A Bad Dream That Came True

71 0 0
                                    


Isang masamang panaginip na akala ko hindi totoo pero doon ako nagkakamali dahil ang masamang panaginip na iyon ay... pagkagising ko kinaumagahan nagkatotoo.

**
Jena Rone pov

"Jena w-wala *sob*na si d-da-ddy (Tawag namin sa Lolo),
Wala na *sob*si daddy. Wala na siya*sob*." Humihikbi na saad ni ate joy na niyoyogyog ang balikat ko. Nakatalikod ako sa kaniya habang natutulog pero dahil sa istorbo siya ,nagising ang diwa ko pero nakapikit parin ang mata ko.

"Pinagsasabi mo?Anong wala na? Wag mo 'kong pinagloloko. Nakita ko palang 'yon kahapon." Hindi ako nagsisinungaling totoong nakita ko palang siya kahapon pinagalitan pa nga kami eh dahil ang ingay ingay namin. Ganito kasi iyon. Nagvovoice kid kami ng mga pinsan ko kunyari ako si coach sarah tapos yong isa kong kapatid si coach lea, at yong isa ko namang pinsan si coach bamboo, tapos yong iba ko na pinsan sila yong kakanta tapos kami naman ang kakanta tapos sila na naman ang coach. Papalit palit lang gano'n.

"Maniwala ka, wala *sob*na si daddy. Wala na siya *sob*kinuha na siya *sob*s-" Agad kong pinutol ang sasabihin pa niya at inis na bumangon tsaka ko siya hinarap.

"Pwede ba ha... tigilan mo na yan, buhay si daddy okay buhay siya. Buhay." Sigaw ko na mas lalong nagpahikbi sa kaniya.

"S-sana *sob* nga. Sana, pero *sob* hindi eh, h-hindi. Puntahan mo *sob*P-puntahan mo."Ika niya at umalis. Hindi ko alam, pero bigla akong kinabahan at parang nanikip rin ang dibdib ko.

Padabog akong tumayo, paglabas ko nakita ko agad si papa na nakahiga sa sofa mugto ang mata, nakatulala na parang ang lalim ng inisip.
Dire-diretso lang aking paglakad, Magkapit-bahay lang eh. Pagpasok ko sumalubong sakin ang ilan lang na mga ante ko na mugto rin ang mata na halatang kakagaling lang sa pag-iyak. Sampu sila na magkakapatid, anim ang narito dahil ang apat, iba iba ang kanilang lugar
may sa mandaon, medyo malapit lang naman ito samin, ilang oras lang naman byahe bago makarating rito hindi talaga tulad sa albay, surigao at cebu na talagang sobrang layo nila samin, probinsya kami.

"W-wala n-na si d-dad-ddy mo j-jena,W-wala na s-siya." Umiiyak na ani ni mammy(Tawag namin sa Lola),
Kunot noo ko siyang tiningnan at bumaling sa katabi niya na may nakahiga, na may takip na puting kumot.

"Natutulog lang iyan my, tsaka impossible na wala na si daddy dahil nakita ko palang iyon kahapon."Sagot ko.

"*YAWN* Geh! matutulog na po'ko inaantok pa ko eh, kayo rin po." At tsaka 'ko tumalikod, nagmartsa para bumalik na sa aking kuwarto.

"Ahhyyyyy!" Bagsak akong humiga sa aking kama at unting unting pinikit ang aking mga mata na di namalayan may luhang tumulo.

**
(Kinaumagahan)

Bumangon ako, umunat unat at ginawa ang daily routine ko tuwing umaga.

Paglabas ko ng kuwarto, kita ko iyong parang bahay sa may labas at may mga taong nakaupo.Wala ring tao sa bahay.

"Anong meron, at nasan sila?" Taka kong tanong, sa isip ko lang.

Narinig ko ang hagulhol mula kina mommy't daddy bahay. Bakit hindi mawala wala ang mga iyak na yan. Sa panaginip ko kagabi may umiiyak pati ba naman paggising ko may umiiyak parin. Hindi ka- hindi, hinding hindi. Inalis ko sa isipan iyon. Masamang panaginip lang yon hindi nangyayari sa totoong buhay. Malabo. Napakaimposible rin. Ibang iba ang panaginip sa reyalidad.

"Bakit pa? Bakit? Bakit nawala ka kaagad? Iniwan mo na kami."
Ang mga salitang binitiwan ni ante,(Nabosesan ko. Iyong nakatira sa mandaon na umuwi rito dahil sa nangyari), ang nagpamulat sa akin na totoo pala ang masamang panaginip ko kagabi. Paanong nangyari na wala na si daddy? Paano? Nakita ko palang iyon kahapon, tapos kinaumagahan wala na.

Nanghihina akong napaupo sa sahig, nagsibaksakan rin ang luha sa pisnge ko. Ang hirap, ang hirap paniwalaan.

Kung alam ko lang sana, na iyon na pala ang huli na makakasama namin siya edi sana sinulit na namin. Sana hindi nalang kami nagpasaway pa sa kaniya.

Hindi pala lahat ng masamang panaginip ay 'di nangyayari sa totoong buhay, pwede rin pala mangyari, na di mo akakalain.

One Shot Stories Compilation Where stories live. Discover now