalik sa kan'yang pisngi.
“Oh, good morning my baby Zach!” Masayang aniya at ginulo ang buhok ko. Mahina naman akong napatawa.
“I miss you pa.”
“I miss you too my baby,” pinisil niya ang pisngi ko. “Hindi ko na makalaro ang mga kapatid mo, they're already big, ayaw na nila sa mga pambata.” Pagsusumbong niya. Napangiti naman ako lalo at muling humalik sa pisngi niya.
“I'm just here pa, don't mind them, i can play with you all day.” Being the youngest child is not easy, hindi ako makasabay sa mga kapatid ko pero nage–enjoy din ako dahil sobrang close ko si papa.
“How about me? Where's my kiss?” Napatingin naman ako kay kuya Aamon na inilalapag ang tinimplahan niyang gatas.
Ngumiti naman ako at nagpabuhat sa kan'ya. I'm still small, kinailangan pa ni papa na yumuko upang maabot ako.
Binuhat naman niya ako kaya malaya kong nahalikan ang pisngi niya. He's so sweet, paborito din niya ako. I mean, sweet din ang dalawa ko pang kapatid pero si kuya Aamon ang mas kasundo ko sa lahat ng bagay.
“Oh, it's so sweet, one more!” Natawa naman ako 'saka muli siyang kiniss. Ang turo ni daddy Jaxon ay ikiss ang mga taong mahal mo, kaya din siguro hilig niyang ikiss si papa Ethan dahil mahal na mahal niya ito
Even 12 years old lang si Kuya ay sobrang tangkad niya pa rin, medyo malaki din ang katawan niya pero hindi iyong chubby o mataba.
“Wait, nasaan ang daddy niyo? Calix, sweetie, I told you na tawagin na siya sa office niya right?” Baling nito kay kuya Calix. Inilapag naman nito ang librong hawak 'saka tumingin kay papa.
“I already called him, da, he told me na bababa na din daw po siya.” Sagot niya. Napakunot naman ang noo ni papa.
“Hm, hintayin nalang natin ang daddy niyo. Kahit kailan talaga ay ang bagal niyang kumilos!” Reklamo niya saka naupo. Tumabi din ako kay ate Yvonne na itinabi na sa gilid ang phone niya.
She's so beautiful, to be honest. Alam ko din na hindi sila galing kay papa Ethan, hindi sila galing sa pinagmulan ko pero kadugo ko pa rin sila dahil tunay na anak sila ni daddy Jaxon sa naunang asawa nito.
Maybe i'm too young for this kind of situation but i understand everything. In-explain na sa'kin ni papa ang lahat noong minsan kong makita sa news si daddy at 'yong isang babae na sabi niya ay mommy nila ate Yvonne at kuya Calix.
“Are you okay bunso?” Nabalik naman ako sa realidad noong magsalita si ate Yvonne. Ngumiti naman ako at kaagad na tumango.
“Ah, opo, i'm fine ate.”
BINABASA MO ANG
Vengeance Of The Eclipse
RomansZachary Aloisse Velasquez, the son of Ethan and Jaxon Velazquez is engaged with his bestfriend, William Xero Harrison. For almost 18 years of being bestfriends, what will gonna happen if their happy friendship turns into ashes and the worst thing is...