C1

11 3 0
                                    

"Yuna anak saan mo gusto kumain? hmm?" tanong ni mama dahil matataas ang nakuha kong marka sa school.

"Maaa I want mcdo po" excited na sigaw ko.

"okay, mag shower ka na kasi papaliguan ko na si KD you're a big girl na diba? You can wash yourself na." sabi ni mama.

"opo" sagot ko naman at tumingkayad pa upang ipakita na malaki na nga ako.

Matapos kong maligo ay kinuha ko agad ang dress na paborito ko dahil iyon ang gift sakin ni papa nung ako'y pitong taong gulang.

"Mama ipitan mo po ako ng parang princess please" pagmamakaawa ko dahil paborito ko ang Sofia the first.

"okay sit down ka muna, bihisan ko muna si KD" sagot saakin ni mama.

Nang matapos na kaming ayusan ni Mama ay siya naman ang sumunod na naligo habang naglalaro pa kami ni KD.

"Mama hindi po sasama si Dada?" tanong ko.

"ofcourse sasama si Dada, pero sa Mcdo na Niya tayo hihintayin kasi may work pa siya" pagsagot ni mama sa tanong ko at hinalikan ako sa noo.

Pagkarating nga namin sa Mcdo ay nandoon na si Dada at nakaorder na ng para saamin. Kaya't niyakap ko agad siya at pinagmalaki ang mga grado ko.

"Good job Yuna, Mama and Dada is proud of you and KD also." sabi ni papa at ginulo ang buhok ko.

"Dada I'm a big girl na, don't ruin my hair po I'm a princess eh" nakasimangot na saad ko.

" Really? My Yuna is a big girl na? natatawang tanong ni papa kaya't nakasimangot akong tumango.

"okay okay, my big girl" pambawi ni dada.

"Let's pray before we eat" nakangiting saad ni mama.

"Mama KD is eating na oh" I said, dahil andungis na ni KD sa pagkakalampang niya ng pagkain.

"KD anak, learn to pray before u eat okay?" sabi ni Dada kaya walang nagawa si KD kundi ang magdasal muna bago lumamon.

After we pray ay sinimulan na naming kumain,nag uunahan pa kami ni KD sa Chicken Nuggets dahil iyon ang paborito namin sa Mcdo.

"Mama I want to be a chef in the mcdo paglaki ko, para makapagluto po ako ng madaming nuggets para saamin ni KD" proud na sabi ko pero tinawanan lang nila ako ni Dada.

"Really?" tanong ni Mama na natatawa.

"Yes Mama" sagot ko at ngumiti pa ng napakalaki.

Nang matapos kaming kumain ay pumunta muna kami sa mall upang bumili ng mga gamit at laruan namin ni KD, nag grocery na din kami. Dahil madalang kaming makalabas sa bahay na kumpleto kami, dahil palaging busy sila Mama at Dada sa mga work nila, pero never naman namin naramdaman ni KD na kulang kami sa pagmamahal at aruga.

    
                                            •     •     •
 

"Mama you know what, you're my favorite" sabi ko kay mama at yumakap sakaniya nang hatiran niya ako ng milk sa room ko"

" Really?" nakangiting saad ni Mama at sinusuklay ang buhok ko.

" Opo! Kasi you're pretty and...." sagot ko at nag iisip pa ng idadagdag.

" and what?" tanong ni Mama.

" and you love me and KD and Dada" I said while giggling.

" Ofcourse, you're my baby kahit big girl ka na" tumatawang sagot ni mama.

" Even Dada? Dada is your baby also po?" nagtatakang tanong ko.

" Yes" sagot ni Mama

" Why Mama? Is Dada also your child?"

" No ofcourse, you're all my baby because I love you all" sagot niya.

" So you're my baby too Mama? because I love you also KD and Dada and My dog?" tuwang tuwang tanong ko.

" Yes we are your baby also" sagot ni mama at hinarap ako sakanya. " You should sleep na, para lumaki ka lalo, you want to be a big girl right?" sabi ni Mama kaya't tumango ako at inubos agad ang tinimpla niyang gatas for me.

                                             •      •      •

"KD sabihin mo kay Mama you want Hotdog and Egg" pang uutos ko kay KD.

"You want Hotdog and Egg ate?" tanong Niya.

"Yes I want Hotdog and Egg pero angsabihin mo Kay Mama ikaw ang may gusto" pamimilit ko.

"I want Hotdog and Egg?" takang tanong niya.

"Yes, you want Hotdog and Egg" sagot ko.

" but I don't like Egg ate" nakangusong sagot niya.

"What do you like?" tanong ko sakaniya.

"I want Hotdog and itlog ate" sagot niya

"KD pareho lang iyon e" sagot ko at napakamot nalang.

"No ate, I want itlog not egg" pamimilit niya.

"Sabihin mo nalang kay Mama, Go!" panunulak ko sakaniya. Kaya't tumakbo siya at sumigaw.

"Mama ate said I want Hotdog and itlog and egg!" sigaw niya. Sa pagkabigla ko ay napatakbo ako sa kusina.

"Yuna do you want Hotdog and Egg?" tanong ni mama kaya tumango na lamang ako at sinimangutan si KD.

"KD you should not tell my name kanina" nakasimangot na sabi ko sakanya.

"I don't like Egg!" sigaw niya

"I won't buy you a chocolate from my school today!" sigaw ko pabalik.

"I will ask Dada to buy at his work!" naiiyak na sagot niya.

"Let's eat na, wag na kayo mag away" pagtitigil saamin ni Mama.

" Dada, you'll buy a chocolate right?" nangungumbinsing tanong ni KD kay Dada.

" Okay okay, we should pray na and eat" sagot naman ni Papa at si KD naman ay nang aasar pang nilabas ang dila kaya inirapan ko nalang siya.

                                              •       •       •

"Yuna! KD! Let's go na, may pupuntahan pa kami ng Dada niyo" pagtawag saamin ni Mama para ihatid sa mga school namin. Grade 2 ako at pumapasok naman sa Day Care si KD kaya't magkaiba pa ang school namin.

"Hindi namin kayo masusundo later ha, si Kuya Noel ang susundo sainyo" sabi saamin ni Mama. "Take care! huwag kayong makulit okay?" sabi saamin ni Dada and kissed us in our forehead and we kissed them back at their cheeks.

"Bye po Mama and Dada" kaway ko at nang aasar na dinilaan din si KD bago ako pumasok sa gate namin.

"Jannnaaaaa" sigaw ko ng makita ang kaibigan ko na nakaupo at naglalaro ng mga paper dolls.

"Yunaaa, may new paper dolls ako oh" sagot niya at pinakita ang mga nilalaro niya.

"wow, saan mo binili to Janna?" tanong ko

"Binili ni Mommy sa labas ng school" sagot niya at naglaro kami.

"Janna dapat paglaki natin tapos may work na tayo marunong na tayo gumaws ng paper dolls para hindi na tayo bibili tapos tayo din magbebenta para yayaman tayo" natutuwang sabi ko sakaniya.

"oo nga, tapos ibebenta natin sa mga bata kasi malaki na tayo e." sagot naman niya.

" Kaya dapat Janna mag classmates pa din tayo kahit saang school para mag best friend pa din tayo hanggang sa maging Lola na tayo tapos yung mga anak natin magbest friend din" pumapalakpak pang sabi ko.

" okay promise?" tanong ni Janna at nakikipag pinky swear.

" Promise" sagot ko and we did the pinky swear.

look for my yesterday's Where stories live. Discover now