Belle Mia Beatrice Sanchez POV
Ng makarating ako dito sa bahay ng anak ni lola agad akong nagpahinga dahil pagod talaga ako.
" Belle Kumain ka muna. " aya niya sakin
" Sige lang loraine." Tumango ako sakanya
" Anong balak mo dyan sa bata? " tanong niya sakin. Saka umupo sa tabi ko
" Aalagaan ko. " sagot ko
" Wala ka ' bang balak ipaalam sa ama niya? " tanong niya na kunot ang noo
" Hindi naman ako ganon ka selfish. Syempre deserve niya makilala yung ama niya no. " sagot ko
" ihh nilayo mo nga yang sanggol sa ama niya ih. " tinuro niya yung tyan ko
" Pag-uwi ko sa pinas, ipapakilala ko to. " scarisado kung sagot
" Hyst bahala ka. Tutulong nalang ako sayo alagaan yang bata sa tyan mo. " ani niya saka hinaplos yung likod ko
" Thank you. " niyakap ko siya
" Sige na you need to rest. " ani niya. Tumayo ako saka pumunta sa kwarto inayos ko din yung gamit ko humiga nako sa kama
" Nagugutom na'ko. " pumunta ako sa kusina binuksan ko yung ref may luto ng pagkain sa kaya yun nalang kinain ko. Wala akong magawa tayo higa lakad
Tumunog yung phone ko kaya tinignan ko yun
From loraine :
Belle Andito ako sa labas mag bihis ka mamimili tayo ng gamit ng baby girl mo.
To loraine ;
Okay wait lang mag hintay ka dyan.
Agad akong pumunta sa kwarto para mag bihis naka legins ako na black saka t-shirt na medyo mahaba flat shoes din.
" Loraine, ay wow may sariling kotse. " natatawa kung ani
" Ganto kapag hindi landi inuuna. " mataray niyang sabi
" Tsk trabaho din naman inuna ko , masyado lang malandi yung boss ko kaya ayun na fall ako." Pag tatanggol ko sa sarili ko
" Pasok na kung ayaw mong iwan kita." Ani niya ,umirap muna ako sa hangin saka pumasok sa loob ng kotse
Tahimik lang yung byahe namin hanggang marating namin yung malaking mall
" Ang ganda naman nito. " bahagya kung tinaas yung damit na pang baby ang cute siya kulay pink
Bumili kami ng lagayan ng gatas ng baby ko saka stroller na pink. Madami kaming binili puro gamit ni baby lang saka mga frutas yung mga dapat ko kainin binili din niya.
" Hystt nakakapagod." Anas ni loraine saka umupo sa sofa
" Loraine thank you." Pagpapasalamat ko sakanya
" Ano ipapangalan mo dyan sa baby girl mo ? " tanong niya
" Pag iisipan ko pa." Sagot ko saka nag patulong ayusin yung gamit ng baby namin
"Ano kaya ipapangalan ko sayo nak? " hinawakan ko yung tyan ko
" Ahm.. Kyla Louise. " i held my chin while raised my head
" kyla Louise, yun nalang." Bahagya akong pumalakpak saka kinuha yung phone ko, nag scroll ako sa ig nakita kung may nag message sakin.
Frederk Lewis :
Mia can you tell me where are you? Nag alala na sayo yung kaibigan ko.
Frederik is typing....
Please.
Sineen kona lang yun saka nag scroll nakita ko yung post ni sir Clark na nag iinom kasama si chasin
" Pasensya na nak kung isisilang kitang walang ama. " mahinahon kung sabi
" Belle inumin mo tong gatas. " napa tingin ako sa pintuan andoon si loraine may dalang gatas
" Wala ka pa bang boyfriend? " tanong ko saka kinuha yung gatas
" Ano namang tanong yan uh. " salubong na kilay sabi niya
" Siyempre ilang taon kana dito sa us wala ka pading tipo. " ani ko saka
umiling" Kasalanan ko ba kung walang nanliligaw. " mataray niyang tuliran
" Bakit kase hindi ka kumuha sakin? Hindi naman ako selfish marunong din ako mag share. " ngumisi ako sakanya
" Ng? " tanong niya
" Ganda tsk. " umirap ako sa umiling
" Wala akong pake sa ganda mo. " nag pa cross siya ng braso
" Palibhasa yang ganda mo talampakan ko lang. " pang aasar ko
" Aba ikaw. " aakmaan niya ako ng ituro ko yung tyan ko
" Sige magagit si baby. " ani ko
" Hyst nako! Belle kung hindi ka lang buntis! "Anas niya tumawa lang ako dahil sa mukha niya
" Mamimiss ko yan. " kaninang inis na tono napalitan ng lungkot
" ano kaba hindi panga lumalabas ih. " natatawa kung sabi
" siya sige matulog kana. Akina yang baso, good night. " ani niya saka pinatay yung ilaw
BINABASA MO ANG
𝗠𝗬 𝗠𝗔𝗜𝗗
Romancethe female maid is always her boss's enemy, what if one day they don't realize that One of them will like them. they can accept. can they accept love despite being enemies.