Saan Nagtatago ang mga Tala?

2 0 0
                                    

Gustung-gusto ko palagi ang tumingala tuwing gabi para bisitahin ang mga tala. Nakakakalma. Ang sarap lang nilang titigan. Hindi ko alam kung ano ang meron sa kanila, pero siguro nga, sila ang nagpapaalala sa akin na masyadong malawak ang mundo para magmukmok lang ako sa iisang kwarto.

Astrology ang tawag sa pag-aaral ng mga tala. Mantakin mong may hiwalay pa na pag-aaral para sa mga tala? Pero gaano man ako kahilig sa mga tala, ni minsan, hindi ko tinangka ang kilalanin ang bawat isa sa kanila.

Ang hirap din namang saulohin ng constellations. Oo, gets ko naman na para ka lang nag-coconnect the dots, pero para naman kasing pare-parehas lang sila ng hitsura.

Masyadong maliliit ang mga tala kung titignan tuwing gabi. Pero alam niyo ba na may mga bituin na mas malaki pa kumpara sa earth?

O Kuya Kim, ano na?

Ang VY Canis Majoris halimbawa. Ito ang pinakamalaking bituin na alam ng tao. 1,420 times lang naman itong mas malaki kaysa sa ating araw. At ang ating araw? 333,000 times naman itong mas malaki kumpara sa ating mundo. Sinasabing magkakasya ang mahigit isang milyong earth sa loob ng araw.

Ikaw na lang ang bahalang magcompute kung ilang earth naman ang kasya sa VY Canis Majoris. I-send ang sagot sa 4426 para sa chance na maiuwi ako.

Pero nanganganib na rin daw mamatay ang bituin na ito. Oo, namamatay din ang tala, pero hindi naman siguro sila pinatutugtugan ng "Tanging Yaman" kapag namatay na 'di ba? Corny! Hahaha.

Aabot ng daang milyong taon bago tuluyang mamatay ang isang bituin. Namamatay sila sa pamamagitan ng isang pagsabog. Sa pagsabog na ito magsisimulang mabuo ang supernova kung saan kumakalat ang particles ng namatay na bituin sa kalawakan para maging panibagong bituin kinalaunan.

Sa pinanggalingan naman ng pagsabog mabubuo ang itim na bagay na kung tawagin ay black hole, iba pa ito sa blackheads at higit ito [black hole] na mas kaaya-ayang tignan kayso rito [black heads].

Grade 4 ako nang una akong namulat sa katotohanan na hindi talaga hugis bituin ang mga tala. Mga bolang apoy sila na nagmimistula lang bituin kapag tinitignan natin.

Grade 5 naman ako nang malaman ko na ang araw natin ay isa ring bituin. Muntik ko pang awayin ang titser ko pagkatapos niya sabihin ito. Hindi ko kaagad natanggap. Parang pakiramdam ko noong nakita ko na si Mama pala ang naglalagay ng regalo sa medyas ko tuwing pasko. Hindi ako makapaniwala na binilog nila ang ulo ko nang ganoon katagal.

Grade 6 ko naman nakilala si Nicolaus Copernicus na pinapaulit-ulit ko pa dati ang pangalan dahil parang spell sa Harry Potter. Hindi ko na lang matandaan kung ano ang naging ambag niya sa buhay ko, pero ito yung panahon na nahilig talaga ako sa astronomy.

Pangarap ko pa dati maging austronaut dahil gustong-gusto ko makarating sa outer space. Gusto ko ring malaman kung ano ang iba pang bagay sa kalawakan na hindi pa nadidiskubre ng tao. Malay natin, andoon pala ang true love ko.

Pero noong tumanda na ako, na-realize ko na hindi pala ganoon kadali ang pinapangarap ko, hindi ka lang pala parang magfi-field trip sa moon kapag astronaut ka - research ang ginagawa para mas madagdagan pa ang kaalaman natin tungkol sa universe.

Speaking of universe, wala pa rin nakakaalam kung gaano ba talaga ito kalawak. Nakakamangha lang na kahit ang layo na ng narating natin, wala pa ring nakararating sa dulo nito.

May mga teorya din tungkol sa multiverse, na sinasabi na mayroon pang ibang universe na kagaya rin ng sa atin at kung saan nag-eexist din tayo, ibang 'variant' nga lang.

Sa Dr. Strange in the Multiverse of Madness, ipinakita ang iba't ibang universe kung saan naroon ang ibang variant natin. Pero siyempre work of fiction lang ito at ayaw ko naman paghaluin ang fiction at reality.

At ang reality - nag-eexist tayo ngayon sa universe natin, at panigurado na may misyon tayo kung bakit tayo nandito. Sabi ko nga sa reaction paper ko noong first year college ako, "We are all nothing but mere particles of a gigantic and infinite universe, but we are made for a certain purpose and that's what makes us so much loved and appreciated."

Kaya labas ka muna sa kwarto mo kahit saglit, lakad ka muna. Pagkatapos, balikan mo itong librong ito dahil baka andito ang hinahanap mong pahinga.

Saan Nagtatago ang mga Tala?Where stories live. Discover now