No Bestfriend Is Permanent

84 0 0
                                    


Walang kaibigan na permanente sa mundo,kahit gaano pa talaga kayo ka-close,darating ang araw na aalis sila.Pero hindi naman lahat ng umaalis masakit, minsan umaalis sila para rin sa ikakabuti nila.Ngunit ang memories na binuo niyo ng magkasama mananatili sa puso't isipan niyo iyon. Bahagi na iyon ng nakaraan.

**
Cana Perez pov

"Pangako!Babalik ako,babalik ako."

"Asahan ko yan.Alam kong tutuparin mo ang pangako mo.Hihintayin kita sa pagbabalik mo,calli."

Aalis siya rito sa pilipinas, para doon mag-aral ng kolehiyo sa amerika, pero alam ko na tutuparin niya ang pangako niya na babalik siya.May tiwala ako sa kaniya.

Nakita ko nalang ang unti-unting paglipad ng eroplano sa kalangitan.

*(Makalipas ang Limang Taon)*

"Hindi mo parin ba 'nak makontact?" Tanong ni mama,sa kalagitnaan ng pagluluto niya.

"Hindi parin ma eh" Malungkot na sagot ko na patuloy parin siyang tinetext at tinatawagan pero nakailang text na ako ni isang reply,wala akong natanggap mula sa kaniya,nakailang tawag na rin ako hindi rin sinasagot ang tawag ko.Hindi naman siya ganoon dati ah.
Siya pa nga iyong una na nagtetext,nagtatawag sakin.Minsan naman ako ang nagtetext sa kaniya, nagtatawag,wala pa nga isang minuto nagrereply na,sinasagot ang tawag ko,tapos nagulat nalang ako ng biglang,isang araw hindi na siya nagtetext,pagtinetext ko naman hindi nagrereply,hindi na siya tumatawag,pagtumatawag naman ako cannot be reach lagi ang cellphone niya.

Sa loob ng limang taon isang buwan lang kami nagkaroon ng communication sa isat isat.

Naisip ko na, "Ah baka nalowbat lang ang cellphone niya" hindi rin,hindi niya hinahayaan na malowbat ang cellphone niya kahit nga mayroon pang charge iyon, chinacharge niya eh.

"Ah baka busy" Maaring oo, pero sa pagkakaalam ko sa kaniya kahit na sobrang busy niya nagagawa at nagagawa niya talaga magtext/mangreply/magtawag/magsagot ng tawag ko.

"Ah baka hindi namalayan ang cellphone" Napakaimposible.Lumipas na ang mga ilang araw,linggo,buwan,
inabot na rin ng taon hindi parin namamalayan ang cellphone?

Gusto gusto ko siya puntahan sa Amerika dahil nag-alala talaga ako ng sobra sa kaniya pero paano?paano ko gagawin 'yon kung wala pa 'kong sapat na pera para roon.Oo nakapagtapos ako ng pag-aaral,gusto gusto ko nga magtrabaho
pansamantala lang naman habang hinhintay ko ang CPA(certified public accountant)board exam at para na rin makaipon at makatulong sa gastusin rito, pero ayaw ni mama na pagtrabahuhin ako,ilang beses ko rin sinabi sa kaniya, ayaw talaga niya.
Lagi niyang sinasabi sa akin,
"Anak,ang ipon ko nalang ang gamitin mo para roon,saka kayang kaya ko naman ang trabaho ko, hintayin mo nalang ang resulta ng exam mo bago ka magtrabaho,ilang araw na lang rin naman at malalaman mo na rin ang
resulta ng exam mo." Naging dahilan niya rin iyan.

Naaawa nga ako kay mama dahil nakikita ko na sobra talaga siya nahirapan sa trabaho niya pero pinapakita niya sa akin na kaya niya, sa totoo lang mahirap ang trabaho ni mama dahil sa isang araw dalawa ang trabaho niya,sa umaga't hapon nagbabantay ng bata dahil ang magulang nito pareho guro. Sa gabi naman kumakanta siya sa isang bar.Ang day-off niya lang, sabado at linggo.

Hindi ko maintindihan si mama bakit kahit na hirap na hirap na siya ayaw niya parin akong pagtrabahuhin?

"Kung puntahan mo kaya anak?Diba may binigay naman si calliah saiyo kung saan sila sa america."

"Gustuhin ko man ma na puntahan siya ngunit wala tayo ng malaking perang gagastusin para sa amerika."
Hindi kami mayaman na,pag gusto nalang pumunta sa ibang lugar eh mapupuntahan agad.Mahirap lang kami hindi kami katulad nila ngunit mulat na'ko roon mula pagkabata saka kuntento na'ko sa buhay na mayroon kami.

One Shot Stories Compilation Where stories live. Discover now