Prologue
Gulong gulo na si Janella sa mga nangyayari. Kanina lamang ay hawak hawak siya ng isang grupo na hindi niya maintindihan kung ano at ngayon ay itinatakas naman siya ng mga kalalakihan na hindi niya kilala. Ang sigurado lamang siya ay kapitbahay niya ang isa sa mga ito.
"Leaf, make sure na walang nakasunod saatin" narinig niya na pagbibigay utos ng isa sa nagmamaneho ng sasakyan nila.
"Aye aye captain!" pilyong sagot naman ni Leaf. Habang siya ay takot na takot, mukhang nagkakatuwaan naman ang mga lalaki na nagrescue sa kanya. Lima sila lahat lahat na lulan ng van na humaharurot upang itakas siya samantalang dalawa lamang silang walang bahid ng ngisi ang mga mukha. Siya at ang kapitbahay niya na lalaki. Napag-alaman niya na Jaydee ang pangalan nito.
Nahuhulaan na din niya na mukhang mayroong koneksyon ito at ang pangalan na pinalagay niya sa likod ng t-shirt niya. Kasi naman. Bakit nga ba naisipan niyang ipalagay ang 'Jaydee' sa damit niya? Samantalang Janella naman ang pangalan niya.
"Miss," untag sa kanya ng lalaking katabi niya. Kahit na madalim ay naaninag niya ang mukha nito na napakaganda. Kung hindi nga lang sa pangangatawan nito ay mapapagkakamalan niya itong babae.
"Huwag ka nang matakot, dadalin ka namin sa safe na lugar" nakangiting sabi nito sa kanya.
Doon niya namalayan na kanina pa pala siya nanginginig. Wala namang makakasisi sa kanya. Isang buong araw pa lamang ang nakakalipas ay napakadami nang nangyari sa kanya. Himala nga't buhay pa siya ngayon.
"teka, sino ba talaga kayo? Tsaka ano ba kinalaman ko sa gulo na ito? " tanong niya sa mga taong kasama niya nang makaipon siya ng sapat na lakas na loob. Baka mamaya nasa masamang kamay nanaman siya.
"Miss, Hindi kami masamang tao. Well, siguro masama pero lesser evil kami. Anyway ako nga pala si Fire, yung driver si Alcheon, yung nasa front seat ay si Jean at iyang katabi mo..
siya si Jaydee....
and he's a TROUBLE"
BINABASA MO ANG
I've Got Trouble's Name on My Shirt
Ficção AdolescenteNasabit sa isang malaking gulo si Janella sa isang gulo dahil sa isang pangalan na ipinalagay niya sa kanyang T-shirt.