"Yung totoo? Paniniwalaan ba natin yan?" Naiiritang sabi ni Vince sa mga nakalatag na litrato sa harap nilang magkakaibigan.
Kasalukuyan silang nagplaplano ng isang paghihigant kay Leaf Villacorta. Dahil mukhang mayroong nagtatago sa tao na iyon balak nilang isa isahin ang mga kaibigan nito. Tamang tama naman at galing ito sa isang grupo na nakaaway nila noon.
Malinis lumaro ang grupo nila at hindi nila ugaling mangdamay ng iba kaso malaki ang atraso ng taong iyon sa buong grupo nila lalong lalo na sa kapatid niya. Kilalang playboy ang lalaking iyon ngunit nakita niya kung paano nito mahalin ang kapatid niyang si Valerie. Katunayan nga ay tumagal ng halos tatlong taon ang naging relasyon nh dalawa kaya naman nagulat ang lahat ng walang sabi sabi na iwanan nito ang babae.
Sa totoo lang, matagal na ang hiwalayan na nangyari at naupakan na nila ang lalaki sa pagkikipaghiwalay nito kay Valerie pero ang 'di nila matanggap ay ginamit din pala ng lalaki ang kanyang kapatid upang magkakuha ng mga sikreto ng ilang dirty works ng mga kaibigan niya.
Hanggang ngayon, iyak pa din ng iyak ang kapatid niya; hindi lamang dahil sa wasak nitong puso kundi dahil sa guilt na dinadala nito ngayon. Karamihan kasi sa mga nakuhang impormasyon ng walanghiyang lalaki na iyon ay nagbigay daan upang mabulilyaso ang maraming deal ng isa sa mga kaibgan nila at pinakamaimpluwensya sa kanila na si Darius Schirvosy.
"Well, we can risk it." Nakangiting sagot sa kanya ni Darius. Para sa karamihan mukhang oversized na baby ang lalaki na ito pero napakalayo nito mula sa pagiging baby. "Kung maling tao man ang makukuha natin, nonetheless pupunta sila dito pero kung 'di sila pupunta I guess dagdag kasalanan iyon sa kanila" pagpapatuloy nito pa nito
Napakaruthless nito sa mga kaaway nito. Malakas, matalino at tuso ang lalaki kaya naman itinuturing niyang maswerte ang sarili dahil hindi siya napabilang sa mga taong kaaway nito. Sabagay, ano bang aasahan sa isang anak at tagapagmana ng isang mafia boss?
"Mga pare, connect the dots lang. Nasa kabilang ibayo ng mundo ngayon si Annica at si Jaydee, nakita malapit sa bahay ng babaeng yan. Hindi pa ba sapat yon?" Paggigiit naman ng isa nilang kasamahan na si Uno Montemerres na siyang nakaani ng masamang tingin mula sa kakambal nito na si Zero Montemerres.
"Okay! Okay! Alam ko na ang sasabihin mo. Hindi ganoon kasimple yon. Hindi tayo sigurado at wala sa prinsipyo mo ang mangdamay ng inosente but then, Zero, we're losing time. Right Darius?" depensa ni Uno sa masamang tingin ng kapatid.
Ang kambal na Montemerres ang tinuturing na strategist ng grupo. Matalino ang mga ito at iyon lang siguro ang same ground ng kambal maliban sa itsura ng mga ito. Malayong malayo ang ugali ng mga ito sa isa't isa. Happy go lucky si Uno samantalang halos hindi naman kumibo si Zero.
Hindi na nakakapagtaka ang labis na pagiging matalino ng dalawa. Ang ama ng mga ito ay isang bihasang computer engineer samantalang ang Ina naman nito ay magaling na psychologist. Hindi na nakakapagtaka na bihasa ang mga ito sa codes at pagbasa ng mga tao.
"Well, tama si Uno guys hindi natin alam kung ano pa ang pinaplano ni Leaf, I think it is worth it. A little trouble to prevent a big one. Isa pa, kung galing kila Uno ang konklusyon, malaking porsyento na tama iyon, what do you think Vince?" Pagsang-ayon ni Darius kay Uno which is rare mangyari. Napaisip siyang bigla sa sinabi ni Darius.
Malaking bagay pa naman sa pagdedesisyon nila ang opinyon ni Darius. Kahit kailan kasi ay hindi nagmintis ang judgment nito. Tama naman ang sinabi ng lalaki pero kahit na nagbigay na ito ng go signal, masama pa din ang pakiramdam niya sa gagawin nila. Kung hindi lang isang malaking loko loko si Jaydee, sana automatic na si Annica ang kukunin nila. Tinignan niya ang isa sa kambal.
BINABASA MO ANG
I've Got Trouble's Name on My Shirt
Teen FictionNasabit sa isang malaking gulo si Janella sa isang gulo dahil sa isang pangalan na ipinalagay niya sa kanyang T-shirt.