1

10 2 1
                                    

Ria.

"Iscareo Yulian! Anak ka talaga ng mga unggoy na hinayupak ka! Nasaan na ang tinago kong strawberry dito?!" dumagundong ang sigaw ko sa buong bahay habang hinahanap ang nawawalang paborito kong pagkain.

"Kapag nakita kita! Ipapalamon talaga kita sa lupa!" inis akong napapadyak dahil hindi ko talaga nakita ang isang bag ng strawberry na tinago ko sa itaas ng kabinet namin dito sa kusina.

Unggoy talaga ang hinayupak!

"Tia, hinaan mo ang boses mo, baka marinig ka ng kapitbahay natin," nilingon ko si Inang na papasok sa kusina na galing sa labas, may hawak pa itong basket ng kamote at petchay.

"Nang, naman ih! Ang layo ng kapitbahay natin! Matatawag pa ba silang kapitbahay dahil parang mga kulisap na lamang ang laki ng bahay nila sa sobrang layo," inis na inis ako dahil sa strawberry'ing tinangay ng isang unggoy.

Huminga ako ng malalim.

"Nasaan po si Ian?" kalmado at mahina kong tanong kay Inang.

"Nandito ako, Tia, ba't mo ako hinahanap?" kumibot ang labi ko sa sagot ni Inang.

"Nang, sabi ko po si Ian hindi ikaw, Inang." mahinahon kong sabi sa kanya.

"Ha? Ano?" tanong ni Inang.

"Inang, bingi ka na po talaga," napahilot ako ng sentido.

"Hindi ah, nakikita pa nga kita," napakunot noo ako sa sagot ni Inang.

"Sabi ko ho, bingi po kayo," sabi ko na medyo nilakasan ko ang aking tinig.

"Ano?" tanong niya ulit.

"Bingi ka po kako!" malakas na sabi ko sa kanya at dahil naubos na rin ang pasensya ko.

Mahaba talaga ang pasensya ko, naubos lang sa Iscareong hampas lupa na 'yon.

"Aba! Ba't sumisigaw, Tia! Hindi ako bingi! Hali ka rito na ika'y aking masapak," gigil na sabi ni Inang. Nirolyohan ko lamang ito ng aking mata.

"Alis na ako, nang, hahanapin ko pa si Iscareo Yulian na isang putangina," saad ko kay Inang at kumaway.

"Anong sabi mo, Tia?" rinig kong sigaw ni Inang ng makalabas ako sa bahay.

Now. Where am I gonna find that monkey.

Sumipol ako upang tawagin si Wei.

Nakarinig ako ng tahol mula sa aking botany.

Nakita ko si Wei na patungo sa akin habang sakay nito si Charm. Umikot ito sa akin ng makarating ito sa kinatatayuan ko.

Kinuha ko si Charm sa likod niya.

Si Wei isang cute na aso at si Charm na isang cute na pusa.

I played with Wei's fur until he rolled onto the ground wanting me to scratch his stomach.

"Wei, lead me to Ian." tumahol si Wei at inumpisahang singhutin ang lupa habang si Charm naman ay tulog sa aking bisig.

Tumungo si Wei sa likod ng aking botany. He leaped through the short fence and sinunod ko siya.

May gate naman pero mahilig talagang tumalon ang asong to, kala niya naman ang gaan ng katawan niya.

Tumungo kami sa gubat. Tsk. Naga-akrobatiks na naman ang unggoy na 'yon.

Napakalawak ng gubat, saan naman kaya nagsusuot ang unggoy na 'yon.

It might be wide but we know its route. We've been here since we opened our eyes.

Malayo na kami sa bukana ng gubat ngunit hindi pa rin namin mahanap si Yulian.

Baka sumama na 'yon sa mga kalahi niyang unggoy.

The Dawning of CosmosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon