Chapter One

76 3 2
                                    

"Hey, bakit 'Jaydee' ang ipapalagay mo?"

"Sino si 'Jaydee'?"

Magkasabay at nagtatakang tanong kay Janella ng mga kaibigan niya na si Dabby at si Reyna. Kasalukuyan silang nasa loob ng kwarto habang nagkucustomize ng mga lumang t-shirts nila.

Bonding na din nila iyon dahil magkakalayo na ang mga university na pinapasukan nila kaya naman kapag mayroong pagkakataon talaga ay ginagawan nila ng paraan upang magkasama-sama.

"luh! May boyfriend ka na ba Janella? Ang bata mo pa ah! 17 ka pa lang!" paninita sa kanya ni Reyna.

"Wala ah, de pinatay ako nila kuya" natatawang sagot niya sa mga ito. Mayroon kasi siyang limang kuya at bunso pa naman siya sa magkakapatid kaya naman sobrang over protective ng pamilya niya sa kanya. Siya ata ang most awaited girl sa pamilya.

"Pinahabang version yan ng initials ko. 'J' tsaka 'D'" pagpapaliwanag niya sa mga ito. Janella Delilah Telozo kasi ang buong pangalan niya. Hindi naman niya gustong ilagay ang 'Janella' baka kasi mamaya tawag tawagin siya ng kung sino sino, kung 'JD' lang naman sobrang ikli kaya naman ginawan na lang niya ng paraan.

" 'di nga?" Nakakalokong balik sa kanya ni Reyna habang inaasikaso yung pangalan na pinalagay niya.

"Kayo talaga guys! Parang may itatago ako sa inyo" defensive na sagot niya sa mga nakakalokokong tingin ng mga ito.

"Nako, malay ba namin? Hindi ka naman namin nakikita araw araw" paingos naman na balik sa kanya ni Dabby.

"Eto talagang Dabiana namin oh, payakap nga!" natatawang sabi niya dito.

Nawala na sa kanya ang topic ng usapan at lumipat na kay Dabiana at ang pagiging matampuhin nito. Sobrang matampuhin ai Dabby, siguro isang factor na ang pagiging bully victim nito noon.

Medyo chubby kasi si Dabby kaya naman napagtritripan ito noon buti na nga lang ay palaban na ito ngayon. Isa pa, hindi nakabawas ang baby fats sa kagandahan nito.

"Kids, anong pinag-uusapan ninyo diyan?" Sabay sabay pa silang napalingon sa nagsalita. Ang mama pala niya at mukhang paalis ito.

"Oh, mama. 'Di ba wala kang lakad ngayon?" Nagtatakang tanong niya dito.

"Yun na nga ang sasabihin ko sayo ngayon. Nagkaroon ng biglang trabaho eh. Imimeet ko lang yung client. Pinagluto ko na kayo dyan, iinit ninyo nalang, " Sagot naman nito sa kanya tsaka umalis pagkatapos magpaalam.

"Mukhang busy mga tao sa inyo ah" komento ni Reyna, paano naman kasi, wala siyang kasama ngayon sa bahay nila.
Nasa isang seminar ang papa niya, samatalang ang kambal naman niyang kuya na si Jinrei at Jiran ay nasa isang bakasyon grande, ang isa pa niyang nakakatandang kapatid na si Onyx ay nag-aayos ng papeles nito at kung magkakaroon ng deal ang kanyang ina sa client nito ay baka mawala pa ito ng halos isang linggo.

Isang event organizer kasi ang kanyang ina at ang current client niya ay naka-base sa tagaytay kaya naman kung sakasakali ay maiiwan siyang mag-isa sa bahay sa loob ng mahabang panahon.

Hindi naman niya gustong bulabugin pa ang dalawang panganay nila na si Cyclone at Thunder. Paniguradong abala din ang dalawa sa kanya kanyang trabaho at isa pa, sigurado siyang paghihigpitan lamang siya ng dalawa , kaya nanaman niya ang sarili.

"Wala eh, ako nalang ang 'di tapos ng pag-aaral kaya naman ako nalang ang may summer vacation" nakangising wika ko sa kanila habang pinaplantsa ko ang sticker sa white t-shirt ko.

"oo nga, ikaw nalang din ang walang pera kapag summer" nang-aasar na sagot sa kanya ni Reyna. Palibhasa kasi may kumikitang kabuhayan ito sa online shop nito.

I've Got Trouble's Name on My ShirtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon