Broken Dreams

1 0 0
                                    

Minsan, iniisip ko kung ako lang ba ang taong maraming gustong gawin, pero walang pangarap sa buhay. Ang pilosopiya ko kasi sa buhay e parang kanta ng 'Air Supply' - come what may. Kung ano dumating at ano ang mangyari, e 'di tatanggapin ko na lang. Wala din naman tayong kontrol sa mga posibleng mangyari. Kahit gaano pa natin pinag-isipan ang isang desisyon, hindi naman palaging 100% na mangyayari ang inaasahan natin, dahil hindi lang naman ang ating decision-making skills ang nakaaapekto rito, kailangan din nating i-consider ang external factors.

At kung decision-making ang pag-uusapan, at risk talaga ang age group natin sa mga maling desisyon. Kasama dito ang pagdedesisyon kung saang university tayo papasok, anong course ang ating kukunin, at ano ang target natin na maging trabaho pagkatapos. Kung magkamali man tayo sa isa sa mga ito, malaking damage ito sa ating buhay.

Mga maling desisyon din ang dahilan kung bakit mayroon tayong mga pinagsisisihan. Kung si Rico Puno ang tatanungin, dapat daw wala na tayong pinagsisisihan dahil lahat naman daw ng nangyayari sa atin ay nakatadhana na talagang mangyari dahil iyon ang plano sa atin ni Lord.

Pero hindi kasi ako naniniwala sa tadhana, at naniniwala ako na although nanggaling sa Diyos ang buhay natin ay mayroon tayong free will. Biniyayaan tayo ng utak para makapag-isip at makapagdesisyon para sa sarili natin - planuhin ang ating buhay at buuin ang ating tadhana.

Sa kabilang banda, positibo rin ang pananaw ko sa pagsisisi, dahil ito ang signus na natututo tayo. Alam natin na mali ang naging desisyon natin kaya tayo nagsisisi, at sa pagkakamali na iyon tayo natututo. Kung hindi tayo nagsisisi, ibig sabihin hindi natin nakita ang pagkakamali natin, at ibig sabihin rin na hindi tayo natututo.

Major decision talaga ang ginagawa natin after high school graduation. Mahirap pumili ng kurso sa kolehiyo lalo na kung maralita ka na kagaya ko. Pero para lang hindi ka maligaw sa pagpili ng kurso, bibigyan kita ng ilang tips kung paano ka makakapagdesisyon nang tama.

Kung nagkataon na senior high school student ka, o may kakilala ka na senior high school student, para sa iyo ito.

4P's to Consider in Choosing Your College Program:

1. Passion

Know your passion. Ano ba talaga ang gusto mong gawin sa buhay? Ilista mo ang mga bagay na gustong-gusto mong ginagawa. Ilista mo at least top 5 things that you are passionate to do, or kung saang linya ka mas inclined. Pwedeng music, medicine, social work, writing, psychology, performing arts, engineering, office works, law, public service, tourism, etc. Basta 'yung mga bagay na nae-enjoy mong gawin.

As they say, mahirap gawin ang hindi mo naman gustong gawin, pero kapag gusto mo ang ginagawa mo, masaya ka pa rin kahit nahihirapan ka. Walang madaling kurso sa college, huwag ka maniniwala na mahirap lang ang accountancy, engineering, at law. Lahat talaga ng estudyante, dadaan sa paghihirap. Hindi lang sa law nagmememorize, hindi lang sa accountancy nagcocompute, at hindi lang sa architecture nagdra-drawing. Kung ang hinahanap mo e kurso kung saan hindi ka mahihirapan, wala sa librong ito ang hinahanap mo.

Malalaman mo nga raw na passionate ka sa isang bagay kapag kahit nahihirapan ka na, gusto mo pa rin ang ginagawa mo. Stressed ka, pero masaya ka at the same time. Nahihirapan ka, pero nag-eenjoy ka rin. Palagi mong piliin kung saan ka masaya, kahit hindi na kung saan ka 'pinaka'-masaya.

Kagaya ko. Nasa musika talaga ang passion ko. Ito ay kahit sintunado ako at tunog-lata ang gitara ko. Pero ang passion naman e hindi tumutukoy sa mga bagay kung saan ka magaling, ito ang mga bagay kung saan ka masaya.

Dito, hindi mahalaga kung ano ang gusto ng iba para sa iyo, basta isipin mo lang muna kung ano-ano ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo.

2. Profession Targeted

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Saan Nagtatago ang mga Tala?Where stories live. Discover now