IDOL

77 0 0
                                    


Paano kung nasa kapahamakan ang iyong pinakainiidolong artista, magagawa mo kayang iligtas siya? O, isasakripisiyo mo ang iyong buhay para sa kaniya?

**

Keila Montes pov

"Tatagalugin ko ang aking sasabihin dahil alam ko na b*b* kayo at hindi makaintindi ng english."

"Tsk.Nanlait pa oh!"Bulong ng iba.

"May sinasabi kayo?"

"Wala boss ma'am."

"Sa index card na yan, diyan niyo mahahanap at makikita si Kyla Diaz dalhin niyo siya sa'kin.H'wag niyo siyang sasaktan.Alam ko namang kilalang kilala niyo na yan dahil isa siyang sikat na artista at model,napapanuod niyo yan sa tv.May kailangan lang siyang pagbayaran sakin.Isang Milyon ang ibibigay ko sa inyo pag nakuha niyo siya sa loob ng limampung minuto Nagkakaiintindihan ba tayo?"

"Areglado boss ma'am."

"Your- Ang inyong oras ay magsisimula na." Mabilis silang kumaripas ng takbo at daling sumakay sa puting van na agad ring pinaharurot.

Kaila, Kaila, Kaila
Malapit na ang ang katapusan ng buhay mo dahil parating na,ang susundo saiyo. Mala demonyo akong malakas tumawa.

Siya nalang eh, siya nalang ang mayroon ako pero namatay siya nang dahil sa p*tang*nang pagliligtas saiyo. Kung sinunod mo lang yong sinabi ko sayo,kung sinunod mo lang, hindi sana yon nangyari at hindi aabot sa ganito. Buhay ang kapalit sa p*tang*nang pagligtas sa'yo pwes buhay mo rin ang kabayaran non. Sisiguraduhin kong maipaghihiganti kita, kuya Kahlil.

Kiya Pineda pov

Hayy Kapagod!
Umupo muna ko ng may nakita akong bench doon. Alas dose na rin ng gabi at wala na kong may nakikitang sasakyan.
Pag tapos ng classes ko diretso agad sa coffee shop dahil ang daming customer.Ang hirap,pagod ka sa classes mo,tapos pagod ka pag-uwi mo dahil nagtratrabaho pa.Hirap maging working student pero kakayanin hindi pwedeng sumuko,may umaasa sakin.Siguro pahinga muna then laban ulit.Ganoon ang buhay,hindi pwedeng sumuko.Aaminin ko na, may mga oras na minsan gusto ko nalang sumuko,pero sa tuwing naaalala ko iyong sinabi ni Lola sa'kin na,
"Apo kung pagod na pagod ka na at hirap na hirap,magpahinga,hindi naman iyon bawal,pero dapat kinabukasan laban ulit. Alalahanin mo kung ano ang dahilan mo kung bakit sa simula palang nagpapatuloy ka ng lumaban."

At yong sabi ni idol nong napanuod ko yong interview niya,
"Ang kahirapan sa buhay hindi iyon nagtuturo para lalo tayong bumagsak, nagtuturo iyon na kailangan natin maging matatag,maging matapang sa buhay sa kabila ng kahirapan,hindi sana iyon maging dahilan para sa ikakabagsak natin."

Sa sinabi nilang yon, mas lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob na magpatuloy sa buhay.

Tumayo ako,binilisan ko ng lumakad.Inaantok na talaga ko,bumibigat ang talukap ng mata ko,gustong gusto ko ng humilata sa banig at ipikit ang mga mata ko.Kakapagod ang araw na to.Hindi.Araw araw nakakapagod.

"Bitawan niyo 'ko,bitawan niyo 'ko,tulong,tulong,tulungan niyo ko may gustong kumid-"."

"Tumahik ka,kahit anong sigaw mo walang may makakarinig sa'yo at walang tutulong sayo."

"Ano ba, pakawalan niyo na'ko,sino ba kayo ah?Ano bang nagawa kong kasalanan sa inyo,wala naaman diba?Ano bang gusto niyo pera?,sige ibibigay ko sa inyo kahit magkano,alahas?,ibibigay ko rin sa inyo,bastat pakawalan niyo lang ako."

"Hindi mo na kailangan malaman pa kung sino kami,wala ka ring kasalanan sa'min,may isang tao na kakailanganin ka.Saka pera?alahas?Hindi namin yan kailangan,dahil sobra sobra pa ang matatanggap namin."

One Shot Stories Compilation Where stories live. Discover now